“REALLY? Magagawan mo ng paraan?” Isang buwan na simula nang manganak ako. Mahirap man ang maging magulang pero sobrang worth it naman lahat, lalo na kapag nakikita namin si Eury. Inaalagaan din namin si Giana. Napapansin ko rin na hindi siya pinapabayaan ni Silver. Silver is a good brother and father. Hindi man halata sa itsura niya dahil he has this permanent scowl on his face, pero magaling siyang mag-handle ng mga bata. Hindi ako nahihirapan dahil sa kanya. Ngayon ay pinag-uusapan namin ang tungkol sa apelyido ni Giana. Caruso kasi ang gamit nitong apelyido and I hate it so much. Hindi bagay kay Giana ang gamitin at dalhin ang apelyidong iyon. “Yes, I need to pull some strings, but since we have a lot of connections in Italy, I can make it possible. Hindi ko lang alam kung anong gu

