TAHIMIK ako paglabas namin ng venue ng party. Tinangka kong hanapin si Chiara pero ang sabi ni Silver ay umuwi na raw kami. I want to know if she’s okay, but Silver insisted that we shouldn’t meddle with other people’s business. Umasa na lang ako na magiging maayos ang kaibigan ko. I am not really sure what’s the score between Yvo and Chiara, but I know that Chiara has feelings for Yvo. Hindi lang ako sigurado kung ganoon din ba si Yvo. I am not even sure if Yvo is capable of genuinely feeling emotions! Gusto kong pagalitan si Silver at sabihin sa kanya kung ano bang problema ng kapatid niya at itunuloy nito ang engagement kay Terina, pero pinigilan ko ang aking sarili. Alam ko na wala siyang alam sa kung anong tumatakbo sa isipan ng kapatid niya. Umuwi na kami sa bahay at walang-wala

