SA pinakamalapit na ospital namin dinala si Giana. Gusto man naming dalhin siya sa ospital na pagmamay-ari ng mga Benavidez subalit wala na kaming oras. Natatakot din ako na baka may mangyaring hindi maganda sa kapatid ko kung hindi agad siya madala sa ospital. Nakahinga lamang ako nang maluwag nang sabihin ng doktor na okay na raw ang kapatid ko. Wala naman sinabing malubhang kondisyon ang kapatid pero gusto namin ni Silver na magpa-second opinion. Gusto kong masigurado na maayos talaga si Giana. Dumalaw rin kami sa Italy para sa mama ko. Sabik na sabik na akong makita siya ulit. Ang sabi ni Montrell, kahit papaano ay nagiging maayos na naman daw si Mama. Ang problema lang, hindi pa rin niya kami nakikilala bilang anak niya. “Tell Mama I love her, but I am not going,” sabi ni Giana. Ma

