MABILIS akong nakarating sa bahay nina Aneesa. Sinalubong ako ni Dante at agad na itinuro sa akin kung saan natagpuan ang nasabing katawan. I am still convincing myself that this is not my Aneesa. This is not her. Ang sabi ni Dante sa akin, nakita ang katawan sa ilalim ng cliff at itinaas na nila. Nakalagay na ito sa body bag pero bukod doon ay wala silang ibang ginalaw. Binuksan nila ang body bag at bigla kong naalala iyong nangyari noong bata ako, nang buksan ni Dad ang body bag at nakita roon ang walang buhay na katawan ng kapatid niya. Umiling ako, trying to compose myself. My chest is heavy and I couldn’t breathe properly. But here I am still convincing that this is not Aneesa. I disregard the not so pleasant smell. Kumuha ako ng gloves dahil pinipilit ako nina Dante na suutin iy

