Chapter 2

835 Words
Habang naglalakad kami papuntang canteen, iniisip ko pa rin kung sino kaya ang tinutukoy ni Caloy. Sa kabilang bahagi ng isip ko, pakiramdam ko, ako yun. Masaya yun. Sa kabilang banda, paano kung hindi ako? Paano ako magrereact? Kaya ko ba? Siguro naman. We are friends. At ang magkaibigan ay sinusuportahan ang bawat isa. Hindi ko na namalayan na nasa loob na kami ng canteen. Sa classroom na namin kinain ang nilibre niyang pagkain sa akin. Baka kasi biglang dumating si Ma’am Gomez. May quiz pa naman. Natapos ang maghapon na ang laman ng isip ko ay kung sino kaya ang babaeng nagpapasaya kay Caloy. Dinala ako ng mga paa ko sa likod ng aming classroom. Malalim pa rin ang aking iniisip nang biglang makarinig ako ng isang pamilyar na boses. Si Shirley ba yun? Sa isip-isp ko. Si Shirley ang aking girl bestfriend. Magkakabarkada kami nina Caloy. Seatmate din. Si Caloy, ako, at si Shirley. Magkalapit barangay lang sila ni Caloy. Sino naman kaya ang kausap ni Shirley sa lugar na ito. At in fairness, ang saya niya. Tatawagin ko na sana siya. Kaya lang, biglang lumabas sa sulok na iyon ang isang pamilyar na imahe na siyang kausap ni Shirley – si Caloy. Teka. Bakit kinabahan ako? Bakit dito sila nag-uusap? Bakit di ako kasali? At bakit parang ang sweet ni Caloy sa kanya? Sweet din si Caloy sa akin pero hindi katulad ng nakikita ng mata ko. Tama ba ang iniisip ko? Siya ba? Si Shirley ba? So, hindi ako? Bakit di ko nakita? Bakit di ko nahalata? Lagi kaming magkakasama. Magkakatabi kami sa upuan. Magkakasabay kaming kumain tuwing tanghalian. Magkakasabay umuwi sa hapon. Bakit wala akong napansing kakaiba? Why I have this feeling of betrayal? At teka lang…bakit parang ang sakit naman. Dahil si Shirley ang taong nagpapasaya sa kanya at hindi ako? O dahil umasa ako sa bagay na walang kasiguraduhan? Hindi ko alam kung tatawagin ko ba sila para mapansin nilang andoon ako. O aalis na lamang ako para kunwari wala pa akong alam. Hindi kasi agad ako makakilos. Nag-isip ako. Ano ba ang dapat kong maging reaksiyon. Kelangan natural lang. Yung hindi obvious na alam ko na. Kinalma ko muna ang aking sarili. Bago ako unti-unting lumapit. “Uy, guys..ano namang ginagawa nyo diyan sa sulok Ang dami kayang walisin doon sa may likod ng CR? Anong pinag-uusapan nyo? May plano kayo sa Valentines Party natin no?” Pinilit kong maging natural ang aking boses. Kahit alam kong medyo nabubulunan ako. Casual lang ba? Yung tipong ignorante sa katotohanan sa harapan ko. Alam ko. Kita ko sa mukha nila. Nagulat sila sa bigla kong pagsulpot. Hindi siguro nila inaasahan. Hindi agad sila nakaimik. Pero pinilit ko pa ring magbiro. “Ano? May maganda na ba kayong naisip na pakulo natin sa Valentines Party natin? Share naman guys.” Matamis na ngiti ang kasunod noon. Ewan ko lang kung obvious na may pait na damdaming maaaninaw sa mga mata ko sa kabila ng matamis na ngiti ng ipinkikita ng aking mga labi. “Ah, oo. Nakita ko si Shirley na mag-isang naglilinis dito. Gugulatin ko sana. Napansin naman agad ako kaya napagkuwentuhan namin ang magiging ganap sa Party. Malapit na kasi. Di ba Shirley? “O-Oo. Naisip namin na sabay-sabay na tayong magpunta doon. Meet up na lamang tayo sa bahay. And magpapaalam din ako kay Nanay na doon na lng tayo lahat mag sleep over after ng party.” “Dito nyo pa talaga iyan pinag-usapan? Halina kayo, malapit ng mag-uwian.” Nauna na akong umalis sa kanila. Baka kasi mahalata nila na naiiyak ako. Naramdaman kong kasunod ko na din sila. Wala kaming imikan hanggang makabalik sa loob ng classroom. Hindi ko alam kung paano ko sila i-aapproach na dalawa. Hanggang sa naisip ko na lang na akbayan si Shirley at bulungan. “Anong meron sa inyo ni Caloy?” Alam kong nagulat siya. Hindi kasi agad siya nakapagsalita. Tinitigan lamang niya ako. Inihahanda ko na ang sarili ko sa mga salitang madidinig ko mula kay Shirley. Isa, dalawa, tatlo….Parang nagsisisi ako na nagtanong pa ako. Teka lang, wag mo ng sagutin please. “Wala. Sari-sari na ang imagination mo eh. Nagpaplano nga lang kami para sa Party.” Hindi convincing ang sagot ni Shirley. Pero for now, yun na muna ang paniniwalaan ko. For, now….. Simula’t sapul alam ni Shirley ang feelings ko kay Caloy. Sila ni Cath, ang isa ko pang girl bestfriend, ang aking buhay na diary. Lahat ng kilig moments ko with Caloy alam nila. Pero bakit ganon? Mas matimbang talaga siguro ang love kaysa friendship. Habang tinitingnan ko ang dalawa kong matalik na kaibigan, na-realize ko na parang isa ako sa dahilan kung bakit di nila piliing mahalin ang isa’t isa nang Malaya. Hindi ako handa sa mga ganitong eksena. Bahala na. Aabangan ko na lang kung anong mangyayari bukas. Sa ngayon, pinoproblema ko muna kung paano matutulog nang hindi iniisip sina love story na akala ko ako ang lead actress…hindi pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD