Chapter 5

743 Words
“Rhiane, di ba tinanong mo ako kung sino ang nagpapasaya sa akin? Sasabihin ko na sa iyo kung sino.” Wait. Wag mo ng sabihin. Uunahan na kita. “Alam ko na, Caloy, si Shirley, di ba?” “P-paanong?” “Nung Makita ko kayo, sa likuran ng classroom natin, alam ko ng siya yun. Siya yung nagpapasaya sa iyo, na siya ang nililigawan mo. Bakit ba hindi moa gad sinabi sa akin? Sana eh natulungan pa kita sa panliligaw?” Salamat sa magaling na pailaw ng may-ari ng sound system. Hindi halatang naiiyak na ako. “Since alam mo na pala, sorry at hindi ko agad sinabi, nag-aalangan kasi si Shirley na ipaalam sa iyo. Kasi…kasi…alam mo na.” “Kasi crush kita. Naku po, crush is only paghanga di ba? Siguro dahil magaling kang mag-volleybal kaya crush kita. Di naman kasi kita crush pag di ka na naglalaro.” Sour-graping ba iyon? Para hindi obvious na its not just a simple crush. “So, kayo na ba? Sinagot ka na niya? Dali, excited ako.” Kailangan may sound of kilig and excitement ang pagtatanong ko. Kahit konting-konti na lang babagsak na ang luha ko? Paano ba maging masaya nang nasasaktan? Ang sumunod doon ay parang nakakabinging “Oo, sinagot na niya ako.” So, yun na yun. Ganito pala ang pakiramdam. Hindi ako makahinga. Kahit alam ko na naman. Kahit ipinipilit ko sa utak ko na okay lang ako. Pero kailangan ay hindi halata na may kirot. Paano ko ba gagawin? “Wow, happy ako para sa inyo.” Automatic na lumabas sa bibig ko. Ano bang sunod na dapat gawin. Mag-walk-out. Tapos mag-disappear agad. Para hindi nya Makita na umiiyak ako? Wait, paano ba magpaalam na gusto ko ng umupo? Na napapagod na ako? “Caloy, upo na tayo? Mas nakakapagod palang sumayaw ng sweet kaysa sa disco?” Tatawa ba ako? Yun dapat ang kasunod noon. Kaya lang hindi naman ako naupo. BAkit ba naman dinala ako ng paa ko palabras sa plaza? Bakit naman di napigilan ng isipan ko ang pagpatak ng aking mga luha? Di ba kanina lang may usapan kami ng puso ko na tanggap ko na naman. Bakit nasaktan ka pa rin? Tama, iiiyak ko lamang ito. Taps, okay na ako. Babalik ako sa loob na parang walang nangyari. Hindi ko alam kung ilang minute o oras akong umiyak. Pagbalik ko nakita ko sila, ang sweet. Kita ko sa mata nina Shirley at Caloy ang pag-aalala. Saka ko naisip. Ang sama kong kaibigan. Nag-aalala silang dalawa sa akin kahit hindi naman dapat. Kaya pinilit kong ngumiti. At personal silang binati. “Masaya ako para sa inyong dalawa. Naiiyak ako kasi baka ma-out of place na ako sa inyo. So magpapalit na ba tayo ng seating arrangement Shirley?” Napuno ang auditorium ng malakas naming tawanan. Tawanan na sa pandinig ko ay napakalungkot. Mahal ko ang dalawang ito. Kaya dapat lang akong maging masaya para sa kanila. Lunes ng umaga, parang may hang-over pa ako ng nangyari noong Friday night. Hindi ko maisip kung papasok ba ako o aabsent na lang. Paano pagpasok ko? Mag-iiba na. Friendship over na sa kanilang dalawa. They are friends turn into lover. Akala ko para sa akin ang kwentong iyon. Para pala sa kanila. But life must go on. Hindi pa katapusan ng mundo. Gagraduate pa ako. Magka-college at magiging teacher. “Good morning guys!” Bungad na bati ko sa aking mga kaklase. Kailangan masaya ang awra dahil Monday is the start of a new journey. “Good morning lovers!” Batik o sa dalawa. Akon a ang nag-adjust. Lumipat ako ng upuan sa bandang unahan. Hinayaan ko sila sa kanilang sweet momente. Pero ng totoo, para di ko sila Makita. Dahil kung pipiliin ko ang bandang likuran, hindi ko maiiwasang pagmasdan silang dalawa. Everything seems normal. Ang buong maghapon. Sabay-sabay pa rin kaming tatlo mag-recess, kumain at umuwi. Ang kaibahan lang ay mas sweet sila. Ayaw ko naman na bigla-bigla na lang akong umiwas. Unti-unti. Para naman may moment sila together without me. Pero hanggang kalian ko makakaya? Araw-araw ko silang kasama, nakikita. Paano ako makaka-move on? Paano ba maging okay sa mga panahong tulad nito. Akala ko ba when we ask something, be specific. Napakaspecific ko kaya sa mga prayers. Sabi ko po, Lord, kung bibigyan nyo po ako ng the One, Si Caloy po yun ha.” Ibingigay nyo naman po talaga…as a friend…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD