DEFEND ME"
-
"A-alex" Halos mangiyak-ngiyak na sambit ni Kyla habang nanginginig ito sa takot.
"B-baby.." Hindi ko na naituloy ang aking pagsasalita nang bigla itong tumakbo palabas ng bahay.
Napansin ko ang hawak kong b***l.
"P-paano ako nagkaroon neto?" Tanong ko sa aking isip at lumingon sa aking likuran.
Halos manlumo ako sa aking nakita.
"T-tita?" Nabitawan ko ang hawak kong b***l nang makita ko ang isang taong nakahandusay sa sahig habang naliligo ito sa sarili niyang dugo.
"I k-killed her m-mom? No!"
Maya-maya ay narinig ko ang sirena ng sasakyan na naghuhudyat na paparating na ang mga pulis. Hindi na ako makagalaw at pinanood na lamang ang aking sarili na dinadampot ng pulis at isinasakay sa sasakyan.
-----
"Isang tanong, isang sagot! Bakit mo siya pinatay?!" Sigaw sa akin ng isang lalaki sa aking harapan.
Nanatili akong tahimik.
Nandito kami sa loob ng isang kwarto. Tanging upuan at lamesa lamang ang andito. Walang ingay, at tanging sigaw lamang ng lalaking nasa harapan ko ang maririnig dito.
"Hindi ka ba talaga aamin?! Tapos na sana tayo rito kung kanina ka pa nagsalita!" Muling sigaw nito ngunit nanatili pa rin akong tahimik.
Wala akong pinatay. Wala.
" Mr. Silvenia, ako na ho ang kakausap d'yan" saad ng isang babaeng kakapasok pa lamang sa pinto. Agad namang tumango ang lalaki na nasa harapan ko at tuluyan nang umalis.
Pumasok naman ang babae at umupo sa harapan ko.
" Hindi ko siya pinatay" saad ko bago pa man siya tuluyang makaupo.
"Shhh..."
"Mamaya na natin pag-usapan 'yan" saad nito.
Nanatili pa rin akong tahimik at walang anumang salita ang lumalabas sa bibig ko.
"Now, tell me, are you right handed or left?" Tanong niya.
Nagulat ako rito sapagkat anong koneksyon ng kamay ko sa kaso?
"Napakasimple lamang ng tanong, bakit tila ang hirap sa iyong sagutin ito? " muling tanong nito.
"L-left handed" sagot ko.
"Sanay ka rin bang gumalaw kapag ang kanang kamay mo ang ginagamit mo sa pagkilos?" Muling tanong niya.
"Ano bang koneksyon ng.."
"Just anwer my question Mr. Valdez"
"H-hindi. Mas sanay ako sa kaliwa"
Halos lahat ng aking mga sagot ay kanyang itinitipa ito sa keyboard ng laptop na nasa harap niya.
Isinara niya ang laptop at muling tumingin sa akin.
"By the way, I am Atty. Alliah Dela Cruz. I'm your lawyer for now. Pero kung ayaw mo sa akin? Well, wala naman akong pake. I'm a public defensor. Agad akong nagvolunteer na maging abogado mo nang aking mabasa ang iyong kaso. Sapagkat nakikita ko sa iyo ang isang taong napagbintangan sa isang krimen na hindi mo naman ginawa" tuloy-tuloy na pagsasalita nito.
Agad namang nanumbalik ang aking sigla nang aking malaman na may naniniwalang hindi ako ang totoong may sala.
"Ang i-ibig bang sabihin n'yan ay n-naniniwala ka sa akin na hindi ako ang p-pumatay kay T-tita Shayne?" Halos mangiyak-ngiyak na tanong ko rito.
"For now? Yes. Hindi pa ako naniniwala. Pero kapag nakakuha ako ng sapat na ebidensya na ikaw talaga ang may sala, hindi ko na itutuloy ang pagdedepensa sa iyo sa korte. Hindi ko hahayaan ang sarili kong ipagtanggol ang isang taong ubod ng sama upang makapatay ng isang tao. Pero hindi ko pa alam ang buong pangyayari kaya't sagutin mo lahat ng aking mga katanungan. Alam mo sa sarili mo na hindi ikaw ang gumawa no'n at nakikita ko iyon sa iyong mga mata at sa pagkilos. Magsimula na tayo."
Tuloy-tuloy na pagpapaliwanag nito. Kahanga-hanga ang kanyang pagsasalita.
Muli nitong binuksan ang kanyang laptop at nagsimulang magtanong.
Handa ko namang sagutin ang lahat sapagkat hindi naman talaga ako ang may sala. Alam ko sa sarili ko iyon.
"Makakatulong kung hahayaan mo muna ang sarili mong alalahanin ang lahat ng pangyayari bago ang krimen." Saad nito.
Sinimulan kong alalahanin ang lahat.
"S-si"
"Maaari na ba tayong magsimula?" Muling tanong nito kaya't 'di ko na naituloy ang aking sasabihin.
"Bakit ka naro'n sa lugar kung saan isinagawa ang krimen?"
"18th monthsary namin ni Kyla. Pumunta ako sa kanila para sana isurprise. P-pero pagkapasok ko pa lamang sa pinto, nakita ko na agad ang katawan ni tita na nakahandusay sa sahig. Tatakbo na sana ako palapit sa kanya nang biglang may pumukpok sa aking ulo na naging dahilan upang mawalan ako ng malay. Paggising ko, hawak ko na ang b***l at sakto namang papasok si Kyla sa pinto at naabutan niya ako roon na hawak ang b***l. H-hindi ako ang pumatay!"
Umiiyak kong sigaw. Hindi ko na mapigilan ang aking emosyon.
"Please Calm down Mr. Valdez. Marami pa akong katanungan." Saad nito ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili.
"Ms. Dela Cruz, hindi na maaaring ipagpatuloy ito sapagkat baka magwala pa ang suspek." Saad ng isang lalaki na kakapasok pa lamang sa pinto.
Agad namang tumingin sa akin si Alliah kasabay ng pagsara niya ng laptop.
"Itutuloy natin ito bukas. Be ready" Saad nito at ngumitij at kanya nang iniligpit ang kanyang mga gamit.
At patuloy na lumabas sa kwarto. Ako naman ay muling pinosasan at ibinalik sa kulungan.
-
Muli ay andito kami sa isang kwarto at kasama ko ulit si Alliah.Blanko ang ekspresyon nito sa kanyang mukha habang nagtatanong sa akin.
"Alex. Let's be close. Halos magka'edad lang tayo at hindi ko magagawa nang maigi ang aking trabaho kung nagkakailangan tayo sa isa't-isa." Tumango naman ako bilang pagsang-ayon ko rito.
Kita ko ang pag-ngiti niya sa akin na naging dahilan upang mapalagay ang loob ko sa kanya.
"Nasa crime scene ako kahapon, and I found this" saad nito at ipinakita sa akin ang isang maliit na notebook kung saan may nakasulat.
" ••••|---|-•|•|-•--| "
"Ano 'yan?" Tanong ko rito nang aking makita ang nakasulat.
" Code."
" A code?"
"Yes. This is International Morse Code."
" Anong ibig sabihin n'yan?" Muling tanong ko ngunit ngumiti lamang ito sa akin.
"Bukas na ang itinakdang Hiring, Alex. See you there" Saad nito at tuluyang umalis.
Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niyang code.
Nandirito na kami sa loob ng korte.
Tila hindi ako kinakabahan at kampante lamang na nakaupo rito sa harap at aking nilingon si Alliah, my lawyer. Ngumiti ito sa akin at gumanti rin ako ng ngiti. I trust you, Alliah. Lumingon naman ako sa direksyon kung saan nakaupo si Kyla, my girlfriend. Damn, ansama ng tingin niya sakin. Napayuko na lamang ako. At tahimik na lumuha. Iloveyousomuch Kyla.
Napalingon ako kay tito na siyang naging abogado sa kaso ni tita. Kyla's dad is a Lawyer. Kaya't hindi na ako magtataka kung bakit siya ang nakaupo sa lawyer's seat na siyang magpapatunay na ang suspek ang totoong may sala.
Galit itong nakatitig sakin.
-
"Bago magsimula ang paghuhusga sa loob ng korteng ito. Nais ko lamang ipaalala na ang lahat ay walang karapatang magsinungaling. Ang hindi pagsabi ng totoo ay may kaakibat na kaparusahan kung kaya't, ang lahat ay may kalayaang magsalita para sa kanilang sarili.
"Magsimula na tayo" saad ng judge sabay pukpok ng tila maliit na martilyo.
Agad namang tumayo si tito at nagsimulang magpabida sa gitna.
Lumapit ito sa akin.
"Mr. Valdez, ano ang iyong dahilan upang patayin mo ang biktima?" Tanong nito.
"Hindi ko siya pinatay!" Sigaw ko.
Lumingon ako kay Alliah at nakita ko ang pag-iling nito sa akin na nagpapahiwatig na kumalma lamang ako.
"Bakit kasi ayaw mo pa aminin?" Muling tanong sa akin ni tito. Nanatili lamang akong tahimik hanggang sa umalis na ito sa aking harapan.
At muling nagpabida sa gitna.
"Your honor, fingerprints ng suspek ang nadetect sa b***l. It's too obvious! Siya ang pumatay!"
"Hindi ko siya pinatay!" Sigaw ko.
"At bakit hindi ikaw?! Sapat na ang ebidensya!"
"Hindi ako!"
"Katahimikan!" Sigaw ng judge.
"Ms.Dela Cruz, it's your turn."
Agad namang tumayo si Alliah at ngumiti sa akin.
"Witness?" Tanong nito sa harap.
Agad namang tumayo si Kyla at pinaupo sa witness's seat.
Agad namang lumapit si Alliah dito.
"Ms. Angeles, maaari mo bang ilahad ang lahat ng iyong nakita?" Tanong nito rito.
"H-he killed my mom!" Sigaw nito habang nakaturo sa akin. Umiling-iling ako rito habang lumuluha.
"Paano mo nasabi iyon Ms. Angeles?" Muling tanong ni Alliah.
" Pagkapasok ko pa lamang sa pinto ng bahay, nakita ko na agad si A-alex na hawak ang b***l at nakita ko si mommy na nakahandusay sa sahig."
"He killed my mom! He killed my mommy! f**k you Alex f**k you!" Sigaw nito.
"Please calm down Ms. Angeles"
"Now, tell me Ms. Angeles, Kilala mo ba talaga ang boyfriend mo?" Tanong ni Alliah.
"O-ofcourse" sagot naman ni Kyla habang umiiyak.
"Really?"
"Ofcourse! He's my boyfriend ang we've been together for 18th months!" Sigaw nito
"So? Talaga bang maniniwala kang siya ang gumawa nito? Hindi ba't alam mo na sobrang close sila ng mommy mo? Sa tingin mo? Anong maaring dahilan niya para patayin ito?"
"H-hindi ko alam! N-nakita ko lahat! Nakita ko! Pinatay niya si mommy!" Umiiyak na sigaw nito.
"Saan mo nakitang hawak ng suspek ang b***l? Left or right?" Matagal bago makasagot si Kyla.
"K-kanan!"
"Ms. Angeles, sinabi mong kilala mo talaga ang boyfriend mo. Pero ba't hindi mo ata alam na left handed siya?" Saad ni Alliah na siyang nagpatahimik sa lahat.
"A-alam ko iyon. Left handed si Alex. Pero ano namang k-koneksyon no'n? " Tanong ni Kyla ngunit ngumiti lamang si Alliah dito at pumunta sa gitna.
"Your honor, witness na mismo ang nagsabi na hawak ng suspek ang b***l sa kanyang kanang kamay. Girlfriend niya na rin mismo ang nagsabi na left handed siya. Look, right hand ang lumabas sa fingerprints. At isa pa, " pumunta si Alliah sa direksyon ko at ipinahawak ang isang ballpen.
"Can you try to write? Using your right hand?"
Agad ko naman itong ginawa.
Ni hindi ako makapagsulat sapagkat hindi talaga ako sanay na kanan ang gamit.
"It's okay" saad ni Alliah at muling kinuha ang ballpen.
Muli itong pumunta sa gitna.
"See? Hindi kayang kumilos ng suspek gamit ang kanang kamay? So how can He shot the victim using his right hand? Ni ballpen pa nga lang ay hindi na niya kayang igalaw? b***l pa kaya?"
"Objection your honor!" Sigaw ni tito.
"Mr. Angeles! Stop!" Sigaw ng judge.
"Continue Ms. Dela Cruz"
"That's it for today your honor" saad ni Alliah." Sa paglilikom na ito. Ang korte ay pumapanig kay.."
"Ms. Dela Cruz"
Agad naman akong napangiti nang marinig ito
-
"GoodJob Ms. Alliah"
"Goodjob attorney"
"Goodjob Defensor"
"Thankyou"
Nakatitig lamang ako kay Alliah. Thankyousomuch.
-
Muli kaming nag-uusap dito sa isang kwarto ni Alliah.
"Alex, panibagong ebidensya" saad nito sa akin at ipinakita ang isang envelope.
Nakita ko ang lamang nito. Pictures.
"Ano na namang koneksyon nito?"
Ngumiti lamang ito sa akin. Tila alam na niya kung sino ang totoong may sala. Ngunit ayaw niyang sabihin ito.
"Alliah?"
"Yes?"
"The code?"
"What?"
"Ano ibig sabihin non?"
Isang ngiti lamang ang iginawad nito sa akin.
" Ba't sa gano'n pa ni tita isinulat? Bakit hindi nalang yung diretsong salita?"
Tanong ko rito.
" Mapapansin mo naman ang pagkagulo nang pagkakasulat 'diba? Maaaring hindi na niya kayang isulat iyon gamit ang alpabetiko sapagkat hindi na niya kayang magsulat sa sakit. Kaya't mas naisip niyang mas madali kung isusulat na lamang niya ito gamit ang code. The victim is a government agent. Kung kaya't alam niyang gamitin ang mga code. That's it. Isinulat niya iyon bago siya mawalan ng hininga upang maituro ang totoong may sala." Paliwanag nito."How about that pictures?" Tanong ko.
"Shhh.. Bukas na ulit ang hiring Alex. And tommorow, will be your independence day" saad nito sabay tumawa. Independence day amputa.
"Btw, Alex. I have a friend. He can hack all the system specially the cctv camera. " saad nito.
"What's the matter?"
"Hindi ba't may cctv camera sa labas ng bahay ng biktima? Na kung saan, makikita rito kung sino ang lumabas at pumasok sa pinto ng bahay nila. I was about to check it yesterday, pero burado na lahat ng files. Sinabi rin ng daddy ni Kyla na sira na daw ang cctv na iyon. Tss halatang may tinatago haha" saad nito.
"What do you mean?"
"Secret"
"Hey?"
"I need to go. See you there" saad nito sabay kumindat sa akin at tuluyang umalis.
-----
"Mr. Angeles? Wala ka na bang ibang maipakitang ebidensya bukod sa fingerprints na nadetect sa b***l?" Tanong ni Alliah habang nasa gitna ito ng korte.
"W-wala na" sagot naman ni tito.
Kita ko ang pag-ngisi ni Alliah.
"Hmm?"
"Your honor, before I start, I just want to ask Ms. Angeles if she really love her boyfriend. Ms. Kyla, you love him? Aren't you?" Sarkastikong tanong ni Alliah dito.
"I l-love him o-ofcourse" napangiti naman ako sa sagot nito.
"So you can accept him again in your life if I can prove today that He's innocent and He didn't kill your mom? " tanong ulit nito. f**k Alliah, ano bang ginagawa mo?
"H-he k-killed my mom!"
"Okay. I'll start."
"Your honor, about the last hiring, hindi ba't nasabi kong left handed ang itinuturong suspek at hindi niya kayang kumilos nang gamit ang kanang kamay? So How can he do that? " paninimula nito at tumango naman ang judge.
"Now, your honor, I have a lot of evidence for today. And I think, that the suspect is innocent and the real killer is here inside this court." Pagpapatuloy nito at kanyang clinick ang isang button sa hawak niyang remote kung kaya't may lumabas na isang video sa malaking screen na nasa harapan.
"That is a record on cctv camera infront of the door of the victim's house na sinabi ni Mr. Angeles na sira na daw kung kaya't walang record na lumabas nung araw na nangyari ang krimen. But ofcourse, alam ko kung paano kumuha ng record na iyan" saad nito sabay pi'nlay ang video.
"Look, there's a guy na pumasok 1hr ago bago pumasok jan ang suspek. Who is that? Do you think Ms. Kyla? Who's that guy?" Tanong nito.
Ni hindi makasagot si Kyla dahil sa gulat.
"Next, pumasok na ang suspek sa loob, and look, it's about 7mins mula nung pumasok si Alex nang lumabas ang taong kakapasok lamang kanina. And that's it. Maybe siya ang killer. Mr. Alex Valdez, maaari mo bang ipaliwanag sa kanila ang nangyari nung pumasok ka r'yan?" Agad namang lumingon sa akin ang lahat.
"P-pumunta ako sa bahay nila Kyla kasi I was about to surprise her. Pero pagkapasok ko pa lamang sa pinto, ay nakita ko si tita sa sahig at puro dugo. Tatakbo sana ako papalapit sa kanya pero biglang may pumukpok sa ulo ko kung kaya't nawalan ako ng malay. Nagising na lamang ako na hawak ko na ang b***l" halos mangiyak-ngiyak kong pagpapaliwanag.
"See? Maybe na ayaw managot sa batas ng taong gumawa no'n kung kaya't ginawa niya iyon kay Alex."
"Next Evidence, your honor" saad ulit nito sabay dukot sa kanyang bulsa. Yung notebook na may code!
"What is it Ms. Dela Cruz?"
Tanong ng judge.
"Nakuha ko iyan sa crime scene malapit sa pwesto ng biktima. And look, that is the victim's diary. Look at the last page, your honor"
Dahan-dahan namang binuklat ng judge ito.
"It's this is a code right?"
"Yes, your honor"
" H-O-N-E-Y?" Basa ng judge.
Honey ang meaning no'n? Wth?
"Ms. Kyla? Ano ulit ang endearment ng mga magulang mo?" Tanong ni Alliah sa girlfriend ko.
"H-honey" sagot ni Kyla habang nanginginig at umiiyak.
"Last evidence, your honor" saad naman ulit ni Alliah at inilabas ang envelope na kung saan nakalagay ang mga pictures.
"What about this Ms. Dela Cruz?" Tanong ulit ng judge.
Ngumiti naman si Alliah.
"Look, your honor. It is the picture of MR. ANGELES and his MISTRESS"
"W-what? Objection your honor! That's a private s**t!" Sigaw ni tito.
Naguguluhan na ako sa nangyayari.
Kukunin na sana ni Tito ang enveloped sa judge ngunit sumigaw ito.
"Stop Mr. Angeles! Go back!"
Kita ko naman ang pag-ngisi ni Alliah.
"What your point Ms. Dela Cruz?" Tanong naman ng judge.
"Simple lang, your honor. Ms. Kyla? Who's that guy na nakita mo kanina sa cctv na pumasok sa bahay niyo?" Tanong niya kay Kyla.
"D-daddy"
"Objection your honor!" Muling sigaw ni tito.
"Continue, Ms. Dela Cruz"
"It's too obvious? Si Mr. Angeles ang pumatay sa kanyang asawa. Maaaring nag-away muna sila tungkol sa misstres at hindi na napigilan ni Mr. Angeles na gawin niya iyon sa kanyang asawa. Maaaring pagkatapos niya itong mabaril ay sakto namang pumasok ang boyfriend ng kanyang anak kung kaya't naisip niya itong ibintang sa kanya. Maaring pinunasan niya muna ang b***l at inilagay sa kanang kamay ni Alex at hindi niya ata alam na left handed ito? Haha. So amazing Mr. Angeles"
"No!" Sigaw ni tito."Kasinungaling ang mga sinasabi mo! Hindi ko magagawang patayin ang asawa ko!" Muling sigaw nito.
Nakita ko naman si Kyla na umiiyak na at umiiling-iling.
"D-daddy?!" Sigaw ni Kyla.
"No, anak! Hindi ako yon!"
"Katahimikan!" Sigaw ng judge.
"Tapos na ang paglilitis! Nakapagdesisyon na ang husgado!" Sigaw ng isang babae na nagsasalaysay ng desisyon ng judge.
Lumapit naman si Alliah sa akin.
"Okay na, Alex. Okay na" at agad siyang ngumiti.
Tumahimik muna ang lahat bago ibigay ng judge ang kanyang desisyon.
" Today, we witnessed this case. Sa tulong ni Ms. Dela Cruz, the inmate is already prove that...
He's not guilty"
Halos maiyak ako sa sobrang tuwa nang aking marinig ang mga salitang iyon.
"And now, Mr. Angeles is the main suspect for killing his wife"
Agad namang nagwala si tito at hinawakan na siya ng mga pulis.
"Hindi ko siya pinataaaay!" Sigaw nito bago pa man mailabas sa loob ng korte.
Hindi ko na napigilan na pumunta kay Alliah at yakapin siya.
Umiiyak akong nakayakap sa kanya habang tinatapik tapik niya ang aking likod.
"Puntahan mo si Kyla, kailangan ka niya" Ngumiti ito sa akin.
"Honey" tawag sa kanya ng lalaki sa kanyang likod at humalik dito.
"Goodjob mywife, I'm so proud of you. Iloveyou" saad nito kay Alliah at muling humalik sa kanyang noo habang pinapanood ko sila.
"Btw, Alex, this is my husband, Cloud" pagpapakilala nito sa kanyang asawa.
"Nice to meet you"
"Alex, go to your girlfriend, she's waiting for you" nakangiting saad sa akin ni Alliah.
"Thankyousomuch" umiiyak kong pagpapasalamat dito sabay tumakbo palapit kay Kyla.
"B-baby sorry" umiiyak na saad nito sa akin habang nakayakap.
"Shhh.. It's okay. Iloveyou"
"Iloveyoutoo.
---
According to article 11 on Universal Declaration of human rights 1945, it stated that everyone has the right to be called as innoncence until he/she still proven as guilty. So don't judge someone just based on what you heard or what you see about it. Don't be judgemental dude.