The Only Man Mini Book 2 AiTenshi Aug 30, 2021 Part 46 JAO POV "Marketing Team! Pumunta kayo kay Jao ngayon din!!" ang narinig kong sigaw ni Tar habang hila hila nito ang malaking bundle ng tela nagagamit para sa mga collections. "Sir Tar, bakit po kayo ang may hila niyan?" ang tanong ng mga crew. "Dahil pasan ko ang daigdig! Magsitabi nga kayo dyan!" ang pagsusungit nito. Mas napaaga ang launching ng aming rainy days collection kaya ang lahat ngayon ay nagkukumahog para makahabol sa aming deadline. Marami pang mga designs ang hindi tapos at karamihan dito ay mga pambabae pa kaya mas komplikado. Gayon pa man ay pinilit kong mag relax kahit na halos wala na ring oras. "Bakit kasi hindi natin ireschedule na lang ang launching friend? Bakit kailangan sumabay tayo sa big sale anniver

