Chapter 21-Inggit

1183 Words

Nagising si Desiree sa marahang paghaplos sa kaniyang buhok. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at nasilayan si DJ na siyang may gawa niyon. Ngumiti siya. Tinugon din naman nito ng isang masuyong ngiti. Bagong ligo na rin ito na mas nagpadagdag sa kaguwapuhan nitong taglay. Ganoon na ba siya kapagod para magising ng ganong oras? "Pasensiya na ngayon lang ako nagising. Napasarap ang tulog ko," hingin-paumanhin niya. Pinisil nito ang kaniyang ilong. "Ano ka ba ayos lang iyon. Halika na, kain na tayo ng agahan," anyaya ni DJ. Biglang tumunog ang tiyan niya sa sinabi nito na ikinatawa nila. "Gutom ka na ah," natatawang ani ni DJ. "Kaya nga eh," segunda naman niya. Bumangon na siya na kaagad naman na umalalay si DJ. Natawa na lang siya sa ginawa nito na para siyang batang paslit. Nan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD