Chapter 1-The Past

1184 Words
Isang sampal ang dumapo sa pisngi ng binata pagkatapos siya nitong halikan sa labi. " Hindi kita mahal at kailanman ay hindi ko kaya ang mahalin ka!" Nakita niya mula sa mukha ng binata ang labis na sakit dahil sa mga salitang nabitawan niya. "Des.... Bigyan mo naman ako ng pagkakataong ipakita sa 'yo kung gaano kita kamahal." sinubukan nitong hawakan ang mga palad niya ngunit hindi niya ito pinagbigyan. "Siya lang ang mahal ko! Siya pa rin!" napaiyak na siya sa labis na sakit na nararamdaan. Miss na miss na niya ang nobyo! " Natahimik na lamang ang binata. " DJ... Kung mahal mo ako, pakiusap umalis ka na at huwag ka nang magpapakita sa 'kin kahit kailan!" " Iyon ba talaga ang magpapasaya sa' yo? " " Oo.. Kung mahal mo ko' sundin mo ang sinasabi ko! " Walang kibo itong umalis at minaneho ang kotse nito sa tapat ng bahay nila. Simula noon, hindi na nagpakita pa ang binata. -------------- Desiree One Year Ago Dalawang linggo na niyang pinupuntahan ang bahay ni DJ ngunit lagi itong wala. Ewan niya kung ano ang nangyayari sa nobyo. Hindi naman ito dating ganito. Sa kanilang dalawa, ang binata ang hindi makakatiis na hindi siya nakikita. Pero ngayon parang umiiwas ito sa kanya. "Bakit kaya?" Tanong niya sa sarili. Limang taon na silang magnobyo simula pa noong Fourth Year high school hanggang sa gumradweyt na sila sa kolehiyo. Criminology ang kurso ni DJ at siya naman ay BS Psychology. Tumatawag siya sa CP nito ngunit laging out of coverage area naman at kahit sa f******k ay hindi ito online. Masama talaga ang loob niya sa nobyo ngunit hindi niya magawang magalit rito dahil mahal na mahal niya ito. DJ FLORES. Matalino. Gwapo. Makisig at higit sa lahat ay mahal na mahal siya. He is her first boyfriend. First love and her last. Wala na yata siyang nakikitang ibang lalaki na mamahalin pa kundi si DJ lang. Kailangan niyang malaman ang rason nito kung bakit ito umiiwas sa kanya. Hindi ganoon si DJ. Kilalang kilala niya ito at alam niyang hindi siya matitiis ng binata. "Anak, kumain ka naman. Dalawang linggo ka nang walang ganang kumain ah? Tingnan mo mas payat ka na!" nag-aalalang wika ni Aling Josie, nanay niya. "Pasensya ka na talaga nay, wala lang talaga akong ganang kumain eh!" "Si DJ noh?" "Hindi po nay!" "Anak, kilala kita. Alam kong hindi ka magkakaganyan kung hindi dahil kay DJ! Sabihin mo nga sa akin iha, nag-away ba kayo? " Bigla siyang humagulgol at niyakap ang ina. "Nay! Hindi na ko kasi alam kung nasaan na siya eh! Dalawang linggo ko na siyang hinahanap sa bahay nila pero maaga daw itong umaalis! Parang umiiwas siya sa akin nay! " "Tahan na anak! Alam kong magkakaayos kayo.Subukan mo siyang kausapin baka may dahilan siya anak. Kilala ko din ang batang 'yon. Alam kong hindi ka niya sasaktan. Gumawa ka ng paraan anak para makausap mo siya!" "Salamat nay'... " "Oh tara na kumain ka na muna! " Pinilit niyang kumain para hindi na mag-aalala pa ang nanay niya. Bukas na bukas rin ay babalik siya sa bahay ni DJ upang kausapin ito. -------- Kinabukasan, madilim pa ang paligid ay pumunta na siya sa bahay nina DJ. Sa labas ng gate lamang siya nag-aabang. Hindi nagtagal ay may bumukas ng gate. Nakita niyang lumabas ang kasambahay nina DJ at iniwan ang mga plastic ng basura sa tabi ng daan. Nang bumalik ito sa loob ay nakalimutan nitong isarado ang gate. Kaya pagkakataon na niya upang pumasok sa loob. Hindi niya maipaliwanag kung bakit siya kinakabahan habang naglalakad papunta sa sala. Kumubli muna siya nang marinig ang sigaw ng nobyo. "Aray!!!!!" malakas na sigaw ni DJ habang nakahawak sa ulo nito. Nakita niyang nandoon ang magulang at mga kapatid ng binata na umiiyak habang nakikitang namimilipit sa sakit ang binata. "DJ!" Hindi na niya kinaya pa. Pumasok siya sa loob at niyakap ang binata habang umiiyak. "DJ... Mahal! Bakit?" Awang-awa siya sa nobyo. Pumayat ito at namumutla ang labi at ang mga mata nito ay malungkot at wala nang kislap tulad ng dati. "Mahal Des...... Arayyyy tama na! Arayyy! " sambit nito habang nakahawak pa rin sa ulo at namimilipit sa sakit. Lumapit ang isang nakaputing babae at may itinurok sa nobyo. Hindi nagtagal ay kumalma naman ito at nakatulog. Hinaplos niya ang mukha ni DJ. Hinalikan ito sa pisngi. Hindi maiwasang lumandas ang mga luha sa kanyang mga mata. Sa itsura ng nobyo ay batid niyang may karamdaman ito. "Mahal... Bakit hindi mo sinabi?" bulong niya rito. Mahal na mahal pa rin niya ang nobyo. At hindi siya aalis sa tabi nito. Ipaparamdam niya kung gaano niya ito kamahal lalo na't kailangan siya nito. "Iha..." bungad ng nanay ni DJ mula sa likuran niya. Niyakap niya ito. "Tita..." "Des iha... May cancer sa utak si DJ. Last month lumabas ang result niya. At first he keeps on fighting dahil inaalala ka niya Des.Pero .ang sabi ng doktor.. nasa terminal stage na ang cancer niya... " "Nooooo! Hindi pwede... Tita... baka naman magagamot pa si DJ... Hindi ko kaya Tita!" nanlalambot na wika niya. Umiling ang Ginang. "Wala na Des.... There's no other way..." Niyakap niya ang natutulog na binata. "DJ.. Please lumaban ka.. Hindi ko kaya!" "Pasensya ka na Des ah! Hindi namin sinabi sa 'yo kasi' yun ang bilin ni DJ. Ayaw niya na mag-alala ka sa kanya. Mahal na mahal ka niya Des. " Tumango siya. Hindi niya kaya ang mabuhay na wala si DJ. Nasanay na siya na laging nasa tabi ang nobyo. Marami pa silang pangarap sa buhay na sabay nilang tutuparin. Bubuo pa sila ng pamilya. Isang masayang pamilya. Humagulgol na naman siya habang nakayakap sa binata. ----------- "Mahal?..." Minulat niya ang kanyang mata nang marinig ang tawag mula sa nobyo. Ngumiti ito sa kanya habang hinihimas ang kanyang buhok. "Mahal.... Sorry!" sambit ni DJ. Niyakap lamang niya ito habang humihikbi. "Des mahal,Pasensya na kung hindi ko sinabi sa'yo. Gusto ko kasi kapag nawala na ako ay ang magagandang ala-ala ang iisipin mo tungkol sa akin." "DJ please huwag mong sasabihin 'yan.Hindi ka mawawala. Lumaban ka please? Para sa atin DJ. May pangako tayo sa isa' t isa hindi ba? Please DJ tuparin mo 'yon.. Lumaban ka mahal......." naiiyak niyang sambit. Nakita niya ang pagluha ng nobyo. "DJ pakiusap. Ipangako mo sa akin na lalaban ka at hindi mo ako iiwan!" "Oo mahal pangako!" sagot nito. Hinalikan niya ito sa labi. "DJ mahal na mahal kita. Hindi ko kaya kapag mawawala ka." Hinaplos naman nito ang kanyang pisngi. "I love you, mahal ko!" Hindi siya umalis sa tabi ng nobyo sa gabing 'yon. Gusto niyang alagaan ito. Tumawag na lamang siya sa nanay niya at ikinwento ang tungkol sa kalagayan ni DJ. Pumayag naman ang nanay niya na sa bahay na muna ng nobyo siya magpapalipas ng gabi. Naiiyak siya sa sitwasyon ng nobyo. Bawat sigaw nito ay parang punyal na sumasaksak sa dibdib niya. "Please be strong mahal... Alam kong may awa ang Diyos!" bulong niya rito nang kumalma na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD