Chapter 35-Ang Pag-uusap

1262 Words

"Maupo po kayo, Ma'am," sabi niya ng makapasok sila sa loob ng bahay at makaupo ang ginang sa mahabang sofa. "Just call me, Tita Rhona," tugon nito. Umiling siya. "Naku, hindi po puwede. Ina po kayo ng boss ko at dapat ma'am ang tawag ko sa inyo," pagtanggi niya. Sumimangot naman ito. "Magtatampo ako kung hindi mo ako tatawaging Tita Rhona. Di ba dati tita naman ang tawag mo sa 'kin?" pagtatampo nito at humalukipkip pa. Huminga siya ng malalim. "Sige po, Tita Rhona," pagsuko niyang sabi. Biglang umaliwalas ang mukha nito sa sinabi niya saka tumayo ito at niyakap siya. "Na-miss kita, Desiree. Mabuti na lang at bumalik ka," sabi nito habang nakayakap pa rin sa kaniya. Pinakatitigan siya nito ng kumalas ito sa pagkakayakap sa kaniya. "Ano ba ang nangyari at umalis ka? Ano ba ang nangyar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD