Hindi ko alam kung naninibago lang ba ako sa bahay o hindi lang talaga ako sanay na may katabi dahil kanina ko pa pinipilit na matulog pero gising na gising talaga ang diwa ko. Lahat na nga ng posisyon ay nagawa ko na.
"Isa mo pang likot, sisipain kitang bruha ka," Inis na bulong ni Leandro. Hindi ko naman maitatangging malikot talaga ako pero anong magagawa ko eh hindi nga ako makatulog. "Hindi ako makatulog," sabi ko. "Walang nagtatanong," sagot naman nya. Ang maldita talaga ng baklang 'to. "Sinasabi ko lang naman."
Ilang minuto pang tumahimik ang paligid pero gano'n pa rin ang sitwasyon ko kaya naisipan kong magsalita at magbakasakaling makakwentuhan ko ito kahit saglit lang hanggang sa makatulog ako. "Ano bang gusto mo? Baby boy o baby girl?" tanong ko. Naramdaman kong napalingon ito sa akin. Nakatalikod kasi kami sa isa't isa. "Are you serious? Eh kung sabunutan kaya kita?" aniya naman. "Nagtatanong lang naman eh. Narinig mo naman seguro 'yong sinabi ng parents natin di ba? Saan tayo kukuha ng bata?"
Natahimik ito ng ilang sandali. "So, gusto mong mag-s*x tayo?" Bigla nyang sabi na nagpabalikwas sa akin. Gulat ko itong nilingon. "Gaga ka ba? Ayuko noh!"
Tumayo naman at naupo. "Exactly! Ayuko ring makipag-s*x sa'yo. Hindi ko ma-imagine ang sarili kong nakikipagchukchakan sa babae! Ewwww!"
"Maka-ew ka ha! For more information masarap ako noh!" Natawa ito sa sinabi ko na parang iniinsulto ako. Nakaramdam naman ako ng hiya. Bakit ko nga ba sinabi 'yon? Kainis! "At sinong nagsabi nyan? Boyfriend mo? Ex mo?"
"Wala...wala akong boyfriend noh at mas lalong wala akong ex."
Mas lalo itong tumawa ng nakakainsulto. "I'm not surprised."
"Ang point ko lang naman ay kung paano tayo magkakaanak na hindi nagse-s*x!"
Humawak ito sa baba nya na parang nag-iisip. "Eh kung bumili ka ng lalake. Makipag-one night stand ka at kapag nabuntis ka edi ok!"
Hinampas ko ito ng unan. "Gaga ka ba?! Anong tingin mo sa akin aso na kung kanino-nino na lang makikipag-s*x? Ayuko nga! Ikaw na lang kaya!"
"Hello? Bopols ka ba? Ako ba ang magbubuntis? Alangan naman magpapakita tayo ng bata sa kanila na hindi nga nila nakitang nabuntis ka."
"Eh ano ngang gagawin natin?!" Naiinis ko nang tanong. Umiinit na ang ulo ko dahil sa stress sa pinasok kong ito. "Try kaya natin?" sabi ko at lumapit sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata nito. "H-hoy babae ha! Sasabunutan kita! Huwag kang lumapit!" Tumili pa ito ng malakas.
"Eh diba honeymoon na nga 'to?"
"A-ano ba! Lumayo ka nga!"
Napangisi ako dahil namumula na ito sa pang-aasar ko. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya kaya napalunok ito. "Gagahasain mo ba ako? Sinasabi ko sa'yong babae ka!" Kinuha ko ang wine na nasa likod nya at pinakyuhan ito. "Ulol! Akala mo naman papatulan kita." Binuksan ko ang wine at tinungga iyon. "Oh may 40% alcohol pala ito. Baka pwede na 'to," sabi ko at nilingon sya. "Anong pwede na?"
"Alam mo 'yong sa mga drama. Iyong nalalasing sila tapos may mangyayari sa kanila tapos BOOM! Buntis pagkagisi--Aray!" Mabilis nya akong sinipa kaya nalaglag ako sa kama. Tumama pa ang pwet ko sa semento kaya masakit.
"Ano ba?!" Inis kong sigaw. "Kung ano man 'yang pantasya mo ah huwag mo akong idamay! I will never have s*x with you!" Sigaw pa nya na parang diring-diri sa akin. "Hindi ako kakain ng bilat!" Sigaw nya pa at bumalik sa pagkahiga. "Yuck! Yang mga words mo ang babastos!"
"Matulog ka na nga bago pa kita itapon sa labas."
Inis akong bumalik sa kama at sinubukang matulog pero gano'n pa rin. Hindi ko alam kong anong oras na ba pero gising pa rin talaga ako. Hanggang sa marinig ko ang malakas na pagtama ng butil ng ulan sa bubong ng bahay namin. Mas lalo tuloy lumamig. Pumasok sa isipan ko ang ala-alang hindi ko makakalimutan. Ito ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw ko ng ulan. Because i remember my dad in every drop of the rain.
(FLASHBACK 20 YEARS AGO)
I was 9 years old when I saw my dad lying on the ground lifeless. Muwang pa ang isipan ko noon at halos hindi ko pa naiintindihan ang nangyari sa kanya. I was holding my favorite teddy bear that he gave to me on my birthday.
"Daddy?" tawag ko sa kanya. Punong-puno ito ng dugo sa katawan. Pati sa semento ay dumadaloy na rin ito na hinaluan ng tubig ulan. Ang sabi sa akin ni Daddy ay lalabas lang sya para tingnan kung sino ang nagdo-door bell sa labas pero nakarinig kami ng tatlong beses na putokan at hindi na sya nakabalik.
"Zeana! Bumalik ka dito!" Naramdaman ko na lang na hinila ako ni Mommy papasok ng bahay. Umiiyak ito at basang-basa na ng ulan. "Mommy si Daddy po!" Naiiyak ko na ring ani pero umiling lang ito at binuhat ako. Tumakbo kami sa kwarto at itinago nya ako sa maliit na drawer. "Huwag kang aalis dito, Zeana. Wait mo si Mommy ok?" Nanginginig ang mga kamay nya habang hawak-hawak ang kamay ko.
"Bakit po? Saan po kayo pupunta?"
"Hihingi ako ng tulong. Dito ka lang, ok? Promise me hihintayin mo si Mommy na bumalik."
"S-sige po."
Pagkatapos no'n ay sinirado na nya ang drawer at lumabas ng kwarto namin. Umiiyak ako noon pero tinatakpan ko ang bibig ko dahil natatakot ako na may makarinig sa akin. Ilang sandali pa at may narinig akong mga taong nag-uusap isa doon ang boses ni Mommy na umiiyak.
"Please, nagmamakaawa ako sa inyo. Huwag nyong idamay ang anak ko."
Nakikiusap ito sa kung sino man ang kausap nya. Napabalikwas na lang ako dahil nakarinig ako ng malakas na tunog. Iyon na pala ang hudyat na binaril ng taong iyon si Mommy sa paa. Nagmarka ito pero parang sinadyang hindi lumpuhin si Mommy ng taong bumaril sa kanya.
"Take care of your child, Crisha at gawin mo ang iniutos ko sa'yo."
"Y-yes...S-salamat po."
(FLASHBACK ENDS)
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako habang inaalala ang mga nangyari ilang taon na rin ang nakakalipas. Sobrang sakit pa rin talaga. Lumaki akong may galit sa kung sino man ang taong pumatay sa Daddy ko noon. Kilala sya ni Mommy at gusto kong malaman kung sino iyon. I want revenge. Gusto kong malaman kung bakit nya iyon ginawa sa Daddy ko.
Seseguradohin kong pagsisisihan nyang nabuhay pa sya sa mundo.