CHAPTER 3

1815 Words
CHAPTER 3 Matuling lumipas ang ilan pang mga araw. Ang mga nagdaang linggo ay naging abala para kay Aria dahil na rin sa preparasyon ng kanilang kasal. Tatlong araw bago ang takdang araw ay naipamudmod na nila ang lahat ng mga imbitasyon sa kanilang mga piling bisita lamang. Mga malalapit na kamag-anak at mga kaibigan lamang ang imbitado para sa kanilang kasal. Sa panig ni Aria ay imbitado rin ang ilan sa mga katrabaho ng kanyang ama. Maging ang mga empleyado niya sa boutique ay inimbita rin ni Aria. Maureen, of course, is her maid of honor. Kahit pa nagpakita ito ng disgusto para sa nobyo niya ay hindi ito pumayag na hindi maging maid of honor sa kanyang kasal. Samantalang, iilan lang din ang imbitado sa panig naman ni Kier. Ayon pa sa binata ay karamihan sa mga kamag-anak nito ay nasa ibang bansa at malamang na hindi makapunta sa araw ng kanilang kasal. Biyernes ng gabi at pauwi na siya mula sa kanyang boutique. Ipinaubaya na niya ang pagsasara niyon sa katiwala niyang si Nessa. She felt so exhausted. Kagagaling niya lang mula sa gumawa ng kanyang wedding gown para kunin iyon. At pagkahapon naman ay hindi pwedeng hindi siya dumaan sa boutique para asikasuhin naman ang pagdating ng mga panibagong stocks. Lumabas na siya ng boutique upang gumayak na sa kanyang pag-alis. Nasa tabi na siya ng kanyang sariling sasakyan nang mapansin niya ang dalawang lalaki na nakatayo naman sa tabi ng isang van na nakaparada sa tabi mismo ng kanyang kotse. Ang isa ay nakahalukipkip pa na parang inip na inip sa kung sino o ano man ang hinihintay ng mga ito. Ang boutique na pag-aari niya ay nasa ground floor ng isang tatlong palapag na gusali. Ang second floor ay isang dental clinic na pag-aari ng mag-asawang dentista at sa ikatlong palapag naman ay ang eksklusibong pag-aari ng owner ng gusali. She is just renting the place for her own business. Maaaring isa sa mga customer niya sa boutique ang hinihintay ng mga lalaking ito o maaari din namang mula sa klinika sa ikalawang palapag. Kinuha niya na ang susi mula sa shoulder bag na dala niya at akmang bubuksan na sana niya ang kanyang sasakyan nang lumapit sa kanya ang isa sa dalawang lalaki mula sa may van. She was about to ask kung ano ang kailangan ng mga ito sa kanya nang mula sa bulsa ng pantalon ng lalaki ay hugutin nito ang isang puting panyo. Bago niya pa man maibuka ang kanyang bibig para sana magtanong sa estranghero ay itinapat na nito sa may ilong niya ang panyo. Dahil sa nabigla sa ginawa ng lalaki ay hindi agad nakakilos si Aria sa kanyang kinatatayuan. Linukuban siya bigla ng takot at kaba sa kanyang dibdib. Naramdaman niya din nang iginagaya na siya ng lalaki papasok sa sasakyan ng mga ito na nabuksan na ng isa nitong kasamahan. Gusto man niyang magprotesta sa ginagawa ng mga ito ay ramdam niya na ang pamimigat ng mga talukap ng kanyang mga mata sanhi ng kung ano mang pinaamoy ng mga ito sa kanya kanina. At duda pa siya kung mayroon mang nakapansin sa mga nangyari at sa kung ano mang pinaplano ng dalawang lalaki. Dahil sa magkatabi lang ang kanilang mga sasakyan ay madali siyang naipasok ng mga ito sa loob ng van. At idagdag pa na medyo madilim na rin sa bandang iyon ng parking lot na kinaroroonan nila. Dahil nga sa dumating kanina ang truck na nagdala ng mga stocks para sa kanyang boutique ay doon siya nakapag-park ng kanyang sasakyan. At ang pwestong iyon ay hindi na abot ng CCTV na nakalagay sa harap mismo ng gusali. Bago pa man naisara ng mga lalaki ang pinto ng sasakyan ay tuluyan nang nawalan ng malay si Aria. Lahat ng nais niyang itanong sa mga ito ay hindi na niya naisatinig pa. ***** SHE felt so dizzy and disoriented. Unti-unti ay iminulat niya ang kanyang mga mata ngunit bumungad lamang sa kanya ang hindi pamilyar na silid. She paused for a moment to collect herself. Mayamaya pa ay inikot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid na kanyang kinaroroonan. Nakahiga siya sa pang-isahan na kama na may makapal na kutson. Sa tabi ng kamang hinihigaan niya ay isang mesa. Nakapatong naman doon ang isang lampshade. Sa kaliwang bahagi ng silid ay may bintana na may nakasabit na manipis at bulaklaking kurtina na kulay rosas. Mayroon ding malaking built-in cabinet. Sa dingding ay may nakita siyang nakabitin na flat screen TV. At sa baba nito ay isang bureau kung saan may nakapatong na ilang libro. Isang pinto ang napansin niya na kung hindi siya nagkakamali ay ang comfort room dahil na rin sa disenyo ng pinto niyon. At napansin niya rin ang isa pang pinto na solido sa may parteng kanan. Natitiyak niyang ito ang daan palabas. "Where am I?" tanong niya sa kanyang sarili. She remembered going back to her boutique after getting her wedding dress from the one who made it. She felt so tired after checking all the stocks that has arrived that afternoon. Naalala niya pa na ibinilin niya na lamang ang pagsasara ng boutique kay Nessa... and after that, she went to her car... Naalala niya rin ang pangyayari sa may parking lot. The guy from the van approached her and... and... Sukat sa kanyang mga naisip ay agad ang pagbangon na ginawa ni Aria mula sa kama, para mapahiga lamang ulit dahil sa sakit ng ulo na kanyang naramdaman. Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Maliban sa sakit sa ulo ay wala na siyang ibang maramdaman pa. At ang katotohanan na nasa katawan niya pa ang damit na suot niya kagabi ay malaking bagay para sa kanya. It somehow relieved her. "They did not do anything. Mararamdaman mo naman kung meron silang ginawa. Right, Aria?" pilit niyang kalma sa kanyang sarili. Saan ba siya dinala ng mga lalaking iyon? Is this their hideout? Hideout na nga ba na maituturing ng kanyang mga abductors ang disenteng lugar na ito? Oo, disente dahil kung ihahambing ay parang katulad ang silid na ito sa mga silid sa resorts na alam niya. Abductors--- Was she abducted? Ngunit sa anong motibo? Kung pera ay hindi naman masasabing ganoon sila kayaman. Though not considered poor, hindi naman sila milyonaryo para pagkainteresan pa ng mga kidnap-for-ransom groups. O kalaban ba ng kanyang ama ang may gawa nito? "Ayoko lang maulit ang nangyari sa mommy mo, Aria"--- She remembered her father told her. Iyon ang madalas na marinig niya mula sa kanyang ama kahit noon pa man. Heto na ba ang kinakatakot ng kanyang ama? Kalaban nga ba nito ang may gawa ng pagkuha sa kanya? Lahat ng tumatakbo sa isipan ni Aria ay agad nang naputol nang bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan niya at pumasok ang isang lalaki. "Gising ka na pala," wika nito sa kanya sa seryosong tinig. Bigla ay napabalikwas ng upo sa kama si Aria. Tuluyan na niyang inignora ang p*******t ng kanyang ulo at mataman nang tinitigan ang lalaking pumasok. The guy that entered the room looked at her face intently. Ang uri ng titig na ipinukol nito sa kanya ay para bang sinisiguradong kompleto ang lahat ng parte ng kanyang katawan at sinusuri kung ayos ang mga iyon. As if checking if she is okay. And strange because she is not expecting a worried look from one of her abductors. Nakasuot lamang ito ng isang asul na t-shirt at kupas na pantalong maong. Hindi ito kabilang sa dalawang lalaking kumuha sa kanya. Ilinapag nito ang dalang tray ng pagkain sa mesang naroon bago siya tuluyang hinarap. "Kumain ka na. It is past eight in the morning. And I am so sure na gutom ka na, since hindi ka naman nakapaghapunan kagabi," saad pa nitong muli sa kanya. Eight in the morning?--- Ibig sabihin ay magdamang siyang nakatulog! Gusto niya man na bigyan ng pansin ang mga pagkain na dala nito ay hindi niya magawa. Mas nanaig ang nais niya na makaalis sa lugar na ito. "W-who... Who are you? Where am I? Anong kailangan niyo sa akin?" sunod-sunod niyang mga tanong dito, in a trembled and panic voice. Lumapit ang lalaki sa bintana at binuksan iyon. Napansin niya na may mga grills ang mga bintana nang mabuksan ang mga iyon nang maigi. "Hindi ko kailangang sagutin ang lahat ng tanong mo. Gusto ko lang ipaintindi sa iyo na kailangan mong manatili muna dito. Iyon ang utos sa amin," anito sa kanya sabay sumandal sa may bintana at matiim siyang tinitigan sa kanyang mukha. The man was so intimidating. He has broad shoulders and strong jawline that added to his intimidating looks. Kulay kayumanggi ang balat nito na mukhang sanhi ng palagiang nasa arawan. He has muscled arms that were so obvious. Ang mga mata nito ay hindi niya mawari kung ano ang ibinabadya. "Anong utos? Sinong nag-utos sa inyo?" bwelta niya dito. Tuluyan na siyang napatayo mula sa kama at binalewala ang hapdi ng kanyang ulo. "Kumain ka na, Arianna," sambit nito sa kanya. Hindi nito pinansin ang mga katanungan niya at binalingan ang pagkain na dala nito kanina. "Kilala mo ako? W-why... Why do you know me?" manghang tanong niya dito kasabay ng makadama ng takot sa kanyang dibdib. They know her! Tama ba ang hinuha niya na mga kalaban nga ang mga ito ng kanyang ama? Na maaaring isa na naman ito sa mga grupo ng sindikato na nasagasaan ng kanyang ama dahil sa trabahong mayroon ito? And now they are up for revenge? Saglit na natigilan ang lalaki dahil sa naging reaksyon niya. Nasilip nito ang takot na sumalamin sa kanyang mga mata. "Look, enough with your endless questions," saad nito sa kanya at tumayo na nang tuwid. "Now, just eat. Kung nais mong maglinis ng iyong katawan, there is the restroom. May mga damit ka na magagamit diyan," turo naman nito sa cabinet na naroon. Kunot-noong napatitig siya dito. Hindi niya maarok ang lahat ng mga nangyayari. She was brought here by force. At kung kalaban nga ito ng kanyang ama, papatayin din ba siya ng mga ito? Just like what happened to her mom? "Who do you work for?" lakas-loob niyang tanong dito. Naihilamos nito ang palad sa mukha na wari ba ay nababagot itong sagutin siya. "I told you that---" "Dahil ba sa ama ko? Sa trabaho niya?" putol niya sa iba pa nitong mga sasabihin. "Sinabi ko na sa iyo, hindi ko kailangan sagutin ang mga tanong mo. Mananatili ka dito hanggang sa araw na itatakda namin," dire-diretso nitong saad bago tinungo ang direksyon ng pintuan. "Sandali lang!" habol ni Aria sa binata. She ran towards the door. Pero huli na sapagkat nahatak na nito pasara ang pinto. Pilit niyang pinipihit ang doorknob pero wala ding silbi. The man locked her in! "s**t!" naiiritang sipa niya sa pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD