"Dito na tayo kumain."
"Ang bango naman, lalo tuloy akong nagutom."
"Halika na para makakain agad tayo."
Pumasok na kami sa loob ng maliit na karinderya na nadaanan namin sa daan. Nasa gilid lamang ito ng highway. Ala-una na mahigit ng hapon kaya lang ay madami pa din ang kumakain dito. Pagpasok namin ay halos sa amin na nakatuon ang atensyon ng mga kumakain. Kaya naman nakaramdam tuloy ako ng hiya.
"Bro, tingnan mo sa sobrang gwapo ko ay sa atin na lahat nakatingin ang mga tao dito."pabulong na sabi ni Triztan sa akin.
"H'wag kang assuming, syempre sa atin sila titingin dahil bagong dating lang tayo. ANO sa tingin mo ang dapat na maging reaction nila?"pabulong din na wika ko pa dito. Feel na feel talaga nito na gwapo s'ya. Totoo naman ang sinasabi n'ya. Hindi naman nagkakandarapa sa kan'ya ang mga kababaihan na napapalapit dito kung hindi wala itong hitsura. Kaya lang ay nasobrahan naman sa pagiging mahangin ito. Iyong tipo ba na kung sa bagyo ay nasa signal number 5 na s'ya.
"Ina-assume ko na dahil 'yun naman talaga ang totoo."
"Ano ang sa in'yo mga Sir?" tanong ng ginang na may katandaan na din. Iniisip ko na baka s'ya ang may-ari nitong maliit na karinderya.
"Kakain po kami."
Mabilis na sagot ng kaibigan ko dito. Gutom na gutom na ata talaga ito.
"Dito po tayo,mabuti wala ng masyadong tao sa mga oras na ito. Kaya naman makakaupo kayo ng maayos at makakain."
"Kunti pa po ba ang mga tao na 'yan?"
"Opo Sir, kunti pa ang mga taong 'yan. Dahil kanina ay halos sa labas na kumakain ang ibang costumer. Kaya nga naglagay na kami ng mga mini tent d'yan sa labas para naman hindi masyadong mainit para sa kanila. Ang iba naman ay oorder na lang ng pagkain para sa kotse na nila kumain."mahabang paliwanag sa amin ng ginang, Sanay na sanay na itong kumausap ng mga costumer. Kaya siguro dinadayo ang maliit n'yang karinderya. Sa totoo lang masarap naman talaga ang mga pagkain sa ganitong kainan. Lalo na kung hindi ka naman maselan. Masarap na at mura.
"Ano po ba ang order n'yo? Marami pa ang mga bagong luto na ulam."tanong nito sa amin.
"Naamoy ko po 'yung bulalo at pakisabayan na din ng patis na may kalamansi maraming sili." agad na sabi ni Triztan dito. Agad naman na isinulat nito sa dalang maliit na notebook ang order namin.
"Ganoon na lang din po ang sa akin at pa order na din ng kahit anong softdrink na available sa in'yo. Sabyan n'yo na din ng tatlong extra rice."
"May barbeque pa Bro,order na din tayo."
Napatingin naman ako dito.
"Sampung piraso po ng barbeque at baka mamaya ay umiiyak itong batang kasama ko kapag walang barbeque."natawa naman ang ginang sa aking sinabi. Porke't libre ko ang lahat ay susulitin naman talaga ng isang ito.
"Ayun! Sana pakibilisan po Manang,kasi nagugutom na talaga ang mga alaga ko sa t'yan."
"Sandali lamang po Sir,at ipapa-ready ko ang inyong mga order." Nakangiti na sabi nito at tumalikod na sa amin. Nasa med'yo sulok na kami. Pero ang mga taong malapit sa amin ay parang kami pa ata ang pinag-uusapan.
"Grabe, ang gwapo naman nila." Kinikilig na ani pa ng isang babae sa mga kaibigan nito.
"Narinig mo ba 'yung pinag-uusapan nila?"
Ito na naman ang mahangin na kasama ko.
"Hindi ka naman sigurado na tayo ang pinag-uusapan nila."
"Wala naman ibang tao dito na mala-pang hollywood star ang datingan. Kaya sigurado akong tayo ang pinag-uusapan nila. Ayaw mo noon? Dahil sa akin ay napapansin ka din nila."napapailing na lang ako sa mga pinagsasabi nito.
"Tingnan mo, ipapakita ko sa'yo na tayo ang pinag-uusapan nila."
"Hoy! Anong binabalak mo d'yan?"tanong ko sa kan'ya. Pero ang pasaway ay kumindat lang naman sa gawi ng babae. At narinig na lang namin ang tili ng mga ito.
"Sino ha sng kinindatan n'ya sa atin? Kinikilig ako girls!"
Sabi ng isang babae na kilig na kilig naman sa ginawang pagkindat sa kanila ni Triztan na normal lang naman na ginagawa nito para magpapansin. Effective naman dahil nagkakagulo na sila sa kabilang mesa. Iniisip nila kung sino ba talaga ang kinindatan sa kanila. Baka mamaya ay dahil lang sa simpleng kindat ay mag-away away pa sila.
"Nakita mo 'yun? Kindat pa lang nababaliw na sila."
"Tigilan mo nga 'yang pinaggagawa mo! Baka mamaya ay may boyfriend na kasama ang mga 'yan. Ipapahamak mo pa ako. Dahil d'yan sa kamanyakan mo."
"Grabe sa manyak DIC, pinatunayan ko lang naman sa'yo na tayo talaga ang pinag-uusapan nila."
"Napatunayan mo na. Kaya manahimik ka na d'yan. Ang hirap talaga kapag nalilipasan ka ng gutom."pabirong sabi ko pa.
Nanahimik naman s'ya at naghintay na lang ng pagkain namin. Halos kalahating oras din ang ipinaghintay namin.
"Ito na po ang order n'yo mga Sir, pasensya na po at med'yo matagalan. Sinisigurado kasi talaga namin na luto na talaga ang barbeque bago namin ito iserve sa mga costumer. Nakakahiya naman kasi kung gutom na kayo ay madidismaya pa kayo sa pagkakaluto ng inyong order." Sabi pa ng ginang habang inilalagay nito sa Mesa namin ang mga order na masarap na pagkain. Amoy pa lang talaga ng mga ito ay mas lalo lang akong nakaramdam ng gutom.
"Okay lang po." magulang na wika ko dito.
"Enjoy kayo sa pagkain at sana ay sa tuwing babyahe kayo ay makabalik madaanan pa din ninyo mga Sir ang aming munting karinderya.
"Oo naman po, kung itong kaibigan ko ay may balak pa na bumalik ulit sa bayan n'ya "
Walang preno na sabi ni Triztan na agad ko naman na pinandilatan ng mga mata.
"Sige po Sir,kung may order pa kayo at ibang kailangan ay magsabi lamang kayo."
Nang makaalis ang ginang ay agad naman na nilantakan na namin ang pagkain. Gutom na din kasi talaga ako.
Habang kumakain ay naririnig pa din namin ang mga babae na kahit tapos na silang kumain ay hindi pa din umalis ang mga ito sa mesa nila.
"Ako nga sabi ang kinindatan!"
Sigaw ng isang babae.