DIC CAELEN HERRERA'S POV:
Mula sa aking side pocket ay kinuha ko ang aking cellphone.
"Unknown number?"tanong ko sa aking isipan. Hindi ako sanay na sumagot ng tawag na hindi ko kilala. Pero tila ba may nag-uudyok sa akin na sagutin ito.
Hindi ko na lamang ito pinansin at diretso sakay na ako sa aking kotse. Pero ilang ulit pa itong tumawag. Kaya naman sinagot ko na lamang ito. Iniisip ko din kasi na baka Isa na naman ito sa mga babaneg ang lakas ng loob na pikutin ako.
"Hello! Mr. Herrera, mabuti naman at sinagot mo ang tawag." bungad na sabi ng tao mula sa kabilang linya.
"Who are you? Bakit alam mo ang number ko?" sunod-sunod na aking tanong dito.
"Ako si Mr. Arnold Palmer ang family lawyer n'yo Mr. Herrera, at hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, kailangan mo na makauwi agad."
"Sino ka para utusan ako?"
"Mr.Herrera,patay na ang nag-iisang kapatid mo."
"Talaga bang ganito na kayo kadesperado na magpauwi ako?"
"Hindi ako desperado Mr. Herrera, sadyang sa huling sulat na iniwan ng iyong nakakatandang kapatid ay nais n'ya na umuwi ka."
"Prank ba ito? Kasi kung walang katotohanan ang mga sinasabi mo ay hindi na ako mag-aaksaya pa na kausapin ka!"
"Mr. Herrera, ang mabuti pa ay umuwi ka. Para naman malaman mo kung prank ba ito o totoo. Dahil sa dami din ng trabaho ko. Wala din naman akong oras para mag-aksaya na tawagan ka at kumbinsihin. Isang beses lang akong tatawag,kaya kung ayaw mong umuwi ay wala na akong magagawa. Basta ang trabaho ko ay aking ginawa. Bye!"
"Hello! Hello!" Paulit-ulit ko na sabi. Pero wala na talaga sa kabilang linya ang tumawag sa akin.
Paano kung totoo nga ang sinabi nito? Paano kung talagang wala na ang Ate? S'ya na lang ang natitirang pamilya ko. Dahil ang mga magulang namin ay namatay sa isang aksidente. Hindi sana ako uuwi noon. Kaya lamang ay naki-usap sa akin si Ate na sana ay mapatawad ko na si Dad. Sa totoo lang ay pangalawang pamilya n'ya ang Ate Cassandra na aking stepsister na noong una ay kinamumuhian ko din. Pero dahil sa kabaitan na ipinapakita nito sa akin ay napalapit din sa kan'ya ang aking loob. Nasa edad pitong ako ng muling mag-asawa si Dad noon. Mahigit isang taon mula ng mamatay ang mommy ko. Pero tila balewala lamang sa kan'ya ang aking pakiusap na h'wag na muna s'yang mag-asawa. At doon nagsimula na magtanim ako sa kan'ya ng sama ng loob.
Kaya nga mula noon ay tuluyan ng lumayo ang loob ko sa kan'ya. Hanggang sa makatapos ako ng high school.Sixteen lamang ako noon ng lumuwas ako ng syudad. Ni wala akong pakialam sa kan'ya. Basta ang gusto ko lamang ay makalayo. At ng tumuntong ako sa college ay mas nagsumikap ako. Ang mga tawag nila s akin ay hindi ko sinasagot. Maliban na lamang kapag si Ate ang tumatawag. S'ya ang palaging nakakausap ko. S'ya lang naman ang aking naging kakampi. Lalo na kapag pinapagalitan ako ni Dad. Dahil nga sa mga grades ko sa school na halos pasang-awa na lamang na talagang sinasadya ko. Ang aking gusto ay makita n'ya ang epekto sa akin ng pagpapakasal n'ya sa mommy ni Ate Michelle. Maari naman s'yang magmahal ng ibang babae,pero sana ay nirespeto n'ya man lang si Mom. Babaero si Dad na matagal na panahon na tiniis ni Mom. At murang edad ko noon ay naiintindihan ko na ang lahat ng nangyayari sa pamilya namin. Mga gabing umiiyak ito ng palihim,mga araw na ngumingiti ito sa harap ng maraming tao. Pero sa loob naman ay durog na durog na ito. Noon ay palagi nitong sinasabi sa akin na palagi akong sumunod kay Dad at h'wag na h'wag ko itong susuwayin na palagi din na aking sinusunod. Sa loob ng magarang bahay namin ay aakalain mo na sobrang swerte na namin dahil nasa amin na ang lahat. Pero ang totoo ay si Dad lamang ang batas. Lahat ng kan'yang sabihin ay kailangan masunod agad na s'yang ginagawa namin ni mom. Pero isang sakit na itinago pala sa amin nito ang s'yang naging mitsa para mawala ito sa amin.
"Beeeeeeeeep!"
Isang malakas na bumusina ang nagpabalik sa akin sa reyalidad ng mundo. Humingi ako ng pasensya sa driver ng kotse na nasa aking likuran. Kahit na med'yo nainis ako sa ginawa nitong pagbusina. Kaya lang ay wala din naman mangyayari kung papatulan ko pa ito. May kasalanan din naman kasi ako.
Ang daming mga memories noon ang bumabalik sa aking ala-ala ngayon. Noong namatay nga ang Dad at isang araw lamang ang inilagi ko sa Santa Fe. Ayaw ko ng maraming drama sa buhay. At dahil wala din naman akong pakialam sa yaman n'ya ay si Ate Cassandra na ang namahala nito. Kaya ko naman kasing buhayin ang aking sarili. Nakaya ko nga mag-aral habang nagtratrabaho para makatapos.
Tinawagan ko muli ang numero na tumawag sa akin. Pero hindi na nito sinasagot.
"s**t! Bakit ayaw mong sagutin?" napapamurang tanong ko pa.
Naisipan kong tawagan ang number ni Ate, pero nagri-ring lang ito at wala naman sumasagot. Kinakabahan na baka nga maaring totoo ang sinabi ng family lawyer namin.
Nagpasya akong umuwi na muna sa condo. Tinawagan ko na din ang aking bestfriend.
"Hello, bakit napatawag ka?"tanong agad nito na tila kagigising pa lamang.
"Babe,sino ba 'yan?"
Boses ng babae ang aking narinig.
"Puntahan mo ako ngayon dito sa condo ko. Uuwi tayo sa Santa Fe."walang paligoy-ligoy na aking sabi.
"Sigurado ka ba d'yan? Tama ba ang naririnig ko na uuwi ka ng Santa Fe? Baka naman nanaginip ka Bro?"sunod-sunod na tanong pa nito na hindi ata makapaniwala na uuwi ako.
"Tama ang narinig mo at kailangan mo na samahan ako. Kaya bilisan mo na."
"Ngayon na ba talaga?"
"Oo!"pinindot ko na ang end button.
Nang makarating sa condo ay agad na akong nag-empake ng kunting damit. At halos mahigit isang oras ang aking pinaghintay sa bestfriend ko.
"Naka-ready ka na talaga? P'wede ba na magkape muna?"
"Sa byahe ka na magkape."