"Salamat po ulit sa masarap na pagkain." nakangiti na sabi ko dito. Kung wala kasi ang karinderya nila dito sa gilid ng daan ay wala din kaming kakainan. Yun nga lang ay nakatatak na sa kan'ya na magkasintahan kami nitong si Triztan.
"Mag-iingat kayo sa byahe,sana ay muli kayong makadaan dito."
"Oo naman po, sigurado na uulit kaming kumain dito, di ba babe?" Wika naman ni Triztan dito na tumingin pa sa akin para sumang-ayon sa sinabi n'ya.
"Aalis na po kami."
Paalam ko dito.
Naglakad na kaming dalawa papunta kung saan nakaparking ang kotse.
"Babe, hintayin mo naman ako!"
Pinanlakihan ko naman ng mga mata ito.
"Tigilan mo na nga ang kakatawag sa akin ng babe, nakakadiri!"
"Nakakadiri daw! Ee,parang gustong-gusto mo din naman." Pabirong ani pa n'ya.
"Anong gusto ko? Seryoso ako Triztan,tigilan mo na ako d'yan sa kalokohan mo! Napapahamak tayo dahil d'yan sa kalibugan mo!"
"Hoy! Ang bastos naman ng bibig mo d'yan, hindi ako malibog, malalandi lang talaga ang mga babaeng 'yun."
"Sabi mo ee! Sumakay ka na."
Mabilis naman itong sumakay.
"Tawagan mo nga ang ninong mo,sa tingin ko ay may hindi magandang mangyayari dito."
"Tama ka d'yan, kanina ko pa iniisip 'yan. Matapang kasi magsalita 'yung leader ng mga babae kanina,parang may kakaiba sa kan'ya. Kaya matapang ang isang 'yun."
"So, parehas nga tayo ng iniisip kanina. Sa tingin ko ay kailangan pa din natin tulungan ang may-ari ng karinderya."
"Mabait pa naman s'ya." Sabi nito na sumang-ayon naman sa aking sinabi. May masamang kutob kasi ako kanina pa habang kausap pa lamang ng ginang ang babaeng 'yun.
Ini-start ko na ang kotse. Hindi din naman maaring magtagal kami dito. Importante na malaman ko muna ang totoong nangyari kay Ate.
Dinig ko ang usapan nila Triztan at ng ninong nito na may mataas na katungkulan sa PNP.
"Okay na daw,sila na ang bahala,babe."
"Isa pang tawag mo ng babe sa akin."
May pagbabantang sabi ko sa kan'ya.
"Ito naman hindi na mabiro. Pero salamat sa pagsalo mo sa akin kanina."
"Next time kasi kung lalandi ka,dun naman sa mga babaeng may respeto pa din sa sarili."
Hindi na ito nagsalita pa. Totoo naman kasi ang sinabi ko. Kung hindi n'ya kinindat ang mga babaeng 'yun ay hindi sana kami lalapitan ng mga ito.
Habang nagmamaneho ay binuksan ko na din ang radio.
"Ayan,para naman ma-relax itong utak natin."
Sabi pa n'ya. Music lover din kasi ang isang ito.
Sigurado akong madaling araw na kami makarating nito sa Santa Fe. Lalo na at patigil-tigil kami.
*********
Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. Maggabi na pala. At itong kasama ko naman ay nakatulog na din sa byahe. Mayaman naman ang pamilya ni Triztan pero mas pinili nito ang maging isang mekaniko. S'ya mismo ang nagma-manage ng talyer n'ya. May mga ilang tauhan naman ito. Pero mas gusto n'ya talaga na hands on sa mga magiging costumer nila. At ang nakakatawa pa karamihan sa costumer nito ay puro mga babae. Katulad na lang ng isa sa mga babaeng baliw na baliw sa kan'ya na si Rina. Wala na itong ibang ginawa kun'di magpa-ayos ng kotse n'ya na kahit wala naman atang sira ay dinadala n'ya sa talyer ng kaibigan ko. Kung sabagay palay na ang lumalapit sa kan'ya.
Dahil med'yo marami din naman ang nakain namin kanina ay hindi pa ako nakakaramdam ng gutom. Kaya nagpatuloy na lamang sa pagmamaneho.
"Gabi na pala!"
"Oo,parang puyat na puyat tayo aa!"
"Kung alam mo lang na halos wala pa din akong pahinga."
"Bakit magdamag ka ba na kumakad'yot?
"Siraulo! Marami lang talagang gawa ngayon sa talyer."
"Ee, sino ba ang kasama mo kanina ng tumawag ako?"
"Hindi ko nga kilala ang babaeng 'yun! Bigla na lang pumasok sa kwarto ko."
Napapakamot pa sa ulo na sagot nito.
Natawa naman ako sa kan'ya.
"Ibang klase ka talaga! Kasama mo sa kwarto,pero hindi mo kilala!"
"Seryoso talaga Bro, hindi ko kilala ang babaeng 'yun! Gusto mo ba ako muna ang magmaneho d'yan?"
"Sige palit muna tayo,gusto ko din makaidlip muna kahit saglit lang. Gisingin mo na lang ako kapag hindi muna alam ang daan."
Ipinarada ko sandali ang kotse at nagpalitan na nga kami nito.
"Matulog ka na d'yan."
Sabi nito at ako naman ay ipinikit na ang aking mga mata. Nakakaramdam na din talaga ako ng antok.
Narinig ko na tumunog ang cellphone nito agad naman nitong sinagot.
"Ninong!"
Naimulat kong muli ang aking mga mata.
Tumingin naman sa akin si Triztan.
"So,tama nga ang hinala namin ni DIC, Ninong."
Gusto ko ng malaman kung anu ba ang pinag-uusapan ng dalawa. Dahil parang tungkol ata ito sa karinderya kung saan kami kumain kanina. Parang may hindi magandang nangyari.
"Maraming salamat Ninong, mabuti na din at naitimbre mo agad sa mga kabaro mo ang sinabi namin kanina."
Hinintay ko muna na matapos silang mag-usap. Kahit na gustong-gusto ko ng malaman ang nangyari.
"Triztan,anong balita?"
"Easy ka lang, ito na sasabihin ko na."
"Yung Cheska pala na walang modo kung makapagsalita sa may-ari ng karinderya kanina ay kabet ng hepe ng pulis. Kaya ganoon na lang s'ya katapang."
"Halata naman sa babaeng 'yun na kung kani-kanino kumakabit. Kaya lang ay malaking buwaya pala ang nabingwit."
"Bakit tumawag ang ninong mo?"
"Hinaharas daw kanina ang matanda na may-ari ng kinainan natin. Pero dahil naitawag na ito ni Ninong sa mapagkakatiwalaan n'ya din na kasamahan sa trabaho ay nasaklolohan agad nila ang matanda. Kaya ayun pati si hepe ay timbog."
Natatawang sabi nito sa huling sinabi n'ya.
"Minsan talaga kung sino pa ang may katungkulan. Yun pa ang mga abusado!"
"Ano pa ba ang aasahan mo! May mga tao talaga na mapanlamang sa kapwa nila. Mabuti lang kumain tayo sa karinderya ni manang kanina, kun'di ay baka kawawa s'ya ngayon sa mga taong 'yun."
"Tama ka, nawala tuloy ang antok ko sa ibinalita ng ninong mo."
"Pahinga ka na muna d'yan,alam ko pagod ka pa sa flight mo."
Muli ko na ipinikit ang aking mga mata. Kahit saglit lang na oras ay makapagpahinga ako.