Cinderella's Dark Story

3824 Words
ㅡㅡㅡㅡㅡ Clayton Han Castillo Nasa loob ng isang VIP room ng bar habang naka-upo sa pulang pabilog na upuan, nakahain sa harapan ang iba't-ibang bote ng alak at mamahaling wine pero sa lahat ng mga boteng iyon ay wala pa akong naiinom. Maingay ang kapaligiran, sigaw ng mga nagkakasiyahang tao ang naririnig ko sa labas ng kwartong kinalalagyan ko. Madilim at tanging ilaw mula sa mga makukulay na laser lights ang nagsisilbing liwanag sa paligid, nakakaindak na tugtugin ang pinapatugtog ng isang sikat na DJ dito sa bar. Nakasuot ako ng puting polo kung saan doon bumabakat ang hubog ng aking magandang pangangatawan, naka unbutton ang dalawa kong butones sa polo dahilan para mapansin ko ang paglalaway ng ilang mga kalalakihan at kababaihang tumabi dito sa aking pwesto. Mag isa lang ako dito sa aking kinauupuan habang busy sa pag babasa ng mga article news na inilalabas sa internet. "A Half Korean Filipino Fashion Entrepeneur Clayton Han Castillo rumored dating Actor Paulo Alvarez" "CEO ng Clayton Gidae Industry at isang Aktor sa ABC-SBS Channel ay nakitang nag holding hands sa isang restaurant" "Fashion Entrepeneur Han Clayton Castillo and Robinman the Movie Actor Paulo Alvarez rumored dating" "Talaga ba?" natatawa kong wika habang patuloy lang sa pagbo-browse at pagbabasa ng mga article tungkol sa akin. Lumalatay ang pilyong ngiti sa aking labi habang binabasa ang ilang mga komento mula sa publiko. "Niririspito ko iyang si Sir Clayton dahil magaling siyang fashion guru piro yung tungkol sa sunod-sunod na pag jojowa ng mga papables ay ekis siya sa akin" "Pagkatapos ng basketball player sunod artista?" "Madami kasi iyang pera si Clayton kaya kayang-kaya niyang bilhin ang mga lalaking magustuhan niya" "Hindi talaga ako makapaniwala na bakla si Clayton Han dahil ang gwapo niya! Kamukha niya yung isang korean actor! Pero waepek! Kinikiss ko parin yung picture ni Clayton sa kwarto ko! Kyah anakan mo ako!" Napatawa nalang ako dahil sa aking mga nababasa tungkol sa pekeng balitang iyon, staged ang rumored dating na sinasabi dito sa article na ito. Inaamin ko na madami akong pera at kayang-kaya kong bilhin lahat ng magustuhan ko, kahit nga mga bahay sa isang sikat na village ay kaya kong bilhin. Pero hindi totoong binibili ko ang mga lalaking nagugustuhan ko, dahil sila mismo ang lumalapit at nahuhulog sa tapang ng alindog ko. Ang aking ilang mga pera ay napupunta sa mabubuting mga kamay, may foundation ako kung saan tumutulong sa mga batang kulang sa pang-tustos sa pag-aaral. Nasa ganoon akong pagbabasa ng mga fake news ng biglang rumehistro sa aking telepono ang isang unknown number. Saktong humina ang tugtog sa bar kaya sinagot ko na ito. "Who's this?" bungad ko dito. "Oh look's who's speaking?" boses palang alam ko ng demonyo ang tumawag sa akin "Pagkatapos mo sa isang singer at basketball player ang sinunod mo naman ay actor? Gusto mo talagang ipahiya ang pangalan ng pamilya natin ano?" rinig ko ang pagka-demonyo ng boses ng lalaking ito. Ang aking kaliwang binti ay ipinatong ko sa kanang binti para gumawa ng pwestong de-kwatro. "So? Anong pakialam mo?" taas kilay kong wika dito. "Wala akong pakialam sayo Clayton pero sa reputasyon at pangalan ng pamilya natin" huminto ito at umubo ng peke "Ng pamilya namin ay meron akong pakialam dahil kung ipagpapatuloy mong sisirain ang imahe ng Castillo ay mabuti pang magpalit ka na ng pangalan ulul!" walang katuturan nitong wika. "As if I told you na magkaroon ka ng paki sa akin?" huminto ako at umubo din ng peke "Kuya Lenard" tila nasusuka kong wika sa kanyang pangalan "At wala ka sa posisyon para mag digta sa akin kung anong dapat kong gawin dahil remember? Pamilya niyo 'yan so honestly speaking wala kang karapatan sakin" dagdag ko dito at tanging pagpalatak niya lang ang narinig ko. "Kalalabas lang ni Papa sa hospital at siya ang nag utos sa akin na tawagan ka kaya no choice ako, Mansion Gretelle isang oras bago mag alas-otso" pagpapalala nito sa akin na ikinagulat ko. Mabilis kong pinindot ang aking cellphone para hanapin ang article tungkol kay King Austira Castillo at tagumpay ko naman iyon nakita. "Hello? nakikinig ka ba?" nasa kabilang linya parin si Lenard habang binabasa ko ang article tungkol kay Papa. "Chairman King Austria Castillo of Castillo Hoesa Group, who was admitted at the TOP Medical Center for having brain tumor, has been released after nine months in the hospital" "Chairman Castillo announce that he will be stepping down in his position of being chairman and the public is now debating on who will be taking over the leadership of the group between his eldest son, Lenard Han Castillo and his second eldest son, Ranz Han Castillo" "Hello Clayton?! Hoy nakikinig ka ba?! Kung pupunta ka ng lasing ay wag na dahil nakakahiya ka!" pagkatapos kong mabasa ang article na iyon ay pinatay ko na ang tawag ni Lenard. "Seven na pala" wika ko matapos kong makita kung anong oras sa aking telepono. Dapat sa oras na ito ay iniisip ko kung maayos bang nakalabas si Papa sa hospital, pero bakit iba yung iniisip ko sa oras na ito? Bakit iba yung inaalala ko ngayong uuwi akong muli doon sa impyerno? Muli akong pumindot sa aking cellphone para tawagan ang isang tao. Inilapat ko sa aking tenga ang cellphone matapos kong mapindot ang kanyang pangalan "Alberto where are you? Nandiyan ka pa sa labas?" bungad ko sa aking gwapong bodyguard, driver, teacher and assistant "Pasok ka dito sa loob, now na bilisan mo" hindi ko na siya hinintay sumagot dahil pinatay ko na ang tawag. ㅡㅡㅡ "Alberto what do you think? Maganda ba 'to?" pagtatanong ko sa aking kasama habang ipinapakita sa kanya ang napili kong damit na aking isusuot papunta sa impyerno. "Bakit ako ang tinatanong mo sir? Ikaw ang magaling pagdating sa mga ganyang bagay" tugon nito sa akin habang bitbit ang ilan sa mga paper bags na pinamili ko kanina doon sa ilang stores. Nandito kami ngayon sa Vista Mall dahil nag aalala ako kung anong isusuot ko pagpunta mamaya sa impyerno. Dito sa H&W Store Men's Apparel kami nakatayo ni Alberto habang may mga paparazzi ang nakapaligid sa amin dahil mainit ang pangalan ko ngayon sa publiko. About doon sa Artista na si Paulo Alvarez? He likes me that much kaya pinagbigyan ko nalang kahit na alam niyang kaibigan lang ang maibibigay ko sa kanya. Maniwala 'man kayo sa hindi ay wala pa akong nakakarelasyon na seryosohan, fling madami tulad nalang ng mga sikat na basketball player, singer at ngayon nga ay artista. "I know, I know pero gusto kong malaman kung anong masasabi mo dito" nakangiti kong wika kay Alberto habang ipinapakita ang napili kong susuotin. Hindi ko pinapansin ang ilang mga nagbubulungan sa paligid dahil hindi naman sila ang nag papakain sa akin. "Para ka namang pupunta niyan sa lamay sir, bakit kailangang itim pa?" tugon nito sa akin habang nakatingin sa kulay itim na oversized polo. "Oh? bakit hindi ba lamay ang pupuntahan ko? Mga lumilipad na kaluluwa na 'ata sila hindi ba?" sarkastiko at natatwa kong tugon sa kanya habang pinagmamasdan ang oversized polo na ito. "Kalalabas lang ni Chairman ngayon sa ospital, wala ba kayong regalo?" pag-iiba nito ng usapin habang patuloy lang ako sa pag susuri nitong polo. "Kumusta na kayo ng nililigawan mo?" pag-iiba ko din ng usapin sa kanya bago ko ito harapin. Tagumpay naman ako sa pagbabago ng topic dahil kita ko ang pag labas ng dimple niya sa kanang pisngi. "Ay sir oo nga pala mag papaalam sana ako sa inyo na gagamitin ko yung sasakyan, susunduin ko kasi siya doon sa theatre school" nakangiti at tila kinikilig nitong tugon sa akin. Tumango ako "Okay, just drop me first sa mansion bago ka umalis" wika ko at doon siya tumango. "Yes sir" nakangiti niyang tugon bago ko ibigay ang oversized polo sa kanya. "Just get this things wrap up, una na ako sayo sa kotse" huling wika ko sa kanya bago ako humakbang papalayo kay Alberto. Doon nakasunod sa akin ang mga camera ng paparazzi at media habang paulit-ulit na tinatanong kung anong tunay na relasyon namin ng artistang si Paulo Alvarez. "Mister Clayton Han ano ang totoong estado ng relasyon niyo ni Paulo Alvarez?" "Tunay bang magkarelasyon kayong dalawa?" "Kinuha mo bang modelo si Paulo Alvarez ng clothing line mo dahil sa relasyon niyong dalawa?" Sa mundo ng mga sikat at kilalang tanyag sa iba't-ibang larangan ang salitang privacy ay hindi mo minsan maiintindihan. ㅡㅡㅡ Naka-upo ako sa likurang bahagi ng kotse habang si Alberto naman ay nasa driver seat at patuloy na nagda-drive sa kahabaan ng Magellanes Road. Nakadantay ang aking ulo sa salamin ng bintana habang pinagmamasdan ang makukulay na ilaw sa bawat kalye na aming nadadaanan, Ber months na kasi kaya makukulay na ang ilaw ng mga establisyimentong nadadaanan namin. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko sa oras na ito, may kaunting kaba at takot pero nandoon parin ang galit. Ngunit isa sa mga natuklasan ko sa aking sarili sa nagdaang buwan, tila minsan akong nawawala sa wisyo dahil na din dami ng iniisip kaya naghahalo-halo na ang lahat ng emosyon sa aking loob. "Sir may ibibigay po ako sa inyo" naputol ang pagtingin ko sa labas ng magsalita si Alberto. Umayos ako ng upo at bumaling ng tingin sa kanya "What, Berto?" tugon ko sa kanya gamit ang kanyang palayaw. Doon ko nakita ang pagbagal ng takbo ng sasakyan dahil may kinukuha si Alberto sa gilid ng kanyang pintuan. Nakatingin lang ako doon bago ko makita ang kanyang kinuha. "Regalo ko iyan sayo Sir" doon ko kinuha ang asul na paper bag na inilalahad ni Alberto sa akin "Na sa 'yo na kasi ang lahat sir kaya wala akong ibang maisip na regalo kundi iyang mumurahin lang, pati nabili ko iyan noong nag date kami ni Sharmane sa Pasig" dagdag pa nito sa akin. Doon ko binuksan ang asul na paper bag para makita ang laman nito. "Happy Birthday sir Clayton kahit na masungit ka sakin, alam kong may dahilan kung bakit ka ganyan, mananatili ako sa tabi mo sir kahit na anong mangyari dahil ako si Alberto ang gwapo mong kanang kamay at taga-pagtanggol sa lahat ng mga nang-aapi" nakangiti at mula sa pusong wika ni Alberto sa akin kaya wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin ito kahit na siya ay nagda-drive. "Gago sir! Baka mabangga tayo gago ka!" tarantang segunda niya kaya muli akong umayos ng upo. "Thank you Berto" kinikilig at natutuwang pasasalamat ko sakanya habang isinusuot ang regalo niyang kulay itim na bracelet kung saan may burda ng aking pangalang 'Clayton' Pagkatapos ng tagpong iyon ay muli kong isinandal ang aking ulo sa salamin ng bintana para muling pagmasdan ang aming nadadaanan. Kaarawan ko ngayon ngunit wala namang espesyal para sa araw na ito, maliban sa pagbati ng ilang mga taong nakakakilala sakin ay hindi na ako nag didiwang ng kaarawan mag mula noong umalis ako sa impyernong kinalalagyan ko. "Alberto" pagtawag ko sa aking butihing bodyguard. "Yes sir" tugon niya habang patuloy sa pagmamaneho. "Kapag nawala ba ako, hahanapin mo ako?" wala sa wisyong wika ko sa kanya. ㅡㅡㅡ Kakalabas ko lang ng kotse at nasa gilid na ako nito habang kinakausap si Alberto sa driver seat, ilang minuto lang ang tinagal ng biyahe bago kami nakarating sa harapan ng Mansion Gretelle. Suot-suot ko na ang oversized black polo na binili ko kanina at kulay puting shorts na kitang-kita ang makinis kong binti. "Sigurado ka bang hindi mo ako kailangan sa loob sir? Pwede namang pagkatapos niyong mag dinner ay saka ko susunduin si Sharmane sa school dahil ilang oras pa naman bago matapos yung workshop nila" pag-aalalang wika ni Aleberto sa akin at doon ako umiling. "Ano ka ba kaya ko 'to Berto, mabuting umalis ka na dahil traffic at maiipit ka ng ilang oras sa kalsada" tugon ko naman sa kanya at doon siya tumango-tango suot ang pag-aalalang mukha. Kilalang-kilala na talaga ako ni Alberto. Ramdam niya na may halong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon. "Sigurado ka ba talaga sir? Pwede naman kasi talagang pagka---" hindi na naituloy ni Alberto ang kanyang sinasabi dahil sa liwanag na sumilay sa aming harapan. "Ah" daing ko habang tinatakpan ko ang aking mata dahil sa ako'y nasisilaw sa liwanag na nanggagaling sa harapan ng sasakyan. Mabilis namang nawala ang liwanag na iyon kaya nakita ko kung anong bagay ang tumigil sa harapan namin. Isang kulay itim na motorbike habang nakasakay doon ang isang lalaki na kumpleto ang motor gear na suot-suot, naka helmet na black kaya hindi ko kita ang pagmumukha ng lalaking iyon. "Berto sino 'yan?" baling ko kay Alberto habang nakatingin doon sa lalaking tumigil sa harapan namin. "Hindi ko alam sir" tugon nito sa akin at tumango-tango ako. Nakatingin sa pwesto namin ni Alberto ang lalaking nakasakay sa motor. Hahakbang na sana ako papunta doon sa lalaki ng may magsalita sa likuran ko "Senyorito Clayton ikaw nalang po ang hinihintay sa loob" napatigil ako sa gagawin kong hakbang at doon dahan-dahan na humarap sa boses ng isang manang. "Okay thank you po" tugon ko sa kanya bago ko balingan ng tingin si Alberto "Sige na Berto umalis kana bilis, kaya ko 'to magtiwala ka sakin" pagtataboy ko sa kanya kahit na hindi niya gustong umalis. Hindi ko na hinintay pang sumagot si Alberto at humakbang na ako papunta doon sa entrance gate, rinig kong pinaandar na ni Berto ang makina ng sasakyan. Bago pa ako tuluyang makapasok sa loob ng mansion ay tumigil muna ako para muling balingan ng tingin ang lalaking nakasakay sa motorbike. Hindi ko alam kung bakit bumibilis ang t***k ng puso ko habang binabalingan ang misteryosong lalaking iyon. Umiling nalang ako bago ko narinig ang busina ng sasakyan na minamaneho ni Alberto tanda ng siya ay aalis na. Hindi ko na iyon binalingan ng tingin kaya nagdiretso na ako papasok sa loob ng gate. At habang humahakbang ako papalapit sa loob ng impyerno ay doon na naghahalo-halo ang nararamdman ko. Kaba, takot, galit at sakit ang nararamdaman ko sa oras na ito. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili sa pamamagitan ng malalalim na paghinga, pagtikom ng aking mga kamao at pagkagat sa aking ibabang labi. Pinagbuksan ako ng pintuan ng manang "Thank you" wika ko dito bago siya nagsalita. "Nasa dining hall na po sila Senyorito" wika niya sa akin at doon ako tumango. Ng tuluyan akong makapasok sa loob ay doon sumalubong sa akin ang hindi nababagong amoy ng impyernong kinalakihan ko. Umalis na ang manang sa tabi ko at doon ko tinutumbok ang daan papunta sa dining hall ng mansion. Sa paglalakad ko pa lang ay maririnig ko na ang ilang sigawan na nang gagaling sa mga uhaw sa atensyon. "Are you deaf? Are you out of your mind Lenard? O sadyang bobo ka lang talaga?!" "Sinong bobo? Gago ikaw ang bobo ulul! Laki ng utang mo sa mga empleyado mo dahil sa katangahan mo!" "Igaya mo naman ako sa 'yong uha--- "Where is Clayton!? Hindi ba sinabi ko sa inyong gusto kong nandito si Clayton ngayon?" "Tinawagan ko na siya kanina Papa pero nasa bar na naman at nagpapakalasing, kung sino-sino na namang lalaki ang kinakanti ng ba---" Bago ko pa marinig ang hindi ko gustong marinig na salita ay doon na ako nagpakita at nagparamdam sa kanila. Tila ang tanging maririnig mo lang dito sa buong mansion ay ang tunog ng hakbang ng aking suot na itim na converse shoes. Suot ko ang mukhang gusto kong ipakita sa kanila dahil sa loob ng siyam na taon ay muli akong bumalik dito sa impyernong kinalakihan ko. Ibinabalandra ko ang mukhang hindi nila malilimutan, ang mukhang kanilang kaiinisan. Doon ko nasilayan ang mahabang lamesa na punong-puno ng pagkain na tila fiesta. May tatlong lalaki at isang babae ang naka-upo sa upuan habang doon mainit na pinagsasaluhan ang mga putaheng nakahain sa kanilang harapan. Hindi ko binibigyan ng pansin ang dalawang lalaking uhaw sa atensyon at isang babaeng walang pakialam sa kung anong mangyari sa kanyang anak. Kay King Ausria Castillo lang ako nakatingin, kay Papa lang nakabaling ang aking mga mata habang diretso na naglalakad papunta sa kanyang pwesto. Mabigat ang atmosperang mararamdaman mo kung ikaw ang nasa pwesto ko. Tumigil ako sa gilid ng lamesa kung saan nakaharap kay Papa. "Im so glad that you already discharged from the hostpital, nabalitaan ko na gusto niyong nandito daw ako ngayon" itinikom ko ang aking mga kamao "May gusto ka po bang sabihin?" ang mga matang binibigay sa akin ni Papa ay napaka-seryoso. "Bumalik kana dito sa mansion, dito kana ulit tumira" tugon nito sa akin dahilan para mapangiti ako ng wala sa wisyo. Mas naging tahimik ang dining hall dahil sa sinabi ni Papa. "Yun lang po ba ang sasabihin niyo? Okay" nakangiti kong wika sa kanya "Pumunta ako dito para kumustahin lang kayo sa pag labas niyo sa hospital, so I'll get going" nag bow pa ako sa kanya tanda ng pagrespeto bago ako tumalikod at humakbang papa-alis. Ngunit napatigil ako dahil sa aking narinig "Clayton I want you to take over my position" 'Clayton I want you to take over my position' tila isang malakas na echo ang aking sunod na narinig kasabay nito ang sunod-sunod na reaction ng mga uhaw sa atensyon. "Aba! Papa!" "Papa!" "Hon!" Literal na napa-awang ang aking labi dahil sa narinig kong salita na binigkas ng aking ama. Huminga muna ako ng malalim bago muling humarap kay Papa na nakacross ang kanyang braso sa dibdib nito. "Clayton, you left the mansion and started your own company nine years ago kaya alam na alam ko ang kaya mong gawin, and I know that you are competent enough para mag patakbo ng kompanya. So I want you to take over my position, understand?" ang sunod na sinabi ni Papa ang naging dahilan para sabay-sabay na tumingin sa akin ang dalawang lalaking uhaw sa atensyon at isang babaeng walang pakialam sa akin. Binalingan ko sila ng tingin at doon ko kitang sinesenyasan nila ako na wag kong tanggapin ang sinabi ni Papa. Umiiling silang tatlo bilang pagtanggi sa gusto ni Papa na mangyari. Napalunok nalang ako bago muling bumaling ng tingin kay Papa "Okay, tatanggapin ko" alam niyo na kung saan ako humugot ng hininga para sabihin ko ang mga salitang 'yan. "Hoy Clayton wala kang alam sa pagpapatakbo!" "Ulul tama!" Reaksyon ng dalawang uhaw sa atensyon bago ako muling nagsalita. "Kung sa akin niyo ipapasa ang posisyon may karapatan ba akong mag appoint ng bagong CEO's sa ilang kompanya natin?" nakangiti kong wika kay Papa at doon siya tumango. "Yes you have" tugon nito sa akin dahilan para mas lalo pa akong mapangiti. "Okay, that's great palagi ko kasing naiisip yung mga naging CEO's dahil lang sa ihip ng hangin, tulad ng mga walang preno ang bibig, yung palaging nakakasuhan dahil sa corruption at yung magiging dahilan para masira ng tuluyan ang kompanya" wika ko sa harapan ni Papa habang binabalingan ng tingin ang dalawang lalaking uhaw sa atensyon. Muli akong bumaling ng tingin kay Papa "Okay ikaw na ang bahala Clayton" nakangiting tugon sa akin ni Papa dahilan para mas lumawak ang aking pagkakangiti. "Thank you Papa" nag bow ulit ako tanda ng pag galang "Just give me some time to relax Papa, kakatapos lang mag launched ng bagong clothing line namin kaya medyo busy ako this week pero kung gusto niyong ibigay na sa akin ang posisyon right away ay hindi ko ito tatanggihan" nakangiti kong segunda sa kanya at doon ito tumango. "Okay, can you meet me in my office tommorow?" wika niya sa akin. Umiling ako sa kanya "Susubukan ko Papa, pero baka hindi ako makarating since opening ng isang branch namin doon sa Cavite" tugon ko sa kanya at doon ito tumango. "Okay, then I plan to announce it at the upcoming shareholder's meeting next-next week at alam kong hindi kana busy that time so let's meet before that" huling wika niya sa akin. "Noted Papa" nakangiting tugon ko sa kanya bago ako bumaling ng tingin sa kanilang lahat "Enjoy your dinner, baka mawalan pa kayo ng ganang kumain kaya mabuting umalis na ako dito" nakangiti kong wika sa kanilang lahat. Nag desisyon akong tumalikod at humakbang papaalis doon sa pwestong kinatatayuan ko. Habang ako ay humahakbang papalabas ay doon ako tila na estatwa habang naglalakad dahil sa mga salitang nasabi ko sa harapan nila, halo-halo na ang mga emosyong nararamdaman ko ngayon. Nakaawang ang aking bibig at malalalim ang ginagawa kong paghinga. Tinumbok ng aking paa ang daan papalabas ng malaking pintuan nitong mansion. Tagumpay akong nakalabas sa pintuan at doon na ako humakbang upang umalis dito sa impyernong kinalalagyan ko. Itinikom ko ang aking mga kamao dahil sa kaba at takot na nararamdaman. Nasa ganoon akong paglalakad ng mapatigil ako dahil sa boses na narinig ko sa likod. "Gaano kakapal ang pagmumukha mo para bumalik ka pa dito? Hindi ba't umalis kana sa puder namin?" boses palang ay alam ko ng kung kanino galing iyon. Rinig ko ang mga yabag ng paa na papalapit sa aking pwesto. Napapikit ako ng mariin at napakagat sa aking labi dahil sa mga salitang narinig ko. "Gusto mo talagang sirain ang pangalan ng pamilya namin ano?" ang boses na iyon ay malapit na malapit na sa aking kinatatayuan. Huminga muna ako ng malalim bago mag desisyong humarap sa aking Ina. Ang aking pagharap ay hindi ko pinagsisihan, isang malakas na sampal sa aking kaliwang pisngi ang aking natanggap mula sa kanya. "Sabihin mo sa Papa mo na hindi mo kukuhanin ang pwesto niya! Wala ka nang karapatan dahil umalis ka! Wala ka nang karapatan dahil hindi ka na namin pamilya!" expected but not surprised. Alam ko namang sasabihin niya ang mga salitang iyan sa pagbabalik ko dito sa impyernong ito. Hindi ko pinansin ang hapdi ng iniwan niyang sampal sa aking pisngi. Ngumiti ako ng mapait at doon nagsalita sa harapan niya "Kada sasapit yung kaarawan ko, yung birthday ko, alam niyo ba kung anong gusto kong marinig? Gusto kong marinig na kahit isang beses man lang sabihin niyo na 'Anak Happy Birthday' para kahit papaano maging espesyal ang kaarawan ko" tumigil muna ako at ngumiti "Nakakatawa pero totoo" segunda ko sa kanya. Ang kanyang mukha ay tila gulat sa aking sinabi. Huminga muna ako ng malalim bago ituloy ang sasabihin ko "Alam niyo ba na sa tuwing may bagyo at unos na dumadating sa buhay ko, ang tanging salita na nasasabi ko lang ay 'Mama nasaan ka na' kasi alam niyo ba na walang magulang ang kayang tiising masaktan ang kanilang mga anak" muli akong tumigil at ngumiti "Ay oo nga pala, wala akong Mama, wala akong Nanay dahil walang Ina na gustong masaktan ang sarili niyang anak" huling wika ko bago ako tumalikod. Mabilis akong humakbang papaalis sa babaeng iyon, pinipigilan ko ang aking emosyon na lumabas sa aking loob. Ilang segunda lang ang tinagal ng aking paglalakad ng tagumpay akong nakalabas ng gate. Saktong paglabas ko ng gate ay doon ko natanaw ang lalaking nakasakay sa itim na motorbike, hindi pa rin ito umaalis sa pwestong kinatatayuan niya. Batid kong nakita ako ng lalaking naka helmet na iyon dahil nasa direksyon ko ang tingin niya sa akin. Hindi ko malaman kung bakit awtomatikong gumalaw ang aking mga paa papunta sa pwesto ng lalaking iyon. Nakatingin lang ako sa naka helmet na lalaki habang humahakbang papunta sa pwesto niya. Tumigil ako sa harapan ng motorbike at doon nagsalita sa estrangherong lalaki "Dalhin mo ako sa lugar na walang makakahanap sa akin, dalhin mo ako kahit saan mo gusto" wika ko sa kanya at doon ito tumango. Hindi na ako nag aksaya ng oras at humakbang na ako papasakay sa kanyang may kataasang motorbike. Ng tagumpay akong makasay ay binigyan niya ako ng helmet na kulay puti, sinuot ko ito sa aking ulo at doon umaayos ng upo dahil sinimulan niyang i-start ang makina ng kanyang motor. Ang akong mga kamay ay inilagay ko sa kanyang balikat para maghanda sa pag-alis. Ilang segundo ang tinagal ng kanyang pag i-start ng makina, ng doon ako magulat sa kanyang ginawa. Ang aking mga kamay at braso ay ipinulupot niya sa kanyang tiyan. Ako si Clayton at may niyayapos ako ngayong estranghero. Hindi na ako nag protesta pa at doon ko siya niyakap ng mahigpit, ang aking ulo ay isiniksik ko sa kanyang likuran. Mas humigpit ang aking pagkakayakap ng maramdaman ko ang pag-andar ng kanyang motorbike. Kasabay ng mabilis na pag papa-andar ng motor ay doon mabilis na umagos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi lahat ng tao sa mundo ay pantay-pantay, may mga mahihirap at mayayaman. May mga mahihirap pero lubos ang saya na nararamdaman at may mga mayayaman na tila pinagsakluban ng langit at lupa ang saya na kanilang nadarama. Madami akong pera, mayaman ako, madami akong pera, mayaman ako. Mayaman ako pero wala akong pamilya. Hindi fairytale ang buhay ko, hindi happy ending ang buhay ko at hindi tulad ng mga Princess sa Disney Movie ang buhay ko dahil walang Prince Charming na dadating sa buhay ko na ipagtatanggol ako sa lahat ng masasamang mangyayari sa akin. Hindi ako si Snow White na may pitong magigiting na kaibigan. Hindi ako si Rapunzel na ililigtas ako sa pagkakakulong sa tore. Hindi ako si Ariel na magkakaroon ng prinsipe sa buhay ko. Dahil kung ihahalintulad ang buhay ko sa mga mga prinsesa ang pipiliin ko ay si Cinderella. Alam niyo yung Dark Story ng kwento ni Cinderella? Isa sa mga stepsister ni Cinderella ay pinutol ang kanyang paa para gamitin ng kanyang stepsister sa pagsusukat ng sapatos na hinahanap ni Prince Eric, ang stepmother ni Cinderella ay kinuha ang kanyang puso para ipakain sa pusa nilang nag ngangalang Lucifer. Ang buhay ko ay maiihalintulad mo sa madilim at nakatagong kwento ng prinsesang si Cinderella. ㅡㅡㅡㅡㅡ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD