Ang Dalawang Mukha ng Kaaway

1769 Words

MULA SA MEZZANINE AY NAKATANAW SI YNABA PYADGAO O INANG SA PAGTITIPON SA IBABA. Noon na lamang siya muli nakadalo ng Annual Gala Dinner ng CALIDA. At natutuwa siyang makita rin ang iba pang imortal na naroon na hindi karaniwang nakikisalamuha sa ibang tao. Katulad ni Sebastian na kapansin-pansin ang interes na ipinapakita sa pamamagitan ng pagtitig nito sa dalagang nagtataglay ng mga pananda. Napangiti si Inang na biglang maalala ang sariling kwento ng pag-ibig ilang daang taon na ang nakakalipas. “Natutuwa akong nage-enjoy ang aking kakambal,” puna ni Ratbal o Clara na tumabi sa kanya. Nakimasid din sa mga nasa ibaba. “Isang magandang pagkakataon ito sa atin para magsaya, Clara. Lalo na at maaaring ito na ang huling pagtitipon na dadaluhan ng tribung imortal,” sagot niya. Hinihintay a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD