Ang Tagpagtanggol sa Dilim

1565 Words

NARAMDAMAN NI JADA ang pagpatong ng kamay ng lalake sa balikat niya. Nagpakilala ito sa pangalang James. Hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon pero nahihiya naman siyang sabihin iyon sa lalake, bukod doon ay medyo nahihilo din siya. Nagmagandang-loob ito na samahan siyang sundan si Mariz. Hindi siya sigurado kung ang lalakeng tinutukoy ng mga kasamahan ni James na kumausap kay Mariz ay si Jesson. Pero nasaan naman kaya ang dalawa? Sa kanilang tatlo ay mas madalas na siya ang nawawala at hinahanap ng mga ito. Ang nilalakaran nila ay ang walk way sa pagitan mga hilera ng mga mamahaling boutiques sa high street. At iyon ang nililingon ng lalakeng kasama niya, kapag may itinuturo ito ay mas dumidikit ito sa kanya at bahagya siya hinahapit sa katawan nito. Parang namamasyal ang lalake sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD