PAGKABABA NG TAXI AY MASAYANG HINARAP NI JESSON sina Mariz at Jada. Inaasahan niyang makikita niya sa mga mukha nito ang excitement dahil nasa entrance sila ng isa sa pinakamalaking mall sa bansa. “We will go shopping!” Jesson animatedly announced. Feel niyang i-spoil ang dalawang babae kahit ngayong araw lang. Kung hindi nga lang niya dapat ilihim sa dalawa ang tunay niyang pagkatao ay hindi nila kakailanganing mag-taxi. May sarili siyang sasakyan na nasa basement ng RY Holdings. Sandaling lumingon sa paligid si Jada pero katulad ng dati ay mas kuryusidad ang nasa mukha nito dahil sa mga nakikita. Si Mariz naman ay tinaasan lang siya ng kilay. Kanina pa niyang nahahalata ang katamlayan nito. Hindi iyon ang inaasahang reaskyon ng mga ito lalo na si Mariz. “Nakalimutan mo na bang wala

