Enzo’s POV Pumasok ako sa loob ng kanilang bahay, napatingin ako sa paligid ng kanilang bahay at nakita ko ang simple pero maayos na pamumuhay nila. Hindi sila ganon kayaman pero makikita mo din kung masaya sila sa pamumuhay nila. “Uminon ka muna ng tubig Enzo,” sambit ni Sheena sa akin sabay bigay sa akin ng baso. Napangiti ako sa kaniya bilang pasasalamat ko. “Sheena, andito ka na pala,” sambit ni Ate Emma sa kaniya. Napatayo naman ako sa aking inuupuan upang bigyang bati din si Ate Emma. “Enzo, napadalaw ka?” tanong nito sa akin. “Hinatid ko lang po si Sheena sa bahay ninyo, pero paalis na din po ako, dumaan lang ako para kumustahin kayo,” saad ko sa kaniya. Napangiti naman si Ate Emma dahil sa aking sinabi sa kaniya. “Ah ganon ba, napasa mo na ba yung mga papers mo sa papasuk

