Nang matapos ang aking ginagawa naligo na ako at inihanda na ang aking gamit bago ako umalis. “Ma aalis na ako,” sambit ko kay Mama. 4:45 am pa lang kaya alam ko na makakaabot ako sa condo ni Enzo ng maaga. “Ang aga pa ah ano’ng oras ba ang pasok mo?” tanong sa akin ni Mama. “Dadaanan ko nga si Enzo, Mama talaga daming tanong,” sambit ko kay Mama. Napatingin naman si Mama sa akin na para bang may mal isa sinabi ko. “Ayusin mo lang ang buhay mo, Sheena,” natatawang sabi ni Mama sa akin. Napairap na lang ako at umalis na agad upang hindi na ako makatanggap ng kung ano-anong sasabihin ni Mama sa akin. Nang makarating ako sa condo ni Enzo, agad akong nag-doorbell pero wala namang nagbukas, kaya tinawagan ko na lang siya para papasukin ako. Dahil hindi pa naman ako kumain ay naglu

