Enzo’s POV Napatigil kaming dalawa ni Sheena at napatingin sa lalaki na papalapit sa amin.Napakunot ang aking noo dahil hindi ko alam kung bakit merong lalaki na tumawag sa kaniyang pangalan. “Who is he?” nagtataka kong tanong sa kaniya. Napatingin naman sa akin si Sheena dahil sa aking sinabi. “Ah kaibigan ko,” saad niya sa akin. “Sheena,” maarte niyang sabi dito. Napakunot ang noo ko dahil sa ginawa nito. “Beh alam mo kahapon pa talaga kita fina-find pero ang hirap mong i-reach bakla ka jusko hagardo versosa na ang fes ng mami mo tapos ikaw hindi ka man lang ma foresaw ng eyes ko,” maarteng sabi ng lalaki. Napatingin naman sa akin si Sheena sabay ngumiti bago ito tumingin sa lalaki na tumawag sa kaniya. “Bakla ka ‘wag ka nga mag-inarte,” rinig kong bulong ni Sheena sabay kurot

