K A B A N A T A 34: Salubong ang aking kilay habang binabasa ang mensahe ni Daddy na kakarating lang. Kailangan kong umuwi dahil may ipapagawa siya sa akin, umuwi sa aming probinsya sa Batangas. Malakas akong napabuntonghininga dahil alam ko na ang gusto niyang mangyari, ang tumugil na naman muna ako sa pag-aaral para ituon ko ang atensyon sa organisasyon? Masaya ako sa organisasyon na binuo nila lalo at kasama roon si Mama ngunit gusto ko rin naman matupad ang isa pa niyang gusto maliban sa alagaan ko ang pinaghirarapan nila, ang makatapos ako sa aking pag-aaral. Napag-iwanan na nga ako tapos hanggang ngayon ba naman gano'n pa rin? Na kailangan ko pa rin itigil ang bagay na gusto ko para sa mga bagay na kailangan kong gawin. Isa rin dahilan bakit ako pumayag dito pumunta sa Pampang

