KABANATA 46

1024 Words

K A B A N A T A 46: Panay ang sulyap ko sa aking pinsan habang kausap siya ni Grimore sa gilid ng dagat habang kami naman ni Arki ay nanatili na sa loob ng cottage, kumakain ng prutas ang aking anak habang hinihintay na matapos ang kanyang ama para makalangoy na sila. Mukhang seryoso ang kanilang pag-uusap, malakas naman ang kabog ng aking dibdib dahil baka sabihin ng bwiset na Uno na iyon ang tungkol sa akin. Kanina pagkatapos niyang yakapin ang aking anak ay hindi naman niya ako pinansin pero sigurado ako na tama ang pagkakarinig ko. Nakilala niya talaga ako. Ang galing ng kumag! Kung sabagay, nakita na niya lahat ng itsura ko at nasisigurado akong baka nalaman din niya dahil sa mga tauhan ko. Sino naman nagsabi sa kanila na nandito ako at paano silang nagkakilala ni Grimore? f**k.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD