KABANATA 38

1765 Words

K A B A N A T A 38: NANG magising ako ay kaagad kong inilibot ang aking paningin sa paligid. Palubog na ang araw sa labas, dahan-dahan akong bumangon para makababa na, bigla tuloy akong nagutom. Inayos ko lang ang aking buhok bago lumabas ng kwarto, nagulat pa ang nagbabantay sa akin bago siya yumuko. Parang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay na lumalabas-labas na ako. Nasaan na kaya `yong mga nagdala sa akin dito, `yong kumindap sa akin ay hindi ko na muling nakita. Baka nasesante na? Mabuti nga iyon sa kanila. Napabuntong hininga ako bago lumabas sa bahay papuntang dalampasigan ulit, may nakita akong ilang tauhan na nakatambay sa batuhan na hagdan pero nang makita ako ng isa ay may sinabi siya mga kasama bago sila nagmamadaling umalis. Bakit ba magugulatin ang mga tao rito?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD