Kabanata 9: I could feel the anger on his face, it darkened as the jaw moved. His aura shouts authority. "f*****g rapist," his jaw clenched. Nag-echo sa aking tainga ang sinabi ni Grimore. Nanatiling nakaawang ang aking labi, hindi pa ako kaagad nakabawi sa biglang pagdating ni Grimore. Natauhan lamang ako nang dumaing ang lalaking nakabulagta sa sahig, kaagad kumalat ang kanyang dugo malapit sa aking gawi at may ilan na tumilansik pa sa aking hita. Malakas siyang sumisigaw habang sapo-sapo ang kanyang hita na may tama ng bala ng baril. What the f**k? I didn't hear his footsteps! "B-Boss!" kabadong usal ni Tunying na nakasunod sa kaniya, putlang putla ang maatabang mukha nito. Nakasuot ng leather jacket si Grim at jeans, kita kong umigting ang kanyang panga na nilingon si Tunying na

