K A B A N A T A 58: NANG magising ang aking diwa ay pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin, kaagad kong iminulat ang aking mata. Isang lalaki ang tumambad sa akin, napatitig ako sa seryoso ngunit gwapong mukha ni Grimore. I can't really remember when was the time I saw him this close. Noong una ay akala ko ay tulog pa ako at nananaginip pa rin ngunit nang kumunot ang kanyang noo ay natauhan ako. Kumunot din ang aking noo at pilit kong inaalala kung ano ang nangyari bago ako matulog. Kung nasaan ba ako at bakit siya na ang nandito. Unti-unti kong prinoseso ang nangyayari, nagising ako kasama ang dati kong asawa, ang mortal na kaaway ng aming pamilya, isang monterde. Napalunok ako nang maalalang si Manang nga pala ang dapat kong kasama sa van na sinasakyan namin at hindi siya. Halos m

