Kabanata 7: Deretsyo ang aking tayo sa gilid ng mahabang lamesa na puno ng mamahalin pagkain habang nasa isang pribadong restaurant kami sa Clark Pampanga. Pamilyar na ako sa lugar na 'to, hindi ko inaasahan na rito dadalhin ni Grimore ang babaeng kasama niya, aang kanyang nobya. Ito ang lugar kung saan kami unang nag-date, akala ko ay importante rin sa kanya ang ala-ala na 'yon pero mukhang ako lang ata ang nag-iisip ng bagay na 'yon. Oh masiyado ba akong sentimental na ayokong dalhin niya rito ang iba? Bakit Deborah, ikaw ba ang may ari? Ni hindi ko magawang itaas ang aking tingin sa dalawang naglalampungan sa aking harapan. Tama ba ang ginamit kong salita? Naglalandian o harutan? Parang isa lang din naman ang ibig sabihin at dulot sa akin. Nagngingitngit ang dibdib ko sa galit dahil

