K A B A N A T A 62: Clarification: I'm putting other point of views because they are also part of this story, even they are extras i want you to know their past. [ BISHOP'S POV CONTINUATION ] Marahas na bumuga ng hangin si Bishop habang nakaupo sa private room ng isang bar. Alam niyang nasa labas at nakapaikot lang ang kaniyang mga tauhan lagi naman gano'n. Nakakailang tawag na ang boss niya pero hindi naman niya masagot-sagot. Nasa bar siya ngayon na pagmamay-ari ng isa pa niyang kaibigan. Ipinilig niya ang ulo at pumikit pero agad din siyang napabalikwas ng makita ang maamong mukha ng batang babae. Damn this s**t! Dalawang araw na simula nang huli niya itong nakita pinilit niyang ituon ang buong atensyon sa trabaho at organisasyon. Napatingin siya sa pintuan ng private room nang

