K A B A N A T A 31: "Where are you, Deborah?" Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil sa mariin tanong ni Daddy sa kabilang linya. Sumulyap ako kay Grimore na ngayon ay kausap ang isang kakilala niya na lalaki, bahagya pa akong lumayo upang hindi niya marinig ang sasabihin ko sa aking ama. "Daddy, uh . . ." Sandali akong tumigil bago magpatuloy ulit. "Wala po ako sa bahay ngayon, may pinuntahan lang ho ako sandali. Bakit po?" Binasa ko ang aking ibabang labi, wala pa man siya sa aking harapan ay nakikita ko na ang kanyang galit na ekspresyon. Kahit siguro pumikit ako ay makikita ko pa rin iyon dahil iyon naman ang karaniwan binibigay niyang reaksyon sa akin, kapag nakaharap sa akin. Kakatanong ko pa lang kay Manang tungkol sa kanya tapos heto na siya at tumatawag na. Hindi kaya nabang

