Kabanata 26: *FLASHBACK* Napa-angat ang tingin ko sa mukha ni Sir Grimore habang nililinis ko ang sugat niya sa may tiyan. Dahan-dahan kong inilagay ang hintuturo ko sa tapat ng kanyang ilong dahil parang hindi na siya humihinga. Nang maramdaman kong buhay pa naman ay ipinagpatuloy ko ang paglinis ng dumugo niyang sugat. This is day or maybe week ago, based on my experience. Ilang beses na rin akong nasali sa gulo, ilang beses na akong naaksidente kaya alam ko. Base sa haba ng sugat niya ay sigurado akong kutsilyo 'to, hindi pala gano'n kalalim pero sapat pa rin para dumugo kapag natagtag. Hindi ko maiwasan mapa-isip kung saan niya ito nakuha? Gano'n ba siya kasamang tao para saksakin siya ng kung sino? Saka, bakit ba siya pumasok pa kung may ganito pala siya. Sira rin ulo. Binaba k

