Kabanata 16 — Care

2442 Words
Angela switched her seat. Tahimik itong sumunod sa kaniyang kapatid pero halata na hindi ito noon nagustuhan. Binaba ni Quentin si Clementine sa front seat. Halos hindi makahinga ang dalaga sa nangyari. Seryoso pa rin ang mukha ni Quentin at yumuko ito. Nagulat si Clementine nang walang arte na hinawakan ni Quentin ang kaniyang sapatos at inalis iyon. Pansamantalang nakaramdam ng ginhawa si Clementine doon. “May sugat ka,” puna ni Quentin. “Huwag ka na muna magsuot ng sapatos hanggang makarating sa bahay niyo.” Nag-ingat si Quentin na huwag mahawakan o madumihan ang mga sugat ni Clementine. Marahan niyang binaba ang sapatos sa sahig at sinara ang pintuan. Lumunok si Clementine at para bang nalunok niya ang dila niya. Hindi man lang siya nakapagsalita ng kahit na ano. Pinanood niyang umikot papunta ng driver’s seat si Clementine. “Bakit ka ba naglakad pauwi?” tanong ni Quentin matapos paandarin muli ang kaniyang pick-up. Nag-iwas ng tingin si Clementine. “I don’t want to ride your old pick-up.” simpleng sagot niya. “You can ride the tricycle,” sabi ni Quentin. Umiling si Clementine. The idea disgusted her. She nearly died earlier whenever she thought that she rode one on her way to SLCC. Sumulyap si Quentin sa rear mirror at tumikhim. Clementine realized that Angela’s at the back. She glanced at her and raised her eyebrow. “Who’s that Korics ba? m******s ba ‘yun?” she asked Quentin. Kumunot ang noo ni Quentin sa kaniyang tanong. Angela was listening at them and did not hold back when she asked, “Si Korics, Kuya? Ano bang nangyari?” tanong niya sa kapatid. Sinulyapan ulit siya ni Quentin sa rear-view mirror at tumango. “Sinusundan si Clementine.” sagot niya para sa kapatid at muling binalik ang atensyon kay Clementine, “I also heard some students saying that you said something offensive to Korics.” dagdag pa niya. Ngumuso si Clementine. “I did offend him? Really, iyan ang chismis?” hindi niya makapaniwalang tanong at tumawa na medyo naasar. "Narinig ko rin nga, Kuya. Baka ka kaya sinundan ni Korics kasi binastos mo siya, Senyorita?” tanong ni Angela. It may sound as an innocent question pero tila ba may laman iyon. She creased her forehead and looked at Angela with crossed arms. “Ako ang na-offend. Ako rin ang binastos. He’s super feeling and very creepy. Panay ang titig sa akin at umupo sa harapan ko na walang pahintulot.” paglilinaw niya. She groaned. “Hindi ganiyan ang pagkakakilala ko kay Korics, Senyorita.” pagdidiin pa ni Angela na parang hindi siya naniniwala. Ngumiwi si Clementine at umirap. “So what are you implying, Angela? Hindi ko kailangan ng opinyon mo.” sabi niya na may pasarkastiko. Mainit ang ulo niya sa mga nangyari ngayong araw. Plus, hindi niya makakalimutan na sinigawan siya ni Angela sa klase kanina. “Tama na ‘yan, Angela, Senyorita.” pag-awat ni Quentin. Natahimik si Angela pero halata ang galit sa kaniyang mukha. Nakarating sila sa mansiyon matapos ang labing limang minuto. Pagkahinto ng sasakyan, mabilis na bumaba si Angela at walang imik na umakyat doon. Nagmano lamang ito kay Manang na nag-aabang sa kanila at pumasok na sa mansiyon. Pinanood ni Quentin at Clementine iyon. Hindi maiwasang umirap ni Clementine sa kaniyang pagkairita. Mabilis na umikot si Quentin sa passenger seat at binuksan iyon. Kinuha niya ang sapatos sa sahig ng kotse at iniabot iyon kay Clementine. “Hold it,” aniya at umupo patalikod sa kaniya. “Ano ang ginagawa mo?” tanong ni Clementine. “Sumampa ka sa likuran ko,” utos ni Quentin. Hindi na nagsalita pa si Clementine at hinayaan si Quentin. He offered it anyway. Hindi naman niya inutusan ang lalaki. Besides, her feet is really killing her. Sinalubong sila ni Manang na puno ng pag-aalala. “Ano ang nangyari, Quentin? Bakit mo buhat-buhat si Tine?” tanong ni Manang. Binaba ni Quentin sa marble na sahig si Clementine at nagmano kay Manang. Clementine kissed the old woman’s cheek. “Nagkaroon ng paltos ang mga paa ni Clementine, Manang. Nagsuot ba naman ng ganoong kataas na sapatos at naglakad ng malayo.” sagot ni Quentin sa matanda. Sinulyapan ni Manang ang namumulang paa ni Clementine. “Ganoon ba?” nag-aalalang tanong nito at nilingon ang pinakamalapit na kasambahay doon. “Isay, kumuha ka ng tsinelas para sa Senyorita. Bilisan mo.” Nag-stretching ng katawan si Quentin at tamad na nilingon si Clementine. “Pumasok ka na sa loob at mag-ayos. Lagyan mo ng ointment iyang sugat mo para hindi na sumakit.” bilin niya at nagpaalam na kay Manang na papasok na siya. Naiwanan doon si Manang at si Clementine. Sinuot nito ang tsinelas na binigay ni Isay. Ngumuso siya sa matanda. “Ano ba ang naisipan mo na bata ka at nagsuot ka ng ganiyan? Susmaryosep!” pangaral ni Manang. Nag-make face si Clementine at pinunasan ang ibabaw ng sapatos ng kaniyang palad. “This is Christian Louboutin, Manang. Hindi lang ito basta sapatos. Plus, I really look good when I am wearing this.” “Susmaryosep kang bata ka!” sabi ni Manang at kinurot si Clementine. “Kamusta ang first day mo sa Community College, hija?” Natahimik si Clementine sa tanong na iyon. Kung mayroon man doon na tunay na nag-aalala sa kaniya si Manang iyon. Ayaw niyang mag-alala ito ng husto kung sasabihin niya na posible siyang mapahamak kung hindi dumating si Quentin. Sa totoo, may kaunti pa rin siyang takot kanina. It’s very unusual. The attention that guy gave is very concerning. Bukas na bukas din ay siya na mismo ang magrereport noon sa Disciplinarian Office kung mauulit pa iyon. Naligo siya at nagpalit na ng damit para makapaghapunan na sila. She wore a white large short dress. Tinutuyo niya ang buhok nang maalala si Vance. She smiled. She can consider him as a friend and the only thing that she’s thankful for today. They did not talk much but still there’s something comforting in him. Hindi siya mahihirapang mag-adjust kung magiging magkaibigan sila. She got her lotion bottle and started applying on her arms. Matapos iyon, tumayo siya at nilagay ang kaniyang paa sa kama para maglagay ng lotion sa kaniyang binti. Napalingon siya sa pintuan ng may kumatok. Hinayaan niyang bumukas iyon matapos ang limang katok. Bumungad doon si Quentin. Seryoso itong nakatingin sa kaniya. Hawak nito ang kaniyang cellphone at pinakita sa dalaga. “I called Mrs. Suarez,” panimula niya. Kumunot ang noo ni Clementine. “Who?” tanong niya, ngayon ay naguguluhan. Lumunok si Quentin at nag-iwas ng tingin. “Can you put your legs down? Nakikita ko ang panty mo mula rito.” medyo galit niyang sabi. Nag-init ang pisngi ni Clementine pero confident pa rin na binaba iyon. She’s confident about her body but the way he said that pakiramdam niya ay nakakahiya iyon. She faced Quentin and crossed her arms. “Tumawag na ako kay Ms. Suarez tungkol sa nangyari kanina. She will warn Korics Reyes about this. Pero sa oras na guluhin ka ulit niya, you should tell me so we can do something about it.” aniya. Tumango si Clementine. “Okay,” she sighed. Nanatili silang magkatitigan ni Quentin. He still stood there. Ganoon din siya. Ilang saglit ay tumikhim si Quentin at nag-iwas ng tingin. “Mag-ayos ka na at bumaba. Naghahanda na si Manang ng hapunan.” sabi niya at tumalikod na para saraduhan ang pintuan. Clementine jolted. “Quentin,” she called. Tumigil si Quentin at nilingon siya. “Thank you.” Iyon lang ang sinabi niya at tumalikod na sa binata. Clementine went down for dinner. Kagaya ng dati kumpleto na sil doon. Don Wilfredo is seated. Nilingon siya nito at bumaling kay Manang Luisa. “Let’s eat,” aniya. Parang robot na nagsigalawan ang mga kasambahay. Hinayaan ni Clementine na lagyan siya ng mga ito ng pagkain. “Clementine Serra, how’s your first day in SLCC?” tanong ni Don Wilfredo. Tumahimik ang hapag. Nag-angat ng tingin si Clementine kay Quentin. She coughed and drank her water. Tumaas ang kilay ng Don sa reaksyon ng mga ito. “About that—“ “Everything went smooth, Don Wilfredo.” pagsabat ni Quentin, “She attended all her class and listened.” Angela chewed her food and looked away. Hindi naman in-expect ni Clementine iyon. She thought that Quentin will tell her father about what she did on his class. Quentin looked at her, “Hindi ba, Senyorita Clementine?” he asked, seriously. Lumunok siya at tumango. “Ah! Y-Yes, Dad. I think everything went well on my first day.” she said to support Quentin. Nag-iwas siya ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Don Wilfredo diverted the topic to business. Clementien listened to Quentin’s thoughts on certain issues. Hindi maiwasan ni Clementine na humanga palihim dito. The way he talks, halata mong pinag-isipan at alam niya ang kaniyang sinasabi. Parang talagang alam niya ang pasikot-sikot ng hacienda kahit pa nakapikit ito. She wanted to be like him, too. Bigla siyang na-inspire. If she will be the one to hold the hacienda someday, she wanted to be like Quentin. Calm, experienced and a go-getter. Natapos ang hapunan. Bumalik si Don Wilfredo sa silid para uminom ng kaniyang mga gamot. Si Angela ay tinulungan si Isay. Umalis doon si Clementine para mapag-isa. She went to the porch to light a cigarette she’s hiding. She’s an occasional smoker. She smokes when she’s nervous or confused. She let out a huge smoke when Quentin suddenly went outside. Halos ubuhin siya sa gulat. Kunot noo si Quentin na lumapit sa kaniya at kinuha ang sigarilyo niya. He threw it on the floor and stepped on it. “Ano ba?” galit na tanong ni Clementine. She attempted to light another one but Quentin was fast enough to get it again. Kumuha ulit si Clementin pero ganoon pa rin. Kaya naman ng maubos ang kaha ng sigarilyo ni Clementine hindi na niya napigilan ang batuhin si Quentin ng kaha noon. “Ano bang problema mo?” tanong niya ulit. “Stop smoking. Naninigarilyo ka? Kailan pa?” sunud-sunod na tanong niya. “Ano? Kahit dito health teacher kita?” pag-angal niya. Quentin did not react. Natahimik din si Clementine at tumanaw sa porch. “Bakit hindi mo sinabi kay Daddy ang tunay na nangyari? Why bother save me, Quentin?” tanong niya sa binata. Nilingon siya ni Quentin. “Mas gusto mo ba na sinabi ko na binastos mo ako sa klase ko, Senyorita?” tanong niya pabalik. Ngumuso si Clementine. “I did not like what you did there but I realized you are right. I asked you a question and you gave me an answer.” sabi niya at nagkibit-balikat. Naglakad na ito pero hindi nakuntento si Clementine. Alam niyang may binabalak itong si Quentin. Ano iyon? Sa huling pagkakaalala niya, hindi nangungunsinti si Quentin Blanco ng mga kamalian niya. “I don’t buy it, Quentin.” she said. “I told you something offensive. I said your class will be boring—" “Saan na naman ba patungo itong usapan, Clementine?” tamad na sinabi ni Quentin. “I don’t know you tell me, Professor.” she said with a smirk.. “Stop calling me, that. Wala na tayo sa school.” sabi ni Quentin. Umiling si Clementine at ngumisi. “Why? Because it sounds like you are old?” pang-aasar niyang tanong. “I am not that old. You made me sound like I am too old than you. We are just seven years apart from each other.” sabi ni Quentin. Umungol si Clementine at umirap. “You are gurang na, Professor Blanco.” irap niya. Quentin went to the overlooking part of the porch. The cold wind brushed his hair. The place looked heavenly. Clementine cannot stop staring at the vast field that was being lit by the bright full moon. “I did it because I know you just crave your father’s attention, Clementine.” he suddenly said. Natigil ang pagngisi ni Clementine. “What do you mean?” hindi niya maiwasang itanong. “I want you to have a good relationship with your father. I don’t want you to regret something in the end.” he said. Hindi na nagsalita si Clementine. She sat beside him and looked at the unpolluted sky of San Lucas. Kitang kita doon ang liwanag ng mga bituin. “I am jealous of you,” iyon lang ang lumabas sa bibig ni Clementine. Quentin watched her. She saw her vulnerability at this moment. A part of Clementine she did not want to show people. “You know Don Wilfredo better than I do.” she smiled bitterly. Hindi nagsalita si Quentin. Gusto niyang ilabas ni Clementine ang nararamdaman niya sa ngayon. He knew that her attitude’s rotten because the circumstances made her do it. He knew she’s really insecure when it comes to Don Wilfredo’s treatment. “My mother died when I was young. How could my Daddy send me to US alone? I’m barely a teen back then.” she sobbed. She wiped her tears but her eyes won’t cooperate. Quentin did not dare to speak and Clementine appreciated that. “I just want to be with him all those times kasi natatakot ako na kapag nagtagal ako roon, makalimutan ko si Mommy.” she bit her lower lip. Tumingin siya kay Quentin. She felt something clenching on her heart. Ang bigat bigat noon. “Do you know that I feel alone all this time? Manang was there for me but I really feel empty pa rin. Bakit pakiramdam ko kulang pa rin ako para kay Don Wilfredo kahit na anong achievements ko?” Tumango si Quentin at tumanaw din sa malayo. He’s starting to see through Clementine’s mind. Clementine cried again. “Why does everyone think that I am rotten and spoiled? Na ako ang kontrabida at mali?mHindi nila ako naiintindihan. No one can understand the pain of being me. No one cared for me.” hinanakit ni Clementine. Nilingon ni Quentin si Clementine. He cannot help but to close the space between them. He put his arms around her to comfort her. “You’re wrong, Tine…” he whispered, “I care for you.” Clementine hugged him back. She felt really weak now. Naiisip niya na kung hindi niya yayakapin pabalik si Quentin, her knees would turn to jelly. “You’re like a sister to me and just like Angela, I care for you.” he comforted and patted her head.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD