Kabanata 43 — Impression

2255 Words
Clementine ate in silence. She knew she said that it was okay but that was too soon. Masaya at maraming kuwento si Cressida Decerna tungkol sa pag-aaral niya sa ibang bansa. “Your father must have been proud of you, Cressida?” Don Wilfredo said as a com-pliment. Uminom sa kaniyang juice si Clementine. She never saw her father like this. He was so engaging and interested. Her heart hurt at the moment but she masked it with a fake smile. “Hindi naman, Don Wilfredo.” sabi ni Cressida and looked at Clementine, “I heard Clementine is helping with the organic farm? You must be proud of her.” she asked. Tumango si Don Wilfredo at uminom sa kaniyang juice. He just diverted the talk to another topic. Hindi maiwasan ni Clementine na sumama ang kaniyang loob. “Don Wilfredo,” tawag ni Quentin at tumingin sa kaniyang relo. Lumingon ang lahat sa kaniya. “We have to go. Mahuhuli sa klase nila sina Angela at Clementine kung hindi pa kami aalis ngayon.” ani Quentin at nauna nang tumayo. Walang tingin na ginawa si Quentin at nauna nang lumabas. May pilit na ngiti si Clementine at tumayo na. She kissed his father’s cheek and went out to follow Quentin. He’s already standing at his pickup. Mukhang hinihintay siya. Angela climbed and sat on the back. Ngumiti si Clementine at sumakay na rin sa unahan. Binuhay ni Quentin ang makina ng sasakyan at mabilis na pinaalis iyon doon. Nakita ni Clementine na nasa labas si Cressida at pinapanood ang pickup. Tahimik ang biyahe. Gaya ng dati, una pa ring bumaba si Angela. Clementine removed her seat belts. “I am so sorry for that, Tine. Hindi ko i-ne-expect na pupunta siya sa mansiyon niyo.” he said. Kumunot ang noo niya kay Quentin. “Nakapag-usap na kayo?” tanong niya. Umiling si Quentin at hinawakan ang kamay niya. “Hindi pa. Your father walked on us so I cut it off. Kakausapin ko na lang siya sa oras na umuwi ako.” he answered. Tumango si Clementine. He trusts him too much. “Okay.” aniya at ngumiti sa binata. Ngumiti si Quentin at bumaba na sa sasakyan niya. Pinanood ni Clementine ang binata na umikot para buksan ang pintuan niya. “Ihahatid kita sa room niyo.” aniya at naglahad ng kamay. Clementine accepted his hand and let him walk her to her first class. May ilang mga estudiyante ang ngumiti kay Quentin at may ilan ding nagbubulungan sa kamay nilang magkahawak. But Clementine doesn’t care. Quentin was resigned and he’s her boyfriend. She looked at Frances who’s walking on the hallway. Nakasuot ito ng earphones at nag-iisa. Nakatingin ito sa banda nila. Hindi makapaniwala si Clementine. They said that her parents appealed to the Dean and her suspension was lifted. Napalitan na lang ito ng isang buwang community service. Frances looked away and turned halfway para maiiba ng direksiyon. Lumiko siya pabalik sa isang corridor. Clementine felt a little bit guilty again. “Here you go, Tine.” sabi ni Quentin. Tumigil sila sa pintuan. Tumingin siya kay Quentin at ngumiti. “See you later, okay?” tanong niya sa binata. Tumango si Quentin sa kaniya. Binitiwan nito ang kamay ni Clementine at tinapik ang ibabaw ng kaniyang ulo. Kumaway si Clementine. Pinanood siya ng Quentin na umupo sa likurang bahagi bago ito kumaway at umalis. Clementine cannot focus on class. Lumilipad ang isip niya sa kung ano ang nangyayari sa usapan nina Cressida at Quentin. Natapos ang klase. Sinalubong siya ni Vance sa hallway. Curious at nanghuhuli ang mga tingin nito. “Umuwi si Cressida.” aniya. Tumango si Clementine sa kaniya. “Yup. Nasa mansiyon siya noong breakfast.” sagot niya. Gulat pero agad ding nakabawi si Vance. Sabay silang naglakad papunta sa cafeteria. “Okay ka lang ba?” tanong ni Vance, “Sabi ni Vilhelm mag-uusap sila ni Quentin.” Binuksan ni Clementine ang kaniyang tubig at uminom doon. “Yes. Nag-usap na kami ni Quentin tungkol doon. They will talk for closure, Vance.” sabi niya. Tumango si Vance pero halata ang pag-aalala. “You don’t know, Cress.” iyon lang ang sinabi niya dahil dumating na rin si Korics dala-dala ang isang bola. May game mamaya sina Vance laban sa kabilang school sa Malabrigo. Kaya naman noong after lunch, suspendido ang mga klase para maging suporta sila ng varsity. Everyone headed to the gym after lunch. Pumunta naman si Clementine at Vance roon para magpakita ng kaunting suporta kay Korics. They watched the first half. Noong halftime na, may kaunting intermission na naganap. Hindi nakatakas sa tainga ni Clementine ang bulungan ng dalawang sophomores sa likuran niya. “Umuwi raw si Cressida. For sure mababaliw na naman si Quentin sa kaniya.” sabi noong isa. “Oo, sabi nga ni Clara nakita raw niya kanina sa bayan na kumakain ng lunch. Wala talagang makakatalo kay Cressida ano?” sabi pa noong isa. “Ha? Nag-de-date ba? Eh, hindi ba nililigawan daw ni Quentin ‘yung anak ni Don Wilfredo?” “May usap usapan na tinakot lang daw yun ni Senyorita na ligawan siya kasi patay na patay daw ‘yun kay Quentin. Eh, mayaman kaya nagawang takutin si Quentin.” “Oo! Sabi din ni tatay, tuwing nasa sakahan ‘yun nahahalata nilang maarte saka nandidiri sa kanila.” Humigpit ang hawak ni Clementine sa kaniyang bag. Hindi niya alam kung nag-uusap ba ang mga ito para iparinig sa kaniya o talagang hindi nila alam na nasa harapan siya. “Huwag mo nang pansinin,” bulong ni Vance na mukhang narinig na rin ang mga bulungan. Clementine cannot help but to laugh sarcastically. “Hindi ko tinatakot si Quentin,” aniya at nilingon ang tatlong babae na nag-uusap. Halata ang gulat sa mga ito. Pero dahil nahuli na sila at wala nang magagawa, tumawa ang isa sa mga babaeng sophomore. “Humanda ka. Bumalik na si Cressida. Paniguradong gagapang na naman pabalik si Quentin sa kaniya gaya ng lagi niyang ginagawa.” Tumawa si Clementine. “Ah, ganun? Eh ‘di ikaw na manghuhula.” sabi niya sa babaeng iyon. “Huy, 'wag ka masiyadong ilusyunada! Nililigawa ka pa lang—“ Mas lalong lumakas ang tawa ni Clementine. “Bobang chismosa! Huli ka na sa chismis, boyfriend ko na.” she said sarcastically. May ilang nakatingin na sa banda nila dahil mas lumalakas ang mga boses nila. Hinawakan ni Clementine si Vance at umiling para awatin sila. Laglag ang panga ng tatlong babae. Ang iba halatang nagulat din sa rebelasiyon niya. Alam niyang sikreto dapat iyon pero hindi na niya napigilan. Lalo na at iniisip nilang tinakot lang si Quentin kaya siya nililigawan nito. Clementine grabbed her bag and walked out of the gym. Mabilis siyang pumara ng tricycle. “Sa bayan, manong.” utos niya sa driver. Buong biyahe ay nangangatal siya. Someone saw them at a restaurant. Mabilis siyang bumaba sa hanay ng mga kainan. She’s not paranoid pero may nagtulak sa kaniya para makinig sa kanila. Bigo siya na makita sina Cressida at Quentin doon. She was about to go home nang may isang lugar na alam siyang malaking tiyansa na roon sila mag-uusap. Sumakay siya ng tricycle. Humugot siya ng pera at hindi na kinuha pa ang sukli. Umakyat siya sa burol. Tama siya. Nandoon nga sina Cressida at Quentin sa lugar kung saan sila unang nag-date. They were standing beside each other. Malayo siya kaya hindi niya marinig iyon. She shook his head and went home. ‘Ano ba ang iniisip ko? I trust him.’ she said on her mind. Bumalik siya sa mansiyon para magpahinga. She waked to the garden to think. “Umuwi ka?” tanong ni Quentin. Nilingon niya ang binata na kararating lang. Tipid siyang ngumiti rito. “Yes. May game sa school and we don’t have class kaya naisipan ko na umuwi muna.” aniya. Tumango si Quentin at hinawakan ang kamay niya. They both looked at the blooming flowers. “Nakapag-usap kayo?” tanong niya. Huminga nang malalim si Quentin. “Oo.” aniya at tumingin kay Clementine. “I told her it was over.” Tumango si Clementine. “Ano ang sinabi niya?” tanong ni Clementine. “We’ll just stay friends. I agreed. I don’t have the intention of going back to her.” he said. Clementine fell silent. Cressida and Quentin were too perfect that everyone thinks that they belong together. Ano nga ba si Clementine bago siya pumunta rito sa San Lucas? She’s a spoiled brat, an always drunk party girl who’s very liberated. The only achievement she had was to be featured as a style icon on some magazine. Nothing more. “Hey, okay ka lang ba?” tanong ni Quentin. Clementine nodded and looked at him. “Do you really love me, Quentin?” tanong niya. Namutla si Quentin at hinawakan ang magkabilang balikat nito. “Hey, why are you asking me?” tanong ni Quentin. Umiling si Clementine. “Nothing. I am sorry—“ “I love you, Clementine. I know it’s too early to say it but you’re different. You had this big impression on me that I cannot forget.” Kumunot ang noo ni Clementine. “What do you mean?” tanong niya sa binata. “You are the first girl who actually told me that you disliked me.” he said. “No one told me that before.” “That’s the big impression?” she asked and chuckled a bit. Ngumiti na rin si Quentin at hinalikan siya sa noo. “Kung hindi mo alam, everyone in San Lucas likes me. Even the places I went too. Everyone wanted to get on my good side. You are the only person who did not even fake it. The first time we met you tell me you hate me.” “So, nagustuhan mo ang katarayan ko?” Clementine asked. “Not just like that, I love everything about you.“ he answered. Clementine and Quentin spent the day together. They went swimming on the river. Pagkauwi nila, kumatok si Manang sa kaniyang kuwarto. “Tumawag si Sir Korics. Nag-iimbita may party daw para sa panalo.” sabi ni Manang at binigay ang telepono. Clementine nodded and answered it. “Hello, Korics?” tanong niya. Maingay ang background music. May mga nagtatawanan at nagkakantahan. “Clementine! Pumunta kayo ni Quentin dito sa bahay! May kaunting kasiyahan!” sabi ni Korics. He sounded drunk too. “Uh, titingnan ko. May —“ “Hindi ka na nga pumunta sa birthday party ko. Bumawi ka na lang dito. Para namang hindi tayo friends, niyan!” aniya at pinatay ang tawag. Binalik niya kay Manang ang telepono. “Manang, pupunta po ako sa party ni Korics. I will just ask Quentin to accompany me para makauwi ako ng maaga. Angela’s probably there, too.” Tumango si Manang. “Oh, siya… sige. Ako na ang bahala kay Wilfredo na magsabi. Mag-iingat kayo.” sabi ni Manang. She and Quentin went there. Malaki ang bahay nila Korics. Hindi kasing laki ng mansiyon pero halata na may kaya ang mga ito. Tiningnan ni Clementine ang paligid. The whole school was almost here. Mga lasing na siguro at kanina pa ang good time. Even Vance was drinking and playing cards with some guys. Nagkatinginan sila. Vance nodded at her. Kumaway siya dahil hinila siya ni Quentin sa table n may mga inumin. Kumuha ito ng alak at binigay sa kaniya. “You will let me drink?” tanong niya, nagtataka. "I gotta tell you, I am surprised." Tumango si Quentin. “Kapag kasama mo ako puwede. Saka mga light drinks lang.” sagot nito. Ngumiti si Clementine. Nilagok niya ang alak. Quentin saw some friends there. Umupo sila sa table ng mga ito. Binati nila si Clementine. Napansin ni Clementine na kanina pa siyang sinesenyasan ni Vance. He looked at Quentin who’s busy talking business and tapped his thigh. “Lipat lang ako kina Vance.” sabi niya. Nilingon ni Quentin ang table ng mga ito at tumango. “Do not leave there. Dun kita pupuntahan mamaya.” aniya. Tumango si Clementine at pumunta nasa table. Binati siya ng mga ito. Umupo siya sa tabi ni Vance na agad siyang sinalinan ng alak. They cheered when Korics went to the table. “Congratulations, MVP!” aniya kay Korics. Humalakhak si Korics at umupo na sa tabihan niya. Everyone on the table was laughing because they were already tipsy. Nakangiti lang si Clementine dahil nag-uusap ang nga ito tungkol sa high-school life nila. She was laughing at their experiences. “Tell me, I am drunk….” sabi ni Vance. Nilingon siya ni Clementine. He was looking at the gate. Tiningnan niya ang tinitingnan ni Vance. She saw Cressida Decerna entering the gate with another girl her age. Their eyes scanned the area and stopped at Quentin’s table. Lumapit sila ng kaibigan niya roon at nakipagbeso sa mga lalaking nandoon. Cressida laughed at them. Inisa-isa niya ang mga ito. She stopped to look at Quentin. He was seriously looking at her and drank his liquor. Cressida smiled and still kissed her cheeks before she sat beside him. “Oh, sh*t! I think I am not drunk.” sabi ni Vance. Clementine swallowed and drank the liquor on her cup and watched Quentin’s ta-ble like an eagle. “You are not drunk, Vance.” aniya. “Your cousin is really here.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD