"It was Catris." Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa sinabi ni Kuya Syd. Lumapit ako sa kaniya at pinanood ang video na nakuhanan ng CCTV camera malapit sa restaurant ni Echo kung saan ay muntikan na akong mamatay. Napakurap ako sa nakikita ng mga mata ko. He is right, it was Catris. Tumalon ito mula sa truck at pinanood kung paano ito umandar ng walang driver. At nang masigurong tatama iyon sa akin ay umalis ito agad at hindi na nahagip ng CCTV. Tumaas ang tingin ko sa mga nanood. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa nakikita. Hindi natatanggap ng isip ko ang nakitang ginawa ni Tris. We've been friends for a long time. Bumalik ang tingin ko kay Kuya Syd na blanko ang ekpresyon ng mukha sa nakita. Kuyom din ang kamao nito na halos mabasag ang lamesa. He hated it someone betra

