“Nasaan ako?” Unang tanong na lumbas sa aking bibig nang magising ako at isang hindi pamilyar na lugar ang aking nagisnan. Hindi ko rin masasabing ospital ito dahil iba ang disenyo na para bang nasa loob ako ng isang magarang hotel. Inilibot ko ang aking mata sa kabouan ng kwarto at nagsalubong ang aking kilay nang makita ang aking ina na nakatingin sa labas. Seryoso ang mukha niya at mukhang may malalim na iniisip. "Where are we?" Lumingon siya sa akin napangiti. It was a genuine smile. “We’re in Laguna,” sagot ng ina ko na si Aila. Nakaupo siya sa tabi ng tila isang salaming dingding. Inilapag niya ang kaniyang hawak na baso sa lamesa at tumayo saka naglakad palapit sa akin. Nang sinubukan kong tumayo ay agad akong napangiwi nang maramdaman ang kirot sa aking bandang dibdib. Uman

