15 YEARS AGO
Isang napaka gandang araw ngayon ibang-iba talaga pag probinsya, Hay nako! mamimiss ko talaga yong bundok,sapa,ilog at napaka presko na hangin at malamig na simoy ng hangin sa gabi lalo na ang mga mababait naming kapitbahay at mga kababata ko, Aalis na kasi kami kasi wala na si lola kaya kailangan ko nang umuwi ng Maynila sa bahay ng Papa ko .
"Isla! Andito ka lang palang bata ka! kanina ka pa hinahanap ng Papa mo". Tawag ni Manay Vicky ang magbabantay sa bahay.
"Opo, Papunta na po!". Sagot ko saka tumakbo pabalik sa loob.
Bumungad ka agad sakin ang mukha ni Papa at ni Tita Yena, My Stepmom ngumiti ako at niyakap silang dalawa.
"Ano ready na ba ang Prinsesa ko, pinasok na naming ang gamit mo sa sasakyan mauuna na kong lumabas at may aayusin pa" Ani ni Papa at iniwan kaming dalawa ni Tita Yena, pareho kaming ngumiti at niyakap niya ako.
"Pano ba yan sa amin ka na titira at doon ka na rin mag-aaral". Ani niya at nagsimula na kaming lumabas ng bahay,Niyakap ko sila Manay Vicky bago umalis.
"Excited nga po ako eh". Sagot ko at sumakay na kami ng sasakyan.
Ngumiti si Papa sakin saka umandar ang sasakyan, Tinignan ko ulit ang bahay saka sinara ang bintana. Katabi ko sa back seat si Tita Yena at si Papa naman ang nagmamaneho. kagagaling lang din nila ng Maynila at nandito lang sila para sunduin ako. At sobrang bait ni Tita Yena, kahit hindi na siya pwede magka-anak eh feel na feel ko yong care niya sakin.
Ilang oras din ang byahe dahil sa sobrang traffic. Nauna akong pumasok sa loob ng bahay, Malaki ito at napaka-aliwalas tignan, may tatlong kwarto ito sa taas at isa naman sa baba.
"Nasa taas ang kwarto mo,doon sa huling pinto". Ani ni Tita Yena habang pinapasok ang iba kong gamit.
"Sige po Tita mag-aayos na po ako ng gamit". Sagot ko saka umakyat.
Nasa dulo ang kwarto ko, Malaki ito sa loob, may sariling banyo at maliit na kusina. Nasa taas naman ang kama ko para kasi siyang double-deck kaso yong sa baba non ay study table, white and gray yong combination ng kulay, may mga maliit na cabinet at may sliding door naman, mula doon kita ang garden sa harap ng bahay. Nagsimula na akong mag-ayos nga mga gamit, ilang minutes din bago ko maayos lahat at madilim nasa labas. Maya-maya ay may kumatok sa kwarto ko,tumayo ako para buksan. bumungad sa kin ang mukha ng babaeng ka edad ko lang pero mas matangkad siya sakin ng konti.
"Ah, pinapatawag ka ni Tita, Dinner na daw". Ani niya saka na unang umalis.
Sumunod nalang akong bumaba at andon na sila sa Mesa kaya sinaluhan ko na sila.
"Ito si Ayesha, pamangkin siya ng Tita Yena mo, Magsisimula na ng pasukan kaya dito na muna siya mag-stay". Ngumiti ako sa kanya at ganon din siya.
"Ayesha ito naman ang anak kong si Isla, Dito narin sa mag-aaral at siyaka tulungan nyo ang Tita Yena mo habang wala ako". Patuloy pa ni Papa
Tahimik lang akong kumain at pagkatapos ay ako na rin ang naghugas ng pinggan, Pagkatapos ay umakyat na ako para makapag-pahinga na, Nakita ko si Ayesha na nakatayo sa may hagdan kaya binati ko siya, patay na rin kasi ang mga ilaw.
"Dika pa ba matutulog?". Ani ko
"It's none of youe business". Sagot niya at nilampasan ako
Hindi ko nalang siya pinansin at umakyat na.
KINABUKASAN
Medyo late na akong nagising dahil na rin siguro sa pagod, hindi ko na naabutan si Papa pumasok na ata sa trabaho dahil wala na yong sasakyan, at sa tingin ko tulog pa si Tita Yena at si Ayesha, ako pa lang yong gising.
Pumunta ako sa kusina at naghnap ng maluluto, Itlog at ham ang niluto ko, sinangag ko din yong natirang kanin. Habang nagluluto ako ay may nag doorbell kaya tumakbo ako palabas.
May lalaking nakatayo sa labas ng gate kaya nilapitan ko siya
"Ah ano po kailangan niyo?" Ani ko at ngumiti siya sakin bago sumagot.
"Ah si Ayesha sana pero baka may ginagawa siya,babalik na lang ako". Akmang tatalikod na siya ng pigilan ko.
"Hintayin mo nalang siya, gigising ko nalang halika pumasok ka muna". Ani ko saka binuksan yong gate para makapasok siya.
Pumasok kami sa loob ng bahay at pinaupo ko muna siya at umakyat para gisingin si Ayesha.
Kumatok muna ako pero parang tulog pa siya kaya binuksan ko na ang pinto, Tulog pa nga siya at medyo maliit lang ang kwarto niya kumpara sakin.
"Ayesha may naghahanap sayo sa baba". Dumilat siya at galit na tumingin sakin.
"Binuksan ko na,kanina pa kasi ako kumakatok". Dagdag ko pa.
"Whatever!". Tumayo na siya kaya bumaba na rin ako at binalikan ang niluluto ko.
Naririnig ko silang nag-uusap sa sala, bumaba na rin si Tita at hinanda na namin yong agahan, Tinawag ni Tita si Ayesha at yong bisita niya. Umupo na kami at nagsimula nhg kumain.
"Tita aalis po pala ako, ngayon kasi ako magpapasa ng form para sa Enrollment syaka kasama ko naman si Aiden". Ani ni Ayesha at ngumiti kay Aiden.
"Kung ganon isama niyo na si Isla para makapag pasa na rin siya". Ani ni Tita at nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Ayesha na tumingin sakin.
"Ah tita wag na po, ako nalang po mamaya siyaka may bibilhin din kasi ako kaya dadaan pa ako sa National bookstore". Sagot ko at tumayo na saka umakyat.
Ano bang preblema niya bat parang gali siya sakin eh hindi ko naman siya inaano, bahala na nga. Humiga ako sa higaan at nagbasa ng mga libro, dito ko nalang papalipasin yong oras ko.
Makalipas ang ilang oras ay tumayo na ako at naligo, Ngayon ako mag Eenroll at bibili na rin ako ng mga school supplies. simpleng Jeans at crop top shirt lang suot ko saka bumaba. Nagpaalam muna ako kay Tita bago lumabas ng bahay, Paglabas ay sumakay ako ng tricycle at binigay ko yong address ng school. Pagdating doon ay maraming tao at ang laki ng Campus, binayaran ko yong Manong saka pumasok sa loob.
Hinanap ko kung saan mag fi-fill up ng form pero parang maliligaw ako sa sobrang laki ba ng school na to, Nilibot ko ang paningin ngunit.
"Ayy sorry hindi ko sinasadya". Ani ko habang tinutulangan kong pulutin ang mga gamit na nahulog.
"Nope, Sorry". Napatingin ako sa kanya at ngumiti siya sakin, Matangkad siya at ang bango niya, medyo singkit yong mata niya at medyo magulo naman yong buhok niya. Omg! ang pogi!.
"Ah pasesnya na, hinahanap ko kasi kung saan dito magfifill-up". Ani ko sa kanya
"Cool, sumabay kana sakin papunta din ako doon". Sagot niya saka ngumiti.
"Salamat". Sagot ko at sumunod na sa kanya.
"So, bago ka lang dito?" Tanong niya sakin habang naglalakad kami sa hallway.
"Ah oo". Maikling tugon ko
"And you are?" Tanong niya ulit kaya tumngin ako sa kanya, grabe ang tangkad niya ah hanggang balikat lang ako.
"Ahm tao" Sagot ko.
Tumawa siya at humarap sakin, " I mean , What's your name?". Tanong niya ulit
"Ahh jusko naman, I'm Isla". Maikling tugon ata ngumiti.
"Isla?". Tanong niya ulit habang nagtataka. Hays alam kong weird pakinggan ng pangalan ko.
"Yeah, Isla Lorenzo, and Isla means Island". Sagot ko naman
"Cool, See you around Isla". Ngumiti siya at iniwan nalang ako bigla, diko tuloy nalaman pangalan niya. Nasa tapat na rin pala ako ng Fill up Office.
Pumasok ako at nagfill up ng mga kailangan, hirap talaga mag transfer sa bago school, Last year college na ko sa kursong Arhchitecrure. Isang taong nalang matatapos na ko. Sana naman maging friendly tong school na to sakin.
Pagkatapos ay lumabas na ko ng School at pumunta sa maliit na National bookstore na katabi lang ng School, Pumasok ako sa loob para bilhin yong mga kakailangan ko this Sem.
"Hey, Isla". Nagulat ako ng may tumawag sakin
"Aiden? Diba kasama mo si Ayesha?". Sagot ko habang pareho kaming naghahanap ng libro.
"Ahhh umuwi na siya, may gagawin pa daw siya eh, Ikaw ba?". Ani niya at ngumiti sakin, sa totoo lang gwapo din naman si Aiden, Mahaba lang yong buhok niya at tinali ito sa likod pero bagay sa kanya.
"Ahh ako? Ahhmm bibili lang ng mga gamit for this Sem". Simpleng sagot ko at sabay namin nahawakan ang libro na kukunin ko sana
"Wait, so you want this book too?" Ani niya na parang na aamuse pa.
"You did too?". sabay kaming napangiti at binigkas ang tittle ng libro.
"Kay tagal kitang hinintay!" sabay naming sambit. "Hayden and Isla part 2!" Sabay ulit naming sambit at pareho kaming tumawa kaya pinagtitinginan kami ng mga tao, napaiwas nalang ako ng tingin habang preho pa rin naming hawak yong libro, napabitaw ako.
"Whoops last book na pala to, Ahmm take it", Ani niya at binigay sakin yong book, gusto kong kunin kasi ang tagal ko ng hinintay yong release ng book na yon but.
"No, take it ahh siyaka maghihintay nalang ako ulit". Sagot ko kahit labag sa kalooban ko.
"You sure, thanks then. Una na ko". Ani ko at naiwang dismayado hays!
Pumunta na akong counter para bayaran yong mga pinamili ko, buti nalang binigyan ako ng card ni Papa.
"Ahm miss pinapabigay po ito ni Sir". Nagtaka ako ng iabot niya sakin yong libro, Ito yong libro kanina.
"Sure po ba kayong sakin yan?". Tanong ko pa ulit
"Yes po Mam". Ani ng casher kaya tinanggap ko nalang yong book.
Nagmamadali pa akong lumabas baka sakaling maabutan ko pa siya pero wala na kaya umuwi nalang ako at binasa yong libro.
AUTHOR'S POV:
HI IT'S ME MEORPOUS, THANK YOU FOR READING MY STORY!!! HAVE A GOOD DAY EVERYONE!