Iris POV "Ayos ka lang? Gusto mo ng tubig? O magpahinga ka na lang kaya muna? Doon ka muna sa opisina ko, may private room ako roon." iyan ang sunod sunod na naging tanong sa akin ni Doc. Seb. Nag-aalala siya at bakas na bakas 'yon sa boses niya. "A-Ayos lang ako." naging paos na rin ang boses ko dahil kanina na pa ako iyak nang iyak. Para akong batang nawawala kanina at kumakalma pa lang ako. Si Madam Nazar. . . Tinawagan ng hospital ang cellphone number ko kanina dahil hindi nila makontak ang pamilya ni Madam Nazar. Mukang abala ang mga 'to, o 'di kaya ay walang pakialam. Hindi ko alam. Hindi na alam ang iisipin ko. Natatakot ako. Kasalanan ko kung bakit nasa hospital ngayon si Madam Nazar. Kasalanan ko. . . Inatake si Madam Nazar sa puso habang siya ang ginugulo ng mga naniningil

