Iris POV Stay in employee Employee Isagani's private teacher Paulit ulit ang mga salitang 'yon sa utak ko. Naninikip ang dibdib ko. Mabibigat na ang paghinga ko. May bumabarang kung ano sa lalamunan ko. Nag-iinit ang sulok ng mata ko. Nangangatog ang labi ko kaya naman kinagat ko 'yon upang pigilan ang bugso ng damdamin. "T-nga. . ." sabi ko sa sarili ko bago humugot ng malalim na hininga. "Ang t-nga t-nga mo talaga, Evangeline Iris!" Hindi ko gustong kaawan ang sarili ko pero kasi. . . Hindi ko mapigilan. Itinanggi niya ako. I was expecting him to tell everyone that I am Iris, na nililigawan niya ako, na Ina ako ng anak niya gaya ng laging ginagawa niya. He denied me over and over again. Itanggi niya ako at hinayaan lang na maliitin. Naglalakad ako ngayon sa gilid ng kalsada m

