Iris POV "Kumalma ka, Iris, hindi niya nakita ang muka mo, pwede mo pang itanggi." Iyan ang bilin sa akin ni Madam Nazar. Kagabi, iniwanan ako roon sa pribadong kwarto ni Mr. Andrado. He left me like he's with the half of my life. My identity, my body. Hindi niya na inalis ang masquerade mask ko. . . sinabi niya ang pangalan ko na kahit hindi ako umamin ay sigurado siya. Buong gabi akong wala sa sarili. Hindi rin ako makaiyak at nanatiling nakatingin sa cheque na may pirma na niya. Isang milyon. Iyon lang ang halaga ko. Dati ang mahal ng tingin ko sa sarili ko, na hindi dapat ako mag-suot ng mga cheaps na dress and jewelries. Dapat branded lang. Hindi ko akalain na darating ang panahon na 'to na binigay ko ang katawan ko kapalit ng isang milyon lang. Barya lang iyan noon sa akin eh

