Chapter 57 : Memory

2748 Words

Iris POV That man. The tattoo. . . The baby boy I lost. Ang pamumuhay dala dala lahat ng masakit na nakaraan, sobrang hirap. Naka-move forward na ako. Naka-ahon na ako sa nakakalunod na kalungkutan. Pero hindi ibig sabihin no'n nakalimutan ko na iyon at tuluyang naibaon sa limot. Ginawa ko naman, sinubukan ko pero hindi ko magawa. Laging bumabalik. Lagi akong minumulto ng nakaraan ko. Nabubuhay ako habang dala dala ko ang kaalaman na drinuga ng kinilala kong magulang para lang sa negosyo nila. Ngayon, alam ko ng nagawa nila iyon ng gano'n gano'n lang . . . dahil hindi naman pala nila ako totoong anak. Nabubuhay ako at dala dala ko ang alaala ng batang pinanganak ko anim na taong ng nakalipas pero hindi ko man lang nakita, hindi ko man nahawakan, ni hindi ko rin narinig ang pag-iyak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD