Iris POV Matapos naming mamasyal ay kumain kami sa nadaanan naming lugawan. Pinagkamalan pa kaming newly wed ng mga nakasama naming kumain. At ang nakakatuwa, sinakyan naming pareho 'yon ni Damain at hindi na sila tinama. Paanong hindi kami pagkakamalan, ang lambing lambing ni Damain. Hindi ko sukat akalain na ang mga sweetness na pinapakita niya sa akin sa bahay namin at kapag kaming dalawa lang ay ipapakita niya sa harapan ng mga tao. "See? They can see how I care for you. Siguro nakita rin nila na parang mahal na mahal natin ang isa't isa kaya nila nasabing newly wed tayo." ngiti ngiting bulong ni Damain sa akin. "Talagang gusto mo 'yong ideya na newlyweds tayo?" ngiti ko, balak biruin siya pero ang loko, mukang seneryoso at nakangiti itong tumango tango bilang sagot. Nawala ang

