Iris POV "Mr. Andrado!" sigaw ko. Ngumisi ako nang nilingon niya ako. Tumakbo ako papunta sa kalsada at sinalubong ang truck na papalapit sa akin. Pinikit ko ang mga mata. . . simpling hinihiling na sana prumeno ang driver. Nagkagulo ang mga tao sa paligid na nakakita sa ginawa ko. May sumigaw, may natakot. He left no choice but to hurt myself and gain his empathy or sympathy. Gano'n na lang ang gulat ko nang isang malakas na braso ang humila sa akin paalis sa gitna ng kalsada. Gumulong gulong kami sa gilid ng kalsada. Ilang beses din akong nauntog, ramdam ko rin ang hapdi ng ilang parte ng katawan ko. Pero hindi ko ininda iyon at napangiti nang makita ko kung sino ang sumagip sa akin. "Fvck! Fvck! Nasisiraan ka na ba?!" sigaw ni Mr. Andrado. "Yes. Nasisiraan na talaga ako ng bai

