Iris POV Pagkatapos ng gabing iyon mas naging maganda pa ang naging pakikitungo namin sa isa't isa ni Mr. Andrado. Hindi peke, hindi akto, hindi na labag sa loob. Ang gaan gaan ng bawat araw na lumilipas. Sa sobrang saya ay parang nasa isa akong panaginip at ayaw ko na lang na magising. And I am happy because this is a reality. My reality. Hihintayin ko na lang na sabihin na niya mismo sa akin ang mga katagang 'yon. . . O baka tanongin ko na lang siya upang hindi ako mabuhay lang sa pagiging assumera. Walang level ang relasyon namin. . . sa ngayon. Masaya. Pero nakakaduda ang saya. Baka kasi lahat ng iniisip ko tungkol sa amin ay. . . hindi naman totoo. Assumera lang ang dating ko gano'n. "Nanay, marunong ka po mag-bake ng cupcake?" Napapantastikuhang napalingon ako kay Isagani nan

