Iris POV "Gusto ng maraming apo ngayon din pero ang makita ko ng harap harapan kung paano niyo ito ginagawa? Na ah. It is not really my thing to watch a live pornography." sabi ng boses ng isang babae at halata na hirap ito sa pagsasalita ng salitang Filipino. Parang napapaso na humiwalay kaagad ako kay Damian at napatingin sa taong nagsalita. Nasa tapat ito ng pinto na mukang kakapasok niya lang at nadatnan ang ginagawa namin ng lalaki. Pinagmasdan ko ang babae. Nasa edad 40’s or 50’s na ito pero hindi nawawala ang ka-elegantihan nito. Nakataas ang noo, maayos na nakatayo. Maganda ang damit nito at maganda pa rin ito kahit na may edad na. "Hey, Mom!" sabi ni Damain sa babae na parang walang nangyari. "Bakit kayo narito? At bakit ang aga niyo?" Bahagyang lumaki ang mata ko dahil sa na

