Iris POV Ramdam ko na ang pagiging ilag sa akin ni Damain. Hindi naman siya umiiwas o ano, sadyang. . . may nagbago simula nang araw na 'yon. Maaga na uli siyang pumapasok sa trabaho, minsan na lang siya nakikisabay sa aming kumain. Tapos sobrang late niyang umuuwi to the point na nakakatulugan ko ang paghihintay ko sa kaniya. Baka busy lang sa trabaho? Kasi dalawang araw din kami sa Cebu, siguro ako marami siyang naiwanan na trabaho. Natatawa ako. Kung ano ano na lang kasi ang palusot ko sa isip ko na malabong iyon maging dahilan kung bakit gano'n siya. G-ga ka, Iris, weekend kayo pumunta ng Cebu, hindi nagta-trabaho si Damain ng ganiyang araw. At sinabi niya na trinabaho na ng secretary niya ang naiwanan niya. Pero mas pinili kong maging positibo. Napangiti ako nang marinig ko an

