Day 21

984 Words
5:03 AM Merry Arisa: Ngayon pa lang kami matutulog Goodnight to me, good morning to you Seen, 5:30 AM 5:31 AM Alexis Ran:  Morning. Seen, 8:00 AM 8:03 AM Merry Arisa:   Jeskelerd 'tong si Shade! Ang aga manggising   Buti na lang nagluto siya ng almusal dahil kung hindi beastmode ako sa kanya! Anyway, alam mo ba gusto kong nagpupunta sa beach pero hindi ako lumalangoy ng matagal. Gusto ko sa buhanginan lang o minsan, paa ko lang nababasa. Weird ba? Ahehehe! Tapos gustong-gusto kong nakakakita ng sunset. Gusto ko 'yong paglalaro ng iba't ibang kulay sa kalangitan. Naalala ko 'yong palabas dati, Hirayamanawari yata? Basta 'yung kwento kung bakit may purple sa langit kapag sunset o papagabi na. Since then, fascinated na ako sa sunset. Teka, tama ba pagkakaalala ko? Ahahahaha paborito ko kasi dati eh Math-tinik. Hindi mo naitatanong, favorite ko ang math Anyway, sardinas almusal namin! Nomnomnom. May kwento ako sa sardinas. Ahahaha may utang din ako nun kay papa. Eh si mama di marunong magluto ng sardinas. So sabi ko kay papa, magluto siya para almusal. Aba! Ayaw magluto. Magbayad daw muna ako ng utang bago siya magluto. Ayon. Itlog almusal ko Nakakapagod magkwento tapos walang response. Nasaan ka baaa? Ay may work ka pala. Knock knock. Who's there? Merry. Merry who? Hey baby, I think I wanna Merry you~ Kapag may nag-knock knock sakin ng ganyan, pakasalan ko agad! Joke! Ahahahahaa 10:30 AM Merry Arisa:   AHAHAHAHAHAHHAAHAH Naiwanan ko mga undies ko sa bahay juskoh ahahahahahahaahahaahhaah Seen, 10:33 AM Alexis Ran:  WTF Merry Arisa! I don't need to know that! Merry Arisa:   Ahahahahhaahha Ang funny kasi! Ahahahahahaha kaya wash and wear ako. Juskoh. Bukas pa kasi kami uuwi. Buti na lang din may extra dito, 'yung naiwan ko last year nung nag-bakasyon kami rito. Pero AHAHAHAHAAHAHAH ang dami kong maiiwanan bakit undies pa Alexis Ran:  Ewan ko sayo. Walang preno bibig mo! Merry Arisa:   Ahahahhhahahaa Ikaw ba mahilig ka sa beach? Alexis Ran:  Sakto lang. Merry Arisa:   Mukha kang maputi sa picture. Sayang kapag nag-beach ka. Anong hilig mo? Alexis Ran:  Matulog at kumain. Merry Arisa:   What?! Ahahahahahah sabi ko na soul sister kita eh! Alexis Ran:  Bwisit ka talaga. Dyan ka na nga. Merry Arisa:   Ahahahahahhaah pikon much? Alexis Ran:  Busy ako. Merry Arisa:   Hmp! Geh. Laters baby boy Seen, 10:55 AM 2:04 PM Merry Arisa:   Favorite food? Seen, 3:34 PM 3:35 PM Alexis Ran:  Sinigang na baka. Merry Arisa:   Sarap nga niyan! Di mo naitatanong, hindi ako marunong magluto Alexis Ran:  Halata naman. Merry Arisa:   Leche! Ahahahahah So ayun nga. Pero papa at tita ko ang sarap magluto. Lalo na ng sinigang na baka. Saka kare-kare. Favorite ko kasi kare-kare eh Mahilig ka sa sweets? Chocolate ganun. Alexis Ran:  Yeah. Merry Arisa:   AS IN?! Alexis Ran: Oo nga. Merry Arisa:   Hindi halata!!! Bakit parang wala kang sweetness sa buto?! Alexis Ran:  Bwisit ka talaga. Sarap mong kutusan. Merry Arisa:   Talent ko 'yan Ahahahahaha Mahilig uminom ng alak? Alexis Ran:  I drink sometimes. Merry Arisa:   Naninigarilyo? Alexis Ran:  Nope. Merry Arisa:   Favorite sports? Alexis Ran:  Tennis. What's with the questions? Merry Arisa:   Wala lang. Kasi mag-1 month na tayong nagcha-chat tapos hindi ko pa alam mga favorite mo aside sa favorite mo akong i-chat Alexis Ran:  Huh. Asa. Merry Arisa:   What is love? Alexis Ran:  Wtf. Ano to, slumbook? Merry Arisa:   Ahahahahahahah medyo. Joke! Sige, who is your crush? Alexis Ran:  I'm too old for that s**t. Merry Arisa:   Too old?! Juskoh 40 years old ka na ba?! Grabe! Matanda na pala ka-chat ko huhuhu Alexis Ran:  Bwisit ka! Merry Arisa:   Ahahahahahah Ilang taon ka na nga? Alexis Ran:  24. Merry Arisa:   Hindi halata. Parang 40 na talaga eh. Ahahahahhaahhaha Alexis Ran:  Bwisit ka talaga. Work na. Merry Arisa:   Ahahahahah Oo na. Seen, 4:05 PM 9:34 PM Merry Arisa:   Nakailang girlfriend ka na? Alexis Ran:  Still not finished with your twenty questions? Merry Arisa:   Nope. Alexis Ran:  5. Merry Arisa:   Minahal mo? Alexis Ran:  Why? Merry Arisa:   Anong why? Alexis Ran:  Why does it matter if I loved them or not? Merry Arisa:   Wala lang. Nagtatanong lang. Curious. Kung bakit may limang babae kang naloko. Ahahahahahhaaha Alexis Ran:  Bwisit ka. Sumasakit ulo ko sayo. Merry Arisa:   Ahahahaha inom kang biogesic. Safe kahit walang laman ang sikmura. Pero kumain ka pa rin ng dinner. Wait. Punta ulit kami sa labas. Laters baby boy Seen, 10:03 PM 10:45 PM Merry Arisa:   Ano nga? Minahal mo? Kwento ka naman! Boring dito. Ayoko ng pinapanood namin ni Shade eh. Alexis Ran:  Yeah. Merry Arisa:   Hmm? Alexis Ran: Minahal ko sa paraang alam ko. Merry Arisa:   Naks ang deep! Kwento mo si first gf. Alexis Ran:  Second year college. She asked me out so I said, "Why the hell not?" She became too clingy and possessive so I broke up with her. Merry Arisa:   Nasaan ang love dyan? Alexis Ran:  I didn't say I loved them all. Magkukwento ba o hindi? Merry Arisa:   Sabi ko nga. Shut up na ako ulit Second gf na! Alexis Ran:  Can't remember how it started. Magkaiba kami ng view and the gap became too wide to patch so we decided to end things between us. Merry Arisa:   Uhh parang walang love pa rin? Sorry! Comment lang. You know, parang sa panonood. Di mapigilang di mag-comment. Continue. 3rd na. Alexis Ran:  Nawalan ng time dahil graduating. 4th. Nawalan ako ng time dahil sa work. 5th. Mas pinili niya 'yong trabaho niya. Seen, 11:02 PM Alexis Ran:  What?! Natahimik ka? Merry Arisa:   Ay. Tapos na?! Yun na? Walang bad memories? Bad break-ups? Hindi man lang kita iko-comfort like, "Okay lang yan, Exis. Hindi siya deserving." Walang kwenta Alexis Ran: Hahaha. Weirdo. Merry Arisa:   'Yung panlima ba? Alexis Ran:  What? Merry Arisa:   'Yung minahal mo. Seen, 11:12 PM Alexis Ran:  Yeah. I'm tired. Goodnight. Merry Arisa:   Thanks for sharing, Exis Goodnight Dream of me para maganda gising mo. Ahahahaha Alexis Ran: :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD