Hindi ako makapaniwalang gano'n gano'n lang naming natapos 'yong mga natitirang activities na sasagutan ko. Kanina, kung walang reference book, hindi kami makakasagot ni kuya Jarvis. Tinignan ko si Sir Van habang ineexit 'yong Youtube video na pinanuod naming. Isa sa dahilan kung bakit napadali kami ay 'yong mga basic tutorial videos na pinanuod niya sa'kin. Pati na rin 'yong 'kaunting' knowledge niya raw sa Japanese.
"Sir, paano kayo natuto ng Japanese? Inaral niyo?" pagtatanong ko rito nagliligpit na rin ako ng gamit ko.
"You can say so."
"Bakit kayo naging interesado sa Japanese language?" inabot sa'kin nito ang hawak niyang extrang lapis ko. "Thank you."
"I enjoy watching anime series and movies." Gulat akong napatingin dito.
"Anime? Nanunuod ka ng anime?" hindi makapaniwalang tanong ko rito. "Pareho kayo ni kuya Trav! Mahilig din manuod 'yon ng anime. Iyong Naruto, One Piece, Detective Conan, mga gano'n."
Nakatitig lang ito sa'kin habang sinasabi ko ang mga iyon. Bigla kong nakagat ang labi ko nang mapagtanto kong baka may nabanggit akong kinailang nito. Lalo na't binanggit ko ang pangalan ni kuya Trav. Umiwas ako ng tingin at tsaka mabilis na inilagay sa loob ng bag ko ang mga gamit ko. Inilagay ko rin sa plastic envelope 'yong mga activities na sinagutan namin.
"It's a bad manner but..." dahan dahan kong tinignan si Sir Van. "...I overheard what your brother's conversation."
Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong sabihin. Inantay ko lang ang mga susunod niyang sasabihin.
"I guess you already have an idea why we're no longer friends."
"Hindi na kayo magkaibgan?" tinitigan ako nito. "Tinapos niyo na ba talaga ang pagkakaibigan niyo? Kasi parang hindi naman."
"What do you mean?"
"Wala akong idea sa kung ano'ng tumatakbo sa isip niyo, sa isip ni kuya," naihawak ko ang kamay ko sa likod ng tenga ko dahil sa pag-aalangan. Hindi ko kasi sigurado kung masasabi ko ba ng maayos ang gusto kong sabihin, o kung maiintindihan ba niya ang gusto kong iparating.
"'Yong fact na hanggang ngayon, hindi ka pa rin napapatawad ni kuya tingin ko hindi dahil sa nawalan siya ng girlfriend. Tingin ko dahil 'yon sa nawalan siya ng kaibigan. Never kong nakita ang mga bumibisitang kaibigan ni kuya, pero alam kong pumunta sila at alam kong may kaibigan siya. Pero never kong nalaman na may girlfriend siya. Alam niyo 'yon, si kuya 'yong taong masikreto pero never niyang tinatago 'yong mga importante sa kanya."
Hindi ito umiimik, tahimik lang itong nakatingin sa'kin. Para bang napakalalim ng iniisip nito, para bang hindi ako ang nakikita nito.
"Sir? Simula nang mangyari 'yon nakapag-usap na ba kayo nang maayos?" dahan dahan itong umiling sa'kin. "Bakit po?"
"Why?" isang mahabang katahimikan ang nangyari bago ito nagpatuloy. "I was too scared. I took something really important to him, and I even hurt him. Will he even want to see me? So, I just ran away. I avoided him. And never tried to reach out."
"Ngayon, Sir? Takot pa rin ba kayo?" napansin ko ang biglang paghigpit ng hawak nito sa cellphone niya.
"It's fine to leave you now, right?" tumango ako rito. Ipinatong nito ang libre niyang kamay sa ibabaw ng ulo ko. Tinitigan ako nito sa mga mata at para bang naging 'warm' ang pakiramdam ko. Wala itong sinabi, nakahawak lang ito sa'kin habang nakatingin sa'kin nang malumanay. "One second, you were weak. Another second, you're acting like an adult. You never fail to amaze me."
Tipid na ngiti ang ibinigay ko rito. "Medyo late na po ito pero thank you sa pagdala sa'kin noon sa clinic."
"It was nothing. You're my friends sibling afterall."
"Friends...plural. Meaning more than one." Makahulugan akong ngumiti rito. Ginulo nito ang buhok ko kaya natakpan ang paningin ko pero hindi nakalagpas sa'kin ang isang ngiting lumabas sa mga labi niya.
"I'll go now," tumayo na ito mula sa pagkakaupo niya. Sinundan ko siya ng tingin.
"Hindi ka naman uuwi 'di ba?"
Pinanliitan ako nito ng mga mata, "Tita will hunt me down if I do that." Hindi ko napigilan ang tawa ko sa sinabi. "Also, I'm done running away." Napahinto ako sa pagtawa at ngumiti sa sinabi nito.
Pagkatapos noon ay lumabas na ito ng kwarto ko. Nakatitig ako sa nakasarang pintuan.
"I'm done running away." Pag-uulit ko sa huling sinabi nito bago lumabas. "Me too."
Kinabukasan, hindi ko na naabutan pa sa bahay si Sir Van. Tinanghali na rin kasi ko ng gising, halos 10 AM na no'ng bumangon ako. Ewan ko ba kung bakit ang sarap ng tulog ko kahapon. Nag-iinat ako habang papunta sa may sala.
"Lana," nilingon ko ang tumawag sa'kin mula sa likuran ko.
"Kuya."
"Nasagutan mo ba 'yong mga natitira mong activities?" pagtatanong ni kuya Jar na inakbayan ako nang makalapit sa'kin.
Tumango ako rito, "Natapos ko na, tinulungan ako ni Sir Van."
"Ni Van?" bahagya itong natawa. "Hindi na ko nagugulat. Mahilig sa anime 'yon kaya sigurado nagkaintindihan kayo."
Napakunot noo ito nang matingin sa'kin. Hindi ko tuloy naiwasang magtanong. "Bakit?"
"Parang hindi ka nagulat na mahilig siya sa anime?"
"Nagulat na ko kagabi 'e," pagkasabi ko no'n ay kumawala na ko sa kapit niya bago pa man din niya ko matanong ulit.
Habang kumukuha ng pagkain, napansin kong wala ang mga magulang namin. Hindi ko pa rin nakikita si kuya Trav. "Kuya?"
"Hm?"
"Nasaan sila nanay? Tsaka tulog pa ba si kuya Trav?" pagtatanong ko rito habang dala dala ang pagkain ko papunta sa may kainan.
"Sila nanay, nag-grocery. Si Trav, kanina pa nagising, nakaalis na nga 'e." sagot nito habang abala sa panunuod mula sa sala.
"May pasok ba si kuya Trav? Hindi ba holiday ngayon?" taking tanong ko rito habang nagsisimula na kong kumain.
"Wala siyang pasok pero may lakad siya."
"Si Sir Van? Kanina pa nakaalis?"
"Lana," natigilan ako sa pagkain at napatingin kay kuya. "Okay na 'yong dalawa."
Natigilan ako sa sinabi nito, "'Yong dalawa? Sila kuya Trav at Sir?" nanlalaking mga matang tanong ko rito.
Nginitian ako nito bago tumango. Isang malaking ngiti ang kumawala sa mga labi ko. "Happy?"
"Oo!" isang matinding tango ang isinagot ko rito.
Wow! Ang bilis ng mga pangyayari at sa totoo lang gusto kong malaman 'yong buong kwento kung paano pero hindi na 'yon mahalaga ngayon. Ang mahalaga, nagkaayos na sila. Ni hindi ko nga alam kung gaano na sila katagal na hindi nag-uusap at magkagalit.
"By the way," napatingin ulit ako kay kuya nang magsalita ito. "Magkasama sila ngayon, may fun ride sila."
Napakunot noo ako sa sinabi nito, "Ano'ng fun ride?" taking tanong ko rito.
Isang hindi maipaliwanag na ngiti ang ibinigay nito sa'kin. Hindi ko alam kung bakit ako kinilabutan sa ngiting niyang 'yon. "Kuya, ang creepy mo ha." Hindi ko naiwasang sabihin na ikinatawa lang nito nang malakas.
"Joke lang," sabi nito nang matigil sa pagtawa. "May joyride sila ngayon, parang katulad lang noon."
Napatango tango ako sa sinabi nito. Joyride. Parang ang saya naman no'n.
Wednesday
Napainat ako nang lumabas na si Orlando. Sa wakas! Natapos din ang klase niya! Kapag klase niya talaga parang napakabagal ng oras. Idinukdok ko ang ulo ko sa may bag. Unang subject pa lang parang low na agad ang energy ko.
"Kaya pa?" tinapik ni Anne ang likod ko. Isang malakas at malalim na buntong hininga naman ang isinagot ko rito.
"Maalala ko, Lhia," nabaling ang tingin ko kay Jade. "Nandya'n ba ulit kuya?"
"Bakit mo natanong?" tuloy tuloy pa rin ang paghatid sundo sa'kin ng mga kapatid ko. Hindi nga lang katulad no'ng nakaraang Wednesday na inantay talaga ni kuya Jar na matapos ang klase ko, ngayon inihatid lang niya ko at ibinaba sa may gate.
"Wala lang," iniangat ko ang ulo ko at sinalo ang baba ko gamit ang isang kamay ko.
"Interesado ka ba sa kapatid ko?" gulat itong napatingin sa'kin.
"Hoy! Grabe ka! Masyado kang malisyosa!" natawa ako sa pag-depensa nito sa sarili.
"Naisip ko lang, buti nagawa mong tapusin lahat ng activities na pinagawa sa'yo?" napatango ako sa sinabi ni Shei.
"Tinulungan naman ako ng kapatid ko tsaka ni Si—" napatigil ako sa pagsasalita at biglang naalalang nasa classroom pa nga pala kami. Napalingon muna ako sa paligid bago umusad papalapit sa kanila at nagsalita, "Tsaka ni Sir Van." Mahinang pagdugtong ko sa una kong sinabi.
"Ni Sir—"
"Shh!" agad akong sinenyasang tumahimik si Shei. "Oo, siya."
"Paano kayo nagturuan?" nagtatakang tanong ni Anne. Napaiwas ako ng tingin dito. Sasabihin ko bang kilala ng buong pamilya ko si Sir Van, na inimbitahan siya sa bahay para kumain at matulog? Parang ayoko yata. Bukod sa mahabang paliwanagan, medyo kumplikado. Wala rin akong matandaang nabanggit kong ex ng kapatid ko 'yong ex ni Sir.
"Paano nga kaya?" patanong na sagot ko rito. Siniko ako ni Anne sa sagot ko pero tinawanan ko lang siya. Pagkatapos noon, nag-ayos lang kami ng mga gamit bago lumabas para kumain.
Habang papalabas kami ng university, nagulat ako nang sumulpot bigla sa harap namin si Sir Van. "Iya."
Napakunot noo ako sa tawag nito sa'kin. "Iya na ulit? Noong nakaraan Lana tawag mo sa'kin." Hindi naman ako makapaniwala ng bigla akong inirapan nito. "Bakit ka nang-iirap?" parang batang tanong ko rito.
"Here," hindi nito pinansin ang tanong ko at inabot sa'kin ang isang short brown envelope. Nagtataka man, kinuha ko ito mula sa kamay niya. "That might help with your studies." Pagkasabi noon ay agad itong naglakad papalayo. Kung ano'ng bilis nang pagsulpot, siya bilis din nang pag-alis nito.
"Ano ba 'yan?" ipinatong ni Jade ang baba niya sa balikat ko.
"Hindi ko rin alam," sagot ko rito habang inilalabas ang laman nito. Natigilan naman ako nang makita ko ang laman nito. "Let's Learn Japanese? Japanese vocabulary?" nagulat pa ko nang may dumausdos palabas mula sa envelope. Buti na lang nasalo ni Anne at hindi tuluyang nahulog. Inabot sa'kin ito ni Anne, isang CD.
"Ano ba 'to?" tanong ko sa sarili ko.
"Oo nga, ano ba 'yan? Nangangamoy special treatment ah." Iginalaw ko pataas ang balikat ko kaya napalayo sa'kin si Jade.
"Special treatment ka dya'n." Ibinalik ko sa loob ng envelope lahat ng laman nito.
"Huu. May hindi ka talaga sinasabi sa'min." Nagkunwari akong hindi narinig ang sinabi nito.
Tinignan ko si Anne at Shei, "Kain na tayo?" pag-aya ko at nagsimula nang maglakad.
"Ganyan tayo, Lhia 'e." Paghihimutok ni Jade na tinawanan ko lang. Bahala nga siya dya'n, kung anu ano ang iniisip.