Umalingawngaw ang taguktok ng pares ng takong ni Avi habang binabagtas ang kahabaan ng daan patungo sa kaniyang opisina. Tunog pa lang ng lakad ay batid na ng mahigit limang daan na empleyado ng kilala at tanyag na construction and furniture company ng mga Eliandrez ang kaniyang presensiya, kung kaya’t dagli silang nagsitigil sa mga ginagawa at nagsiyukod para bumati.
“Good morning, Ms. Eliandrez,” bati ng isang babae na bago pa lang.
Napatigil si Avi sa paglalakad at marahang ibinaling ang tingin sa bumati.
“Hi po Mam, ako po si Jamie. Bago po ako sa department of research and planning development,” dagdag pa nito.
Bagamat maayos naman ang lahat, mababakas sa mukha ng karamihan na may mali. Kita sa mga mukha nila ang takot at pagkabahala sa pagbati ng bagong employee.
“AARON!” marahan pero madiin ang pagkakasabi ni Avi.
May lalaking nagmamadaling lumapit na kitang-kita ang takot sa mukha. Umaga pa lang ay mukha na itong iiyak. Malalalim at maiitim na eyebags ang mapapansin dito sa Aaron.
“Ms. Averia?” tugon nito, parang iiyak na ito.
“Binabayaran kita para ayusin ang trabaho mo, nalilimutan mo ba?” wika ni Averia.
“Yes Miss. Mali po ako. Napagod po ako kaya po nawala ko sa isip,”
“Sige! Dahil simula pa lang naman, ayaw kong mangyayari ulit ito bukas!” mas madiin ang wika ni Avi saka bumaling kay Jamie. “Ikaw? I do not want to be called by my surname. I built my empire, my credibility by my name. Bear that in mind!”
Napatulala na lang itong si Jamie habang tumatango at nagpatuloy na sa paglakad si Avi.
Nang makarating sa opisina ay agad na naghanda para sa isang meeting.
Pumasok siya sa adjacent glass room ng kaniyang opisina at agad na sumalubong ang tatlong kalalakihan.
Pagtapos na makipag-kamay sa tatlong lalaki bilang pakikipagkilala, nagsiupo na sila.
“Ms. Averia, we received the progress report yesterday, and we personally came to ask you for a favor though we have already discussed this with your Elders. We understand the risk, but we need you to expedite the construction of the hospital annex. We do not doubt your capability, Engineer, so please, do it. Make it happen, your family expects you to,” walang paligoy-ligoy na saa dng usa sa mga lalaki.
“Mr. Severino, I know you badly wanted to finish this project for your politics and all but I cannot…”
Napasinghap ng mahina si Avi nang maramdaman ang pagkapit ng isang kamay sa kaniyang hita.
Mabilis siyang napalingon sa katabi at imbes na bumitaw ang lalaki sa pagkakahawak ay ngumiti lang ito at hinaplos-haplos ang kaniyang hita.
Nagpakawala si Avi ng malalim na buntong-hininga at hinayaan na lang ang kamay ng lalaki.
“As I was saying, I cannot compromise my company to your demands, sir. Construction takes time to ensure its safety.” Nagtitimping saad ni Avi, pinipigilan ang sarili nang maramdamang pumasok na ang kamay ng lalaki sa kaniyang palda. “If you are worried about your poll standing, I suggest you hold more free medical missions.”
“You are not serious about that, right?”
“I am serious. Look, it’s called contingency. While I do your annex, you distract the people, making them like you more before the annex is done. And besides, the money you will lose will probably be reimbursed tenfold when you are elected. Right? So, let’s not complicate things, ok? I’ll see you soon Mayor!” usal ni Avi at mabilis na tumayo dahilan para maalis ang kamay ng katabing lalaki sa kaniyang hita.
Nakipagkamay na siya at mabilis na umalis sa conference room saka nagmamadaling naglakad pabalik sa kaniyang opisina.
“Hey!” habol ng lalaking pilyo sa conference room kay Avi.
Imbes na lumingon ay mabilis na naglakad si Avi papunta sa mga pinto ng kaniyang opisina at pinanlock ang mga ito. Pinindot rin niya ang switch ng bintana para mag-dim ito nang mabigyan sila ng privacy. Alam niyang alaga na siyang gawing usap-usapan ng karamihan sa mga empleyado, nag-iintay ng mga pwedeng ipangsira sa kaniya.
“What was that a while ago, CRIM?” sigaw ni Avi saka sinampal si Crim.
“What the? Anong kinagagalit mo?”
“You know how much I hate touch! I hate being touched!” duro ni Avi kay Crim. “And really? In a meeting? Crim, kung wala kang magawa sa buhay, pwes, please lang, bumuntot ka na lang sa tatay mo sa pangangampanya! Baka malay mo, ikapanalo pa niya!”
“Wow! Talaga? Ilang taon na tayo, Avi! Kulang na lang kasal tapos kahit hipo ayaw mo? I just want you to feel how much I missed you!”
“Tayo? Meron bang tayo? I never said that I want you? Buti pa nga sana na di kana umuwi,” bubulong-bulong na ungot ni Avi.
“Ano?”
“Wala. Sige na umalis ka na!” Wika ni Avi saka umupo sa swivel chair at naghanda nang magtrabaho.
“You are the most heartless person I knew! Sinayang mo ako, Avi! Tandaan mo yan!” Sumbat ni Crim.
Tumingin si Avi nang nakakatakot at nagkumahog na paalis si Crim.
Paglabas na paglabas ni Crim ay nagmamadaling pumasok ang assistant ni Avi, “Hi Miss. Eto po ang schedules niyo. Hindi raw po kayo pwedeng mawala sa fitting mamaya, mahigpit pong pinag-uutos ng mga lola niyo.”
“Sige, salamat!” Usal ni Avi at imwinestra na lumabas ito.
Paglabas ay kinuha ni Avi ang tubes para ilatag ang mga blueprints sa table. Saktong hinihigit pa lang mula sa tube ang blueprint ay tumunog ang kaniyang cellphone.
Nang tingnan ay dalawang notifications ang nakalagay sa screen.
Napaupo si Avi sa dismaya nang makitang rejected na naman ang novel na pinasa niya sa isang publishing house at ang isa ay ang schedule ng paglabas ng result ng kaniyang check-up.
Agad siyang nawalan ng gana at nagpaikot-ikot na siya sa upuan dahil parang wala nang patutunguhan ang buhay na gusto niya.
Pero naalintana ang kaniyang pagdaramdam nang biglang may pumasok na babae, humahangos at bakas sa mukha nito ang pagkatakot.
“Mam!”
“Ano?!”
“May problema po sa site~”
Mabilis pa sa segundo ang pagtayo ni Avi mula sa pagkakaupo at agarang sumugod sa construction site ng hospital annex.
Pagkarating roon ay may ambulansiya nang naka-antabay sa pagbaba ng isang trabahador na nahulog raw.
“Engineer, pasensiya na po. Nalingatan!” salubong sa kaniya ng foreman.
“Ano bang nangyari?” tanong ni Avi habang naglalakad palapit sa ambulansiya.
“Nagkaproblema po kasi sa paglalagay ng stirrups. Namali ho ng splicing nong column kaya bumigay ho yong bakal na pinagtatapakan,”
Natahimik si Avi at tinitigan ng mga masama ang foreman, “Namali sa splicing? Namali sa splicing! Talaga? Gusto mo bang sirain ko rin ang buhay mo? Umalis ka!”
Kinuha ni Avi ang cellphone at tinawagan ang isa pa niyang Engr. bagamat gusto niyang personal na asikasuhin ang nangyari, mas mahalagang makarating siya sa fitting ng dresses ng kaniyang pinsan na ikakasal kung hindi ay pahihirapan na naman siya ng kaniyang mga lola.
Nang maisakay na ang pasiyente ay sumunod sa Avi lulan ng kaniyang sasakyan papunta sa ospital.
Inasikaso niya ang lahat, buti na lang talaga at di ganoon kalala ang tinamong injury noong trabahador.
“Manong, pasensiya na ho,” pakiusap ni Avi sa lalaking trabahador.
“Pasensiya na rin ho, Mam! Nagkamali kami,”
“Pahinga po kayo. Ok na po lahat. Uutusan ko na lang ho assistant ko para ipag-grocery ang pamilya niyo nang sapat sa tatlong buwan hanggan maging ayos na ho kayo.”
“Hala Mam! Grabe po yong tatlong buwan, eh mabilis lang ho gumaling itong paa ko,”
“Ayaw niyo ho ba?” agad na nagbago ang tono ng boses ni Avi.
“Salamat po, Mam.” Ngisi ng trabahador.
“Ok, sige ho, Manong. Tinawagan ko na ho pamilya niyo. Intayin niyo na lang at ako ay may lalakaran pa po,” paalam ni Avi.
Paglabas sa pintuan ni Avi ay agad siyang natigilan, na tila ba saglit na tumigil ang oras nang tumama ang kaniyang paningin sa isang doctor na lalaking aligaga sa pagtulak ng Fowler’s bed.
"SHT!" singhap ni Avi. Lahat ng alaala noong gabi ay nag-flashback kay Avi. Hinabol niya ng tingin ang lalaki habang lumulunok ng laway sa sensasyon na nagpipintig sa pagitan ng kaniyang mga hita.