Pitong itim na magagarang sasakyan ang sunod-sunod na lumabas mula sa kadadaong palang na pampasaherong barko mula sa maliit na probinsiya ng Marinduque. “Pasensya na po, pasensya na po.“ Hiyang-hiyang sambit ni Avi sa mga taong nakapila na para bumaba, habang isa-isang nagsisilabasan ang mga itim na kotse lulan ang kanyang mga kamag-anak. Kadalasan, mga tao muna ang unang pinapababa pero dahil nga kakaiba ang pamilya ni Avi, kahit sobrang nahihiya, ay pinaraanan ni Avi na makiusap at makisuyo na paunahin na sila dahil may mga matatanda silang sakay. Matatandang napakaiksi ng pasensya. “Avi bilis! Sakay na!“ sigaw ni Zari kay Avi nang makalabas na ang anim na sasakyan. Dali-dali namang sumakay si Avi at saka nakahinga ng maluwag nang makalabas na rin ang mga tao kasunod nitong sasakyan

